Doctrinal Mastery: Mateo 11:28–30
“Lumapit Kayo sa Akin … at Kayo’y Bibigyan Ko ng Kapahingahan”
Itinuro ni Jesucristo na kung lalapit tayo sa Kanya, pagagaanin Niya ang ating mga pasanin at bibigyan Niya tayo ng kapahingahan. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon na maipaliwanag ang iyong pagkaunawa sa doktrinang ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon na katulad ng mga karanasan mo sa sarili mong buhay.
Isaulo at ipaliwanag
Magsanay sa pagsasaulo ng reperensya at mahalagang parirala para sa Mateo 11:28–30 sa pamamagitan ng paggamit ng mga unang titik ng bawat salita ng parirala.
“Mateo __:28–__: Lumapit kayo sa a_, k__ lahat na n____ a__ lubhang n____, at kayo’y b____ ko ng k_____.”
Ang Doctrinal Mastery app ay maaari ding makatulong sa iyo na maisaulo ang mahalagang pariralang ito.
Pagpapaliwanag ng katotohanan
Alalahanin kung ano ang pamatok (tingnan ang sumusunod na larawan). Balikan ang Mateo 11:28–30, at alamin ang mga katotohanang itinuro ng Tagapagligtas.
Pagsasabuhay
Kung kinakailangan, rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral ng talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2020). Pagkatapos ay itugma ang bawat isa sa mga sumusunod na pangungusap sa naaangkop na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
(Tingnan ang Sagot sa Quiz sa pagtatapos ng lesson para sa mga tamang sagot.)
-
Ang matutong matukoy at maiwasan ang di-mapagkakatiwalaang sources ay magpoprotekta sa atin laban sa mga maling impormasyon at sa mga naghahangad na sirain ang ating pananampalataya.
-
Habang hinahangad nating mapalago ang ating pang-unawa at malutas ang mga problema, mahalagang umasa tayo sa patotoong taglay na natin tungkol kay Jesucristo, sa Pagpapanumbalik ng Kanyang ebanghelyo, at sa mga turo ng Kanyang inorden na mga propeta.
-
Hinihingi natin ang tulong ng Espiritu Santo para makita ang mga bagay-bagay tulad sa kung paano nakikita ng Panginoon ang mga ito.
-
Kumilos nang may pananampalataya
-
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
-
Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos
Sitwasyon
Pagtatamo ng espirituwal na kaalaman
Isipin kung paano mo magagamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang matulungan ang tao sa sitwasyon. Sagutin ang mga sumusunod na tanong upang matulungan ka.
Kumilos nang may pananampalataya
-
Ano ang ginawa mo upang magtiwala sa Diyos at lumapit sa Kanya nang maharap ka sa mga hamon ng buhay?
-
Anong mga aral ang natutuhan mo sa pananampalataya kay Jesucristo noon na makatutulong sa sitwasyong ito? Paano?
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
-
Ano ang nalalaman mo tungkol kay Jesucristo na dahilan kaya nagagawa Niyang pagaanin ang mga pasanin?
-
Paano naging mahalagang bahagi ng plano ng ating Ama sa Langit ang pagharap sa mga pasanin at hamon sa ating buhay?
Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos
-
Paano makatutulong ang pag-alam sa doktrinang matatagpuan sa Mateo 11:28–30 sa pasanin o hamon na ito?
-
Ano ang isa pang banal na kasulatan o pahayag ng propeta na maaaring makatulong? Paano?
Pagpapagaan ng mga pasanin
-
Sa iyong palagay, aling alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ang pinakanakatulong sa iyo na maghanda sa pagtugon sa sitwasyong ito? Bakit?
Sagot sa Quiz: 1. C; 2. A; 3. B