Seminary
Mateo 25:14–46


Mateo 25:14–46

Paghahanda para sa Pagbabalik ng Tagapagligtas

Resurrected Christ with arms outstretched stands above a throng of people of all races and times, some prone, some standing. The people on the right side of Christ are in the attitude of worship. The people on the left side of Christ are in anguish. Scenes of ruin are in the foreground and background. The Washington D.C. temple is pictured in the upper left corner.

Itinuro ng Tagapagligtas ang talinghaga tungkol sa mga talento at ang talinghaga tungkol sa mga tupa at mga kambing upang matulungan ang Kanyang mga disipulo na malaman kung paano sila magiging handa para sa Kanyang Ikalawang Pagparito. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na matukoy ang mga katotohanan mula sa mga talinghagang ito at makatutulong sa iyo na maghanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

Alalahanin ang ilan sa mga talinghaga ng Tagapagligtas. Maaaring makatulong ang mga sumusunod na larawan upang maalala mo ang ilan sa napag-aralan mo na ngayong taon.

Mustard seeds
Stack of old silver coins.
shell sand pearl
  • Anong mga turo ang naaalala mo mula sa mga talinghagang ito?

  • Paano nakatulong sa iyo ang mga turo na natutuhan mo ngayong taon mula sa mga talinghaga?

  • Gaano kalaki ang kumpiyansa mo sa iyong kakayahang matuto tungkol sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng Kanyang mga talinghaga?

Rebyuhin ang mga paraan kung paano mauunawaan ang mga talinghaga

Maaaring makatulong na rebyuhin ang mga mungkahi kung paano mauunawaan ang mga talinghaga. Sa simula ng taong ito, natuto ka ng apat na hakbang para maunawaan ang mga talinghaga. Kung hindi mo napag-aralan ang mga ito o kung kailangan mo ng tulong upang maalala kung ano ang mga ito, maaari kang sumangguni sa lesson na “Mateo 13.”

Isulat sa iyong study journal ang mga sumusunod na heading. Mag-iwan ng puwang sa pagitan ng bawat heading upang makapagtala ng mga resulta at kaalaman.

  1. Hanapin ang mahahalagang detalye.

  2. Gumawa ng mga espirituwal na paghahambing.

  3. Tuklasin ang mahahalagang aral.

  4. Tukuyin kung paano personal na ipamumuhay ang mga aral.

Habang patuloy mong itinuturo ang lesson na ito, gagamitin mo ang apat na alituntuning ito sa mga talinghagang matatagpuan sa Mateo 25:14–46.

Hanapin ang mahahalagang detalye

Nang ituro ng Tagapagligtas ang tungkol sa Ikalawang Pagparito at Paghuhukom, nagbahagi Siya ng mga talinghaga upang mabigyang-diin kung ano ang magagawa natin upang maging handa sa Kanyang pagbabalik. Pumili ng isa sa mga sumusunod na talinghaga na ibinigay ng Tagapagligtas at pag-aralan ito, na inaalam ang mahahalagang detalye nito.

Ang talinghaga tungkol sa mga talento

Basahin ang Mateo 25:14–30.

3:3

The Parable of the Talents

Jesus declares the parable of the talents. Matthew 25:14–30

Ang sumusunod na impormasyon ay maaaring makatulong habang pinag-aaralan mo ang talinghagang ito:

  • Ang “talento” ay tumutukoy sa isang napakalaking halaga ng salapi noong unang panahon. Sa talinghagang ito, maaari itong sumagisag sa “isang bagay na may malaking kahalagahan,” tulad ng ebanghelyo o mga pagpapala, kaloob, kakayahan, at oportunidad na ibinibigay sa atin ng Panginoon (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Talento,” https://www.churchofjesuschrist.org/study/scriptures/gs/talent?lang=tgl).

  • Ang katagang “usury” ay maaaring tumukoy sa simpleng pagbibigay ng interes sa isang loan o maaaring magpahiwatig ng hindi masyadong mataas na interes (tingnan sa Bible Dictionary, “Usury”).

  • Ang panginoon ay sumasagisag kay Jesucristo.

  • Ang mga tagapaglingkod ay kumakatawan sa bawat isa sa atin.

Magdrowing ng isang larawan na naglalarawan sa talinghagang ito.

Ang talinghaga tungkol sa mga tupa at mga kambing

Basahin ang Mateo 25:31–46.

3:14

Ye Have Done It unto Me

Jesus declares the parable of the sheep and the goats. Matthew 25:31–46

Maaaring makatulong na malaman ang sumusunod na impormasyon habang pinag-aaralan mo ang talinghagang ito:

  • Ang “kanang kamay”: Noong unang panahon, ang maupo nang banda sa kanang kamay ng hari, o sa tabi ng hari sa kanyang kanang bahagi, ang pinakamarangal na katungkulan sa isang piging.

Magdrowing ng isang larawan na naglalarawan sa talinghagang ito.

Gumawa ng mga espirituwal na paghahambing, at tuklasin ang mahahalagang aral

Gamitin ang mga sumusunod na tanong upang matulungan kang matukoy ang mga aral na itinuro ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng Kanyang mga talinghaga. Maging detalyado hangga’t maaari.

  • Anong mga katotohanan o aral ang natutuhan mo nang pag-aralan mo ang talinghagang ito?

  • Paano makatutulong sa atin ang kaalaman at pagpapamuhay ng mga katotohanang ito upang makapaghanda sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas? Sa iyong palagay, bakit itinuro ng Tagapagligtas ang mga katotohanang ito?

  • Sa paanong mga paraan kapwa maawain at makatarungan ang Panginoon?

  • Paano mo madarama ang pagmamahal ng Tagapagligtas sa mga katotohanang itinuro Niya sa pamamagitan ng talinghagang ito?

  • Paano nakakaapekto sa iyo na alam mo ang mga katotohanang ito sa iyong hangaring maghandang humarap sa Tagapagligtas sa Kanyang Ikalawang Pagparito?

Tukuyin kung paano personal na ipamumuhay ang mga aral

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1. Gawin ang alinman sa aktibidad 1 o 2 nang mag-isa at pagkatapos ay gawin ang aktibidad 3 sa iyong study journal. Pakinggang mabuti ang mga impresyon mula sa Espiritu Santo tungkol sa magagawa mo upang makapaghanda sa pagharap sa Tagapagligtas.

  1. Kung pinag-aralan mo ang talinghaga tungkol sa mga talento, gumawa ng listahan ng mga kakayahan at pagpapalang ibinigay sa iyo ng Panginoon. Kung maaari, tukuyin ang ilan sa mga pagpapalang iyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga taong kilala mo o sa pamamagitan ng pagbabasa ng iyong patriarchal blessing, kung mayroon ka nito. Isipin kung paano ninanais ng Panginoon na gamitin mo ang mga kakayahan at pagpapalang ito.

  2. Kung pinag-aralan mo ang talinghaga tungkol sa mga tupa at mga kambing, pag-isipan kung ano ang maaaring maging kahulugan nito sa pagbibigay mo ng pagkain, inumin, damit, at pagsama sa isang tao. Isipin ang mga taong lagi mong nakikita, at tumukoy ng isang tao na sa palagay mo ay gusto ng Panginoon na tulungan mo. Isulat kung paano mo matutulungan ang taong iyon na mas mapalapit sa Kanya.

  3. Magbahagi ng isang katotohanan na natutuhan mo sa lesson na ito mula sa mga talinghaga ng Tagapagligtas, at ipaliwanag kung paano mo magagamit ang alituntuning iyon sa mga ginagawa mo sa araw-araw.

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Paano kung nakatatanggap ng mas marami o mas kaunti ang isang tao kumpara sa natatanggap ko?

Sinabi ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of Elder Quentin L. Cook. Called to the Quorum of the Twelve Apostles on 6 October 2007.

Ang paghusay sa ating mga talento ang pinakamainam na sukatan ng ating pag-unlad. … Ang ikumpara ang ating mga pagpapala sa iba ay tiyak na papawi sa ating kagalakan. Hindi maaari na habang nagpapasalamat tayo ay naiinggit din tayo. Kung talagang gusto nating mapasaatin ang Espiritu ng Panginoon at matuwa at sumaya, dapat tayong magalak sa ating mga pagpapala at magpasalamat.

(Quentin L. Cook, “Rejoice!,” Ensign, Nob. 1996, 29–30)

Anong mga gawa natin ang hahatulan ng Tagapagligtas?

Ipinaliwanag ni Elder Joseph B. Wirthlin-(1917–2008) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Last official portrait of Elder Joseph B. Wirthlin of the Quorum of the Twelve Apostles, 2004. Died December 1, 2008.

Sa huling panahon, hindi itatanong ng Tagapagligtas ang naging mga katungkulan natin. Hindi Siya magtatanong tungkol sa kayamanan o kasikatan natin. Itatanong Niya kung kinalinga ba natin ang mga maysakit, pinakain at pinainom ang nagugutom, dinalaw ang mga bilanggo, o pinalakas ang mahihina [tingnan sa Mateo 25:31–40]. Kapag tumutulong tayo sa pinakamaliit na mga anak ng Ama sa Langit, ginagawa natin ito sa Kanya [tingnan sa Mateo 25:40]. Iyan ang diwa ng ebanghelyo ni Jesucristo.

(Joseph B. Wirthlin, “Ang Dakilang Utos,” Ensign o Liahona, Nob. 2007, 30)

Ano ang inaasahan ng Panginoon na gawin natin sa ibinibigay Niya sa atin?

Nagbahagi si Elder Stanley G. Ellis ng Korum ng Pitumpu ng mga kabatiran sa talinghaga tungkol sa mga talento:

Official Portrait of Elder Stanley G. Ellis. Photographed in March 2017.

Ang tagapaglingkod na tumanggap ng lima at nagbalik ng sampu, gayundin ang nakakuha ng dalawa at nagbalik ng apat, ay ipinahayag na mabuti at tapat na tagapaglingkod. Ngunit ang nakatawag sa pansin ko ay ang tagapaglingkod na tumanggap ng isa, iningatan ito, at maayos na ibinalik sa kanyang panginoon. Nagulat ako sa sagot ng panginoon: “Ikaw na aliping masama at tamad, … alisin nga ninyo sa kanya ang talento, … at ang aliping walang kabuluhan ay inyong itapon sa kadiliman sa labas”! (Tingnan sa Mateo 25:14–30.)

Parang marahas ang reaksyong ito sa isang taong iningatan naman ang ibinigay sa kanya. Ngunit itinuro sa akin ng Espiritu ang katotohanang ito—umaasa ng kaibhan ang Panginoon!

(Stanley G. Ellis, “Pinagkakatiwalaan Niya Tayo!,” Ensign o Liahona, Nob. 2006, 52)

Iminungkahi ni Elder Ellis na magagawa natin ang “kaibhan” na ito sa ating buhay sa pamamagitan ng pagsunod sa Panginoon (tingnan sa Juan 15:5), paggawa ng ating mga espirituwal na tungkulin, at pagsunod sa Espiritu at sa mga lider ng ating Simbahan.