Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro
Makita ang mga mag-aaral sa paraang nakikita sila ng Diyos.


“Makita ang mga mag-aaral sa paraang nakikita sila ng Diyos,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Mahalin ang mga Tinuturuan Mo (2023)

“Makita ang mga mag-aaral sa paraang nakikita sila ng Diyos,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Mahalin ang mga Tinuturuan Mo

Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo: Mahalin ang mga Tinuturuan Mo

Makita ang mga mag-aaral sa paraang nakikita sila ng Diyos.

Kasanayan

Pag-aralan ang mga mensahe ng mga propeta kamakailan para maunawaan kung paano nakikita ng Ama sa Langit ang mga kabataan.

lalaking nag-aaral

Ipaliwanag

Itinuro ni Elder Dale G. Renlund, “Para mabisang mapaglingkuran ang iba kailangan natin silang tingnan … ayon sa paningin ng Ama sa Langit” (“Sa Paningin ng Diyos,” Liahona, Nob. 2015, 94). Ang mga buhay na propeta ay mga inspiradong kalalakihan na tinawag upang magsalita para sa Panginoon. Sa pag-unawa sa itinuturo ng mga propeta tungkol sa mga kabataan ngayon, makikita mo ang iyong mga estudyante ayon sa paningin ng Diyos at mas malalaman kung paano sila tutulungan anumang oras. Ang isang paraan para magawa ito ay mapanalanging pag-aralan ang mga mensahe ng propeta para matuklasan ang mga sagot sa mga tanong na tulad ng mga sumusunod:

  • Ano ang itinuturo ng mga propeta at apostol tungkol sa pagkakakilanlan ng mga kabataan?

  • Ano ang ipinagagawa ng mga lider ng Simbahan sa mga kabataan?

  • Ano ang inihahayag ng mga propeta at apostol tungkol sa mga inaasam, hangarin, damdamin, at inaasahan ng Panginoon sa mga kabataan?

Habang pinag-aaralan mo ang mga salita ng mga buhay na propeta para mahanap ang mga sagot sa mga tanong na ito o ang ilan sa sarili mong mga tanong, lalo mong mauunawaan kung paano nakikita ng Diyos ang mga kabataan ng Simbahan. Kapag mas malinaw mong nakikita ang mga estudyante ayon sa paningin ng Diyos, mabibigyang-inspirasyon kang magturo at makipag-ugnayan sa mga kabataan sa mas dakila at mas banal na mga paraan.

Ipakita

  • Si Sister Antel ay magsisimula na sa kanyang unang taon sa pagtuturo sa institute. Bago makilala ang kanyang mga estudyante, pinag-aaralan niya ang mensahe ni Pangulong Nelson na “Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan” habang pinag-iisipan ang tanong na “Ano ang nais ng propeta ng Panginoon na maunawaan ko tungkol sa mga young adult na tuturuan ko?” Mas malinaw niyang nakikita kung paano nakikita ng Ama sa Langit ang kanyang mga estudyante habang binabasa niya ang sumusunod: “Una sa lahat, kayo ay anak ng Diyos. Pangalawa, bilang miyembro ng Simbahan, kayo ay anak ng tipan. At pangatlo, kayo ay disipulo ni Jesucristo.”

  • Nadismaya si Brother Mueller dahil tila hindi interesadong makibahagi ang mga estudyante sa kanyang klase sa seminary. Naghanap siya ng tulong sa pamamagitan ng pag-aaral ng pinakahuling mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya para mahanap ang mga sagot sa tanong na “Ano ang ibinahagi ng mga lider ng Simbahan tungkol sa mga inaasam, hangarin, damdamin, at inaasahan ng Ama sa Langit sa mga kabataan?” Ang tingin niya sa kanyang mga estudyante ay napanibago nang mabasa niya ang mga salita ni Elder Dieter F. Uchtdorf: “Mahal kong mga kaibigan, hayaan ninyong ulitin ko, kung nakatayo ang Tagapagligtas ngayon dito, ipapahayag Niya ang Kanyang walang-hanggang pagmamahal sa inyo, ang Kanyang lubos na tiwala sa inyo” (“Si Jesucristo ang Lakas ng mga Kabataan,” Liahona, Nob. 2022, 12).

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

1:36

Magpraktis

  • Pag-aralan ang isang mensahe ng propeta kamakailan at maghanap ng mga ideya na tutulong sa iyo na maunawaan kung paano nakikita ng Ama sa Langit ang iyong mga estudyante.

Isama

  • Gumawa ng listahan ng mga pahayag ng mga propeta noong nakaraang taon na tutulong sa iyo na makita ang mga kabataan ayon sa paningin ng Ama sa Langit.

Talakayin o Pagnilayan

Paano nakakaapekto ang pagkakita sa mga kabataan ayon sa paningin ng Diyos sa paraan ng pagtrato mo sa kanila?

  • Ano ang ilang pahayag ng mga propeta na nakatulong sa iyo na makita ang mga kabataan kung paano sila nakikita ng Ama sa Langit, at ano ang kaibhang nagawa niyan para sa iyo?

  • Ano ang iba pang mga tanong na maaari mong pag-isipan habang pinag-aaralan ang mga mensahe ng propeta para matulungan kang mas maunawaan ang mga kabataan ng Simbahan?

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Kasanayan

“Mag-isip nang selestiyal” tungkol sa iyong mga estudyante para matulungan kang makita sila tulad ng Diyos.

babae at kabataan na tumatawa

Ipaliwanag

Inanyayahan tayo ni Pangulong Russell M. Nelson na “mag-isip nang selestiyal” sa pamamagitan ng “pagiging espirituwal sa kaisipan” (“Isipin ang Kahariang Selestiyal!,Liahona, Nob. 2023, 117). Maaari mong gamitin ito sa iyong mga estudyante, at matutulungan ka nitong makita sila tulad ng pagkakita sa kanila ng Diyos. Ang isang paraan na magagawa ito ay isipin ang isang estudyanteng kilala mo at “mag-isip nang selestiyal” sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili, “Ano ang alam at nauunawaan ng Diyos tungkol sa estudyanteng ito?” Ang kasanayang ito ay maaaring gamitin sa tuwing nakikipag-ugnayan ka sa mga estudyante o nag-iisip tungkol sa mga estudyante.

Ipakita

  • Matapos ang mahabang araw, umuwi si Brother Smith. Tinatanong siya ng kanyang asawa tungkol sa kanyang araw, at naisip niyang ibahagi ang isang sitwasyon na naranasan niya sa isang estudyante na hindi natapos nang maayos. Pagkatapos ay naisip niya ang paanyaya ni Pangulong Nelson na “mag-isip nang selestiyal” at itinanong sa kanyang sarili, “Ano ang alam at nauunawaan ng Diyos tungkol sa estudyanteng ito?” Ibinahagi niya sa kanyang asawa, “Nahirapan ako sa isang estudyante kaninang umaga, ngunit nagpapasalamat ako na alam kong isinugo ng Ama sa Langit ang binatilyong ito sa aming klase para magtagumpay.”

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

1:2

Magpraktis

  • Isipin ang isang estudyanteng kilala mo at “mag-isip nang selestiyal” tungkol sa kanya. Ano ang alam at nauunawaan ng Diyos tungkol sa estudyanteng ito?

  • Isipin ang isa pang estudyanteng kilala mo at “mag-isip nang selestiyal” tungkol sa kanya. Ano ang alam at nauunawaan ng Diyos tungkol sa estudyanteng ito?

Talakayin o Pagnilayan

  • Ano ang natutuhan mo mula sa pagpapraktis ng kasanayang ito? Bakit mahalagang makita ang iba tulad ng pagkakita ng Diyos sa kanila?

  • Paano maaaring maimpluwensyahan ang karanasan sa pagkatuto kapag palagi kang “nag-iisip nang selestiyal” tungkol sa iyong mga estudyante?

Isama

  • Ano ang maaari mong gawin para makagawian ang “pag-iisip nang selestiyal” tungkol sa iyong mga estudyante?

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?