Seminary
Doctrinal Mastery: Lucas 22:19–20


Doctrinal Mastery: Lucas 22:19–20

“Gawin Ninyo Ito sa Pag-aalaala sa Akin”

Sacrament trays with bread and water.

Sa iyong pag-aaral ng Mateo 26:26–30, natutuhan mo ang tungkol sa pagpapakilala ng Tagapagligtas sa ordenansa ng sacrament sa Kanyang mga disipulo sa Huling Hapunan. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong madagdagan ang iyong kaalaman sa doktrina ng sacrament. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagsasaulo ng reperensya at mahalagang parirala sa banal na kasulatan para sa doctrinal mastery passage na Lucas 22:19–20, sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng doktrina, at paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Isaulo at ipaliwanag

Ipagpalagay na magsasama ka ng kaibigan sa simbahan na walang alam tungkol sa organisadong relihiyon o kay Jesucristo. Pagkatapos ng sacrament meeting, itinanong niya, “Ano ang layunin ng pagpapasa ng tinapay at tubig sa lahat?”

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1. Sagutin sa iyong study journal ang sumusunod na tanong:

  • Paano mo ipaliliwanag ang ordenansa ng sacrament sa iyong kaibigan?

Alalahanin na sa Huling Hapunan kasama ang Kanyang mga disipulo, pinasimulan ng Tagapagligtas ang ordenansa ng sacrament (tingnan sa Mateo 26:26–30; Marcos 14:22–25; Lucas 22:17–20). Basahin ang doctrinal mastery scripture passage na Lucas 22:19–20.

Sa iyong study journal, gumamit ng lapis para isulat ang sumusunod na reperensyang banal na kasulatan at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan: “Lucas 22:19–20: Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento ‘sa pag-aalaala sa akin.’”

Ulitin nang malakas ang reperensyang banal na kasulatan at ang mahalagang pariralang ito. Pagkatapos ay magbura ng dalawang salita o numero, at magsanay na muling sabihin ang reperensyang banal na kasulatan at parirala. Ulitin ang pattern na ito, magbura ng mga salita o numero at bigkasin ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala, hanggang sa mabura ang lahat ng salita at numero. Pagkatapos ay isulat ang reperensyang banal na kasulatan at ang mahalagang parirala nito hangga’t kaya mo nang walang kopya.

Pagsasanay para sa pagsasabuhay

Rebyuhin sandali ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman (tingnan sa Doctrinal Mastery Core Document [2022], “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman”). Pumili ng isa sa tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at magdrowing ng simpleng simbolo o larawan na sa palagay mo ay kumakatawan dito.

Ngayon ay magsanay na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrinang itinuro sa Lucas 22:19–20 sa pamamagitan ng pagbabasa ng sumusunod na sitwasyon at pagsagot sa mga sumusunod na tanong.

Si Judy ay 15 taong gulang, siya ay miyembro ng Simbahan sa buong buhay niya, at palaging dumadalo sa kanyang mga meeting sa simbahan. Kasama niya sa tirahan ang kanyang ina at lola, na mabubuting halimbawa sa kanya. Nitong nakaraang Linggo, naging interesado si Judy lalo na sa mga paksa ng mga tagapagsalita sa sacrament meeting. Nagbahagi ang bawat tagapagsalita ng mga nakaaantig at totoong personal na karanasan tungkol sa pagtanggap ng sakramento at kung paano ito nakatutulong para mapalakas ang impluwensya ng Tagapagligtas sa kanilang buhay. Dahil dito, napaisip siya kung bakit hindi pa siya nagkakaroon ng gayong mga karanasan. Naalala niya na sa oras ng sacrament, madalas na nagagambala siya ng kanyang telepono o ng ginagawa ng iba, o iniisip niya kung paano siya makakauwi agad para matulog.

  • Nadama mo na ba ang ganito?

  • Sa palagay mo, bakit ganito ang nadarama ng mga tao kung minsan?

Sa iyong study journal, gumawa ng heading para sa bawat isa sa tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman: (1) kumilos nang may pananampalataya, (2) suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw, at (3) hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos.

Sa ibaba ng bawat heading, magsulat ng mga partikular na paraan kung paano makatutulong kay Judy ang alituntunin na iyon ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Halimbawa, maaari kang magmungkahi ng mga partikular na paraan na maaari siyang kumilos nang may pananampalataya, magbahagi kung paano makatutulong ang pagpapanatili ng walang-hanggang pananaw sa kanyang sitwasyon, at magmungkahi ng ilang sources na itinalaga ng Diyos na magagamit niya bilang gabay at direksyon.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 2. Sagutin sa iyong study journal ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang ipapayo mo na dapat simulang gawin ni Judy upang malutas ang kanyang mga alalahanin?

  • Paano mo magagamit ang bawat isa sa tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang matulungan si Judy?

Kung kailangan mo ng tulong sa paggamit ng mga alituntuning ito ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, isaalang-alang ang mga sumusunod na tanong.

Kumilos nang may pananampalataya

  • Ano ang maipapayo mo kay Judy na makatutulong sa kanya na magkaroon ng mas magandang karanasan sa pagtanggap ng sakramento?

  • Ano ang maaaring makahadlang sa paggawa niya ng mga pagbabagong ito? Paano niya madaraig ang mga balakid na ito?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Ano ang maaari mong itanong kay Judy upang matulungan siyang makita ang kanyang sitwasyon nang may walang-hanggang pananaw? Bakit ang mga tanong na iyon ang napili mo?

Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos

  • Ano ang itinuturo sa Lucas 22 at sa iba pang mga banal na kasulatan o ng mga lider ng Simbahan na maaaring makatulong kay Judy?

  • Saan pa makahihingi ng tulong si Judy upang maging mas makabuluhan ang kanyang karanasan sa pagtanggap ng sakramento?