Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 3


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 3

Unawain at Ipaliwanag

A group of young women are shown looking at a teacher. They discuss and talk together with each other.

Ang pag-unawa sa mga partikular na scripture passage at pagkakaroon ng kakayahang maipaliwanag ang mga katotohanang itinuturo ng mga ito ay mahalaga sa pagtatamo ng kahusayan sa doktrina. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang mas maunawaan at magsanay na ipaliwanag ang doktrinang itinuro sa mga sumusunod na doctrinal mastery passage: Mateo 5:14–16; Lucas 2:10–12; Juan 3:5; Juan 3:16.

Sa anong paraan ka pinakalubos na natututo?

Maraming paraan upang matuto, at magkakaiba tayong lahat ng pagkatuto at pagpapanatili ng impormasyon.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1. Basahin ang mga sumusunod na istilo sa pag-aaral, at i-rank ang mga ito mula 1 hanggang 4, kung saan 1 ang pinakanauugnay sa iyo at 4 ang pinakahindi nauugnay sa iyo. Makatutulong ito sa iyo na matukoy kung aling aktibidad ang gagawin mo kalaunan sa lesson.

  • Paglalarawan sa isipan: Natututo ako sa pamamagitan ng pagtingin at pag-iisip. Ang pagdodrowing, pagkukulay, mga chart, mga graph, at visual media ay nakatutulong sa akin na matutuhan at matandaan ang impormasyon.

  • Pagbabahagi sa iba: Ang pagsusulat at pakikipag-usap sa iba ay nakatutulong sa akin na makapag-isip nang mabuti at mas ganap na matuto.

  • Pag-aaral nang mag-isa: Mas gusto kong mag-aral nang mag-isa, at may kumpiyansa ako sa pagtuklas ng mga bagay-bagay nang mag-isa.

  • Hands-on na pag-aaral: Pinakalubos akong natututo gamit ang iba’t ibang pandamdam ko, tulad ng paghawak, pang-amoy, pandinig, at paggalaw ng aking katawan.

Isipin kung paano iniakma ng Tagapagligtas ang Kanyang pagtuturo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga tinuruan Niya.

  • Sa iyong palagay, bakit gumamit ang Tagapagligtas ng iba’t ibang istilo upang turuan ang iba? Ano ang itinuturo nito sa iyo tungkol sa Kanya?

Paggamit ng iyong istilo sa pag-aaral sa doctrinal mastery

Maglaan ng ilang sandali upang basahin ang mga sumusunod na doctrinal mastery reference sa Bagong Tipan. Tingnan kung maaalala mo ang nauugnay na mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

  • Sa palagay mo, alin sa mga scripture passage na ito ang lubos mong nauunawaan? Ano ang gusto mong mas maunawaan pa?

Gawin ang aktibidad A, B, C, o D gamit ang isa sa mga naunang doctrinal mastery passage (o iba pang doctrinal mastery passage mula sa Bagong Tipan) na gusto mong mas maunawaan. Kung may oras pa, kumpletuhin ang maraming aktibidad gamit ang iba’t ibang doctrinal mastery passage.

A: Paglalarawan sa isipan

Gumawa ng drowing, collage, meme, word art, word cloud, o iba pang visual representation na nagpapakita ng itinuturo ng iyong scripture passage. Iklik ang mga link na ito para sa ilang halimbawa:

Word artMga meme

B: Pagbabahagi sa iba

Gumawa ng plano para ituro ang iyong scripture passage. Mag-isip ng mga itatanong mo upang matulungan ang mga tinuturuan mo na maunawaan ang scripture passage, gumawa ng video na nagpapaliwanag ng kahulugan ng mahahalagang salita at parirala, o gumamit ng musika upang turuan ang iba.

C: Pag-aaral nang mag-isa

Pumili ng mahahalagang salita mula sa scripture passage na pag-aaralan. Itala ang mga kahulugan, siping sanggunian, o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na nagpapalalim sa iyong pag-unawa.

D: Hands-on na pag-aaral

Gumawa o tumukoy ng mga nahahawakang bagay o pattern na maaaring maglarawan sa scripture passage o mga partikular na salita o parirala mula sa scripture passage. Halimbawa, para sa Mateo 5:14–16, maaari kang gumamit ng iba’t ibang mapagkukunan ng liwanag upang ilarawan ang paanyaya ni Cristo na “paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw.”

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 2. Ibuod sa iyong study journal ang aktibidad na pinili mo:

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 3. Upang masuri ang iyong karanasan sa pag-aaral, gamitin ang mga sumusunod na opsiyon sa pagsagot sa mga tanong:

(A) Sumasang-ayon (B) Medyo sumasang-ayon (C) Hindi sumasang-ayon ngunit hindi naman tumututol (D) Hindi sumasang-ayon

  1. Mas nauunawaan ko ang (mga) scripture passage na napili ko.

  2. Ngayon ay mas may kumpiyansa ako sa kakayahan kong ipaliwanag sa ibang tao ang (mga) scripture passage na pinili ko kung kailangan ko itong gawin.

  3. Naniniwala ako na makatutulong sa akin ang paggamit ng katulad na pamamaraan sa pag-aaral at pagrerebyu ng iba pang doctrinal mastery passage.