Seminary
Mateo 11:27; Juan 5:19, 30; Juan 8:18–28


Mateo 11:27; Juan 5:19, 30; Juan 8:18–28

“Ihahayag Siya ng Anak”

Christ is sitting down on the ground in the temple teaching a group of people. Outtakes included some more of Jesus teaching, the other outtakes with this image are from a different title: “Jesus Christ. Light of the World” showing Christ after the event of the Woman taken in Adultery and the Jews questioning his authority.

Nagpatotoo ang Tagapagligtas na mas makikilala natin ang Ama sa Langit sa pamamagitan ng pag-aaral sa halimbawa ng Kanyang Anak. Lahat ng sinabi at ginawa ni Jesucristo ay pagtulad sa halimbawa ng Kanyang Ama at ang layunin nito ay upang mas ilapit tayo sa Ama. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mas maunawaan kung sino ang Ama sa Langit at kung ano ang nadarama Niya tungkol sa iyo.

Alamin ang tungkol sa Ama sa Langit

Isipin ang sumusunod na sitwasyon:

Sa isang mensahe sa sacrament meeting kamakailan, narinig ni Claudio na ipinahayag ng isang miyembro ng kanyang ward, “Alam ko na kilala at mahal ako ng Ama sa Langit. Alam Niya ang aking mga pangangailangan at hinahangad Niyang tulungan ako.” Si Claudio ay nagulat at napaisip kung paano niya nalaman ang lahat ng ito tungkol sa Ama sa Langit. Habang pinagninilayan niya ang personal niyang nalalaman tungkol sa Ama sa Langit, nadama niya na hindi ito ganoon karami. Sinubukan pa niyang tingnan ang mga banal na kasulatan at hindi rin masyadong nagbunga iyon.

  • Sa anong mga paraan kaya natin nararamdaman na kung minsan ay para tayong si Claudio?

  • Paano nagiging mahirap para sa atin ang pakiramdam na parang hindi natin kilala ang Ama sa Langit o wala man lang tayong alam tungkol sa Kanya?

Isipin ang natutuhan mo tungkol sa Ama sa Langit at kung paano nakaimpluwensya sa iyo ang kaalamang iyon. Sa isang piraso ng papel o sa iyong study journal, isulat ang mga salitang “Ama sa Langit” sa gitna. Sa paligid ng mga salitang ito, isulat ang nalalaman mo tungkol sa Ama sa Langit.

  • Paano maaaring makaimpluwensya sa buhay ng isang tao ang mas lubos na pagkilala sa Ama sa Langit?

Habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito, alamin ang mga katotohanan tungkol sa Ama sa Langit at sa Kanyang Anak na makatutulong sa iyo na mas maunawaan kung sino Sila at kung ano ang nadarama Nila tungkol sa iyo. Maaari mong idagdag sa papel ang natutuhan mo tungkol sa Ama sa Langit.Palaging binabanggit ni Jesucristo ang Kanyang Ama at ginagawa Niya ito nang may mahalagang layunin. Basahin ang mga sumusunod na scripture passage, at alamin ang nais ni Jesus na malaman ng Kanyang mga tagasunod tungkol sa Kanyang sarili at sa Ama sa Langit:

Mateo 11:27, kasama ang pagbabago sa Pagsasalin ni Joseph Smith na ang Ama ay makikita rin ng mga taong pinagpahayagan ng Anak ng Kanyang sarili.

Juan 5:19, 30Juan 8:18–19, 26, 28

  • Paano mo ibubuod ang itinuro ng Tagapagligtas sa nabasa mo?

Ipinaliwanag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang isang mahalagang paraan upang makilala natin ang Ama sa Langit.

15:28

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Paano makaiimpluwensya sa akin ang pagkilala sa Ama sa Langit?

Itinuro ni Propetang Joseph Smith (1805–44):

Half-length frontal portrait of the Prophet Joseph Smith, Jr. Joseph’s head is turned to the side in a three-quarter view, right hand on hip and his left hand holds sheets of papers. He is depicted wearing a dark brown suit and a white shirt and tie.

Kung ang alam lang ng tao ay kumain, uminom at matulog, at hindi nauunawaan ang alinman sa mga plano ng Diyos, gayon din ang alam ng hayop. Kumakain, umiinom, at natutulog ang hayop, at wala nang iba pang alam tungkol sa Diyos; gayunman ay alam nito ang alam natin, maliban kung makauunawa tayo sa pamamagitan ng inspirasyon ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi nauunawaan ng mga tao ang katangian ng Diyos, hindi nila nauunawaan ang kanilang sarili.

0:59
0:54