“Espirituwal na ihanda ang iyong sarili,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magturo sa pamamagitan ng Espiritu (2023)
“Espirituwal na ihanda ang iyong sarili,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magturo sa pamamagitan ng Espiritu
Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo: Magturo sa pamamagitan ng Espiritu
Espirituwal na ihanda ang iyong sarili.
Kasanayan
Gamitin ang dokumentong “Pagpapahusay Bilang Isang Guro na Katulad ni Cristo—Isang Pagsusuri sa Sarili” para maanyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kang mapagbuti ang iyong mga paghahanda na magturo.
Ipaliwanag
Matapos mong ihanda ang bawat lesson, magpunta sa “Pagpapahusay Bilang Isang Guro na Katulad ni Cristo—Isang Pagsusuri sa Sarili” sa bahagi 3 ng Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Isipin kung gaano kahusay inilalarawan ng bawat pahayag sa pagsusuri ang karanasan sa pagkatuto na inihanda mo. Pagkatapos, ayon sa patnubay ng Espiritu, mapanalanging piliin ang anumang bagay na kailangang pagbutihin pa sa lesson plan at gumawa ng mga pagbabago.
Ibinahagi ni Elder Dieter F. Uchtdorf ang sumusunod na pangako tungkol sa paggamit ng pagsusuri: “Ito ay hahantong sa pagninilay sa sarili, [magpapakita] ng mga kahinaan, at magbibigay ng inspirasyon kung paano tayo magiging mas mahusay. … Ang pagsusuri sa sarili na ito ay maaaring maging malaking pagpapala—ngayon at sa tuwing naghahanda tayong magturo sa paraan ng Tagapagligtas.” (“Checklist ng Isang Guro” [Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas kasama si Elder Uchtdorf, Hunyo 12, 2022], ChurchofJesusChrist.org).
Ipakita
Matapos tapusin ni Sister Olsen ang kanyang lesson plan, tiningnan niya ang dokumentong “Pagpapahusay Bilang Isang Guro na Katulad ni Cristo—Isang Pagsusuri sa Sarili.” Mapanalangin niyang pinag-isipan ang bawat bahagi ng assessment at pumili ng angkop na sagot para sa bawat pahayag. Nakita niya ang isang bahagi sa kanyang lesson kung saan mas magagamit niya ang mga salita ng mga propeta para ituro ang isang katotohanang matututuhan nila.
Si Brother Sosi ay nagsisikap na maghikayat ng masigasig na pag-aaral sa kanyang mga lesson. Matapos niyang ihanda ang lesson, tiningnan niya ang “Pagpapahusay Bilang Isang Guro na Katulad ni Cristo—Isang Pagsusuri sa Sarili” upang alamin ang nagagawa niya sa aspektong ito. Sinuri niya ang kanyang lesson alinsunod dito:
Nagpasiya siyang magtanong ng isang bagay na naghihikayat sa mga mag-aaral na makilala si Jesucristo habang pinag-aaralan nila ang kanilang mga banal na kasulatan araw-araw at gumawa siya ng pagbabago sa kanyang lesson.
Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.
Magpraktis
-
Anong mga pagbabago ang maaari mong gawin sa iyong lesson plan kung ang iyong pagsusuri sa sarili ay katulad ng mga sumusunod:
-
Suriin ang susunod mong lesson plan sa pamamagitan ng paggamit ng “Pagpapahusay Bilang Isang Guro na Katulad ni Cristo—Isang Pagsusuri sa Sarili.” Mapanalanging pag-isipan kung gaano kahusay inilalarawan ng bawat pahayag sa pagsusuri ang karanasan sa pagkatuto na inihanda mo. Pagkatapos, ayon sa patnubay ng Espiritu, pumili ng anumang bagay na kailangang pagbutihin sa lesson plan at gumawa ng mga pagbabago.
Talakayin o Pagnilayan
-
Paano hahantong sa pagninilay sa sarili, pagpapakita ng mga kahinaan, at pagtanggap ng inspirasyon kung paano ka mas huhusay?
-
Ano ang pakinabang ng paggamit ng dokumento sa pagsusuri sa bawat lesson plan na inihahanda mo?
Isama
-
Planuhin kung paano mo gagamitin ang “Pagpapahusay Bilang Isang Guro na Katulad ni Cristo—Isang Pagsusuri sa Sarili” sa bawat lesson plan na inihahanda mo.
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
Dieter F. Uchtdorf, “Checklist ng Isang Guro” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas kasama si Elder Uchtdorf, Hunyo 12, 2022), ChurchofJesusChrist.org
-
“Pagpapahusay Bilang Isang Guro na Katulad ni Cristo—Isang Pagsusuri sa Sarili,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas (2022), 37
Kasanayan
Magtanong para masuri ang sarili mong karanasan at patotoo kay Jesucristo at ang doktrina at mga alituntunin sa lesson.
Ipaliwanag
Para makapaghanda sa espirituwal, maaari mong pagnilayan ang iyong sariling mga karanasan at patotoo tungkol kay Jesucristo at ang doktrina o alituntuning itinuro sa lesson. Kapag tumigil kayo at pinagnilayan ang sarili ninyong mga karanasan at patotoo, magkakaroon kayo ng mas malaking kumpiyansa na tumayo bilang saksi para kay Jesucristo at “Ang Espiritu Santo ay ibubuhos sa pagpapatotoo sa lahat ng bagay anuman ang inyong sasabihin” (Doktrina at mga Tipan 100:8). Sa oras ng paghahanda maaari kang tumigil sandali at magtanong na makatuulong sa iyo na magnilay. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga tanong na maaari mong itanong sa iyong sarili:
-
Ano ang nadarama ko tungkol sa alituntuning ito?
-
Ano ang karanasan ko sa alituntuning ito?
-
Paano ako tinulungan ng Tagapagligtas na matutuhan at ipamuhay ang alituntuning ito?
-
Kung magpapatotoo ako tungkol sa alituntuning ito, ano ang ipapahayag ko at bakit?
Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.
Ipakita
Naghahanda si Brother Almeida ng lesson at tinukoy ang sumusunod na alituntunin bilang isang alituntunin na maaari niyang tulungan ang mga estudyante na makatukoy at makaunawa: “Kapag tumatanggap tayo ng sakramento at lagi nating inaalaala ang Tagapagligtas, mapapasaatin ang Kanyang Espiritu.”
Tumigil muna si Brother Almeida para pagnilayan ang kanyang sariling mga karanasan sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili, “Ano ang naranasan ko nang sikapin kong alalahanin ang Tagapagligtas kapag tumatanggap ako ng sakramento?”
Habang pinag-iisipan ni Brother Almeida ang tanong na ito, natanto niya na ang pag-alaala at pag-iisip sa Tagapagligtas sa sakramento ay nakatulong sa kanya na madama ang mabisang epekto ng pagpapatawad at pagpapagaling sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.
Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.
Magpraktis
Mag-isip sandali ng sarili mong karanasan at patotoo kay Jesucristo para sa bawat doktrina at alituntunin sa sumusunod na listahan:
-
Kung susundin natin ang mga kautusan, pagpapalain tayo kapwa sa temporal at espirituwal.
-
Isang alituntunin mula sa susunod na lesson na ituturo mo.
Talakayin o Pagnilayan
-
Ano ang natutuhan o nadama mo habang nagpapraktis ka?
-
Paano ka kaya magiging mas epektibo sa pagtuturo ng mga alituntunin at doktrina sa iyong mga lesson kapag ginagamit mo ang kasanayang ito?
Isama
-
Tuwing naghahanda ka ng lesson, tumigil sandali at pag-isipan ang sarili mong karanasan at patotoo tungkol kay Jesucristo at ang doktrina at mga alituntunin sa lesson.
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
“Espirituwal na Inihanda ng Tagapagligtas ang Kanyang Sarili na Magturo,” sa “Magturo sa pamamagitan ng Espiritu,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas (2022), Gospel Library
-
Alma 5:45–46 (pinagnilayan ni Alma ang kanyang sariling patotoo)