Mahalin ang mga Tinuturuan Mo Tingnan ang mga mag-aaral kung paano sila nakikita ng Diyos. Pag-aralan ang mga mensahe ng mga propeta kamakailan para maunawaan kung paano nakikita ng Ama sa Langit ang mga kabataan. “Mag-isip nang selestiyal” tungkol sa iyong mga estudyante para matulungan kang makita sila tulad ng Diyos. Sikaping makilala sila—unawain ang kanilang mga kalagayan, pangangailangan, at kalakasan. Mag-obserba at magtanong tungkol sa mga interes ng mga estudyante.Sikaping makilala sila—unawain ang kanilang mga kalagayan, pangangailangan, at kalakasan. Tumigil sandali, magnilay, at sagutin ang mga tanong natin sa ating sarili na nag-aanyaya ng diwa ni Cristo na pagkilala, pagmamahal, at pagdamay sa ating mga pakikipag-ugnayan sa iba.Sikaping makilala sila—unawain ang kanilang mga kalagayan, pangangailangan, at kalakasan. Sikaping linawin at unawain ang tunay na layunin ng mga tanong, damdamin, at paniniwala ng mga estudyante.Sikaping makilala sila—unawain ang kanilang mga kalagayan, pangangailangan, at kalakasan. Banggitin ang kanilang pangalan kapag ipinagdarasal sila. Manalangin at magtanong kung paano mo matutulungan ang iyong mga estudyante at masusunod ang mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo.Banggitin ang kanilang pangalan kapag ipinagdarasal sila. Anyayahan ang mga estudyante na ipagdasal ang iba pang mga estudyante.Banggitin ang kanilang pangalan kapag ipinagdarasal sila. Lumikha ng ligtas na kapaligiran kung saan iginagalang ang lahat at alam nilang pinahahalagahan ang kanilang partisipasyon at mga ibinabahagi. Ipaalam na pinahahalagahan mo ang mga estudyante bago pa man sila magkomento o kapag itinaas nila ang kanilang kamay para magkomento.Lumikha ng ligtas na kapaligiran kung saan iginagalang ang lahat at alam nilang pinahahalagahan ang kanilang partisipasyon at mga ibinabahagi. Ipaalam sa mga estudyante na hindi lamang sila malugod na tinatanggap kundi kailangan din sila.Lumikha ng ligtas na kapaligiran kung saan iginagalang ang lahat at alam nilang pinahahalagahan ang kanilang partisipasyon at mga ibinabahagi. Maghanap ng mga angkop na paraan para maipakita ang iyong pagmamahal. Magpadala ng mensahe sa magulang ng isang estudyante tungkol sa isang positibong bagay na napansin mo tungkol sa kanyang anak. Magpatotoo sa pagmamahal ng Diyos kapag mahirap para sa iyo na madama o maipahayag ang pagmamahal sa mga tinuturuan mo.