Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 9
Magsanay sa Pag-unawa at Pagpapaliwanag ng mga Katotohanan
Ang mga doctrinal mastery scripture passage ay naglalaman ng mahahalagang katotohanan tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mas maunawaan ang mga katotohanang ito at matutulungan kang magsanay na ipaliwanag ang mga ito sa iba.
Paglilinang ng kasanayan
-
Sa anong bagay ka magaling?
-
Paano ka naging magaling dito?
Tinalakay ni Elder Gary E. Stevenson ng Korum ng Labindalawang Apostol kung paano maglinang ng kasanayan.
Para maging talagang magaling ang isang tao sa anumang bagay, bukod sa likas na talento ay kailangan ng matinding disiplina, sakripisyo, at maraming oras ng pagsasanay at praktis.
(Gary E. Stevenson, “Ang Inyong Priesthood Playbook,” Ensign o Liahona, Mayo 2019, 47)
-
Paano ito maiaangkop sa iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan?
-
Gaano kalaki ang kumpiyansa mo sa kakayahan mong ipaliwanag sa iba ang mga turo ng Tagapagligtas?
Ngayon, gagamitin mo ang mga doctrinal mastery scripture passage upang mapalalim ang iyong pag-unawa sa mga katotohanang itinuro ng Tagapagligtas, at magsasanay kang ipaliwanag ang mga katotohanang ito sa iba. Una, maaaring makatulong na rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage na napag-aralan mo kamakailan. Subukang itugma ang doctrinal mastery scripture reference sa tamang mahalagang parirala ng banal na kasulatan nito.
A. “Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos ay makikilala niya kung ang turo ay mula sa Diyos.” | |
B. Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.” | |
3. Juan 7:17 |
C. “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.” |
D. “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.” |
Pag-unawa sa scripture passage
Pumili ng isang doctrinal mastery scripture passage na gusto mong mas malalim na maunawaan pa. Upang matulungan kang mas mapalalim ang iyong pag-unawa sa scripture passage na ito, basahin muna ito nang dahan-dahan at mabuti, at pagnilayan ang kahulugan nito.
1. Gawin ang sumusunod sa iyong study journal:
Isulat ang lahat ng tanong na maiisip mo tungkol sa doctrinal mastery passage. (Kabilang sa mga halimbawa ng mga bagay na maaari mong itanong ang mga sumusunod: Ano ang ibig sabihin ng pariralang ito? Sino ang kausap ng Tagapagligtas, at bakit? Anong katotohanan ang itinuro ng Tagapagligtas, at bakit? Kailan maaaring makatulong sa akin ang turong ito?)Maghanap ng mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang resources tulad ng iba pang mga scripture passage, panalangin, tulong sa pag-aaral ng ebanghelyo, at mga taong pinagkakatiwalaan mo. Itala ang anumang sagot na mahahanap mo.
Mahalagang tandaan na hindi lahat ng sagot ay madaling mahanap. Ang ilan ay nangangailangan ng karagdagang oras, karagdagang pag-aaral, at personal na paghahayag. Gayunpaman, ang pagsasanay sa pagtatanong at paghahanap ng mga sagot ay makapagpapatibay sa iyong ugnayan sa iyong Ama sa Langit at makatutulong sa iyong linangin ang iyong kakayahang maging self-reliant sa aspektong espirituwal.
Pagpapaliwanag ng katotohanan
Ipagpalagay na binasa ng isang kaibigan mo ang doctrinal mastery scripture passage na pinag-aralan mo nito lang ngunit nahirapan siyang maunawaan ito at kung paano ito nauugnay sa kanyang buhay. Tinanong ka niya tungkol dito.
2. Gawin ang sumusunod sa iyong study journal:
Sumulat ng paliwanag tungkol sa doctrinal mastery scripture passage sa iyong kaibigan. Tiyaking tukuyin ang mahahalagang katotohanan at ipaliwanag kung bakit mahalaga ang mga ito sa iyo.
Pagtutok sa pagsasanay
Pagnilayan ang karanasang ito sa pagsisikap na mas malalim na maunawaan at maipaliwanag ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery scripture passage.
-
Paano nakaapekto ang pagpapalalim ng iyong pag-unawa sa kakayahan mong ipaliwanag ang mga katotohanan ng ebanghelyo?
-
Ano ang magagawa mo sa hinaharap upang maging handang ipaliwanag sa iba ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage at sa iba pang mga scripture passage?