Magturo sa pamamagitan ng Espiritu Espirituwal na ihanda ang iyong sarili. Gamitin ang dokumentong “Pagpapahusay Bilang Isang Guro na Katulad ni Cristo—Isang Pagsusuri sa Sarili” para maanyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kang mapagbuti ang iyong mga paghahanda na magturo. Magtanong para masuri ang sarili mong karanasan at patotoo kay Jesucristo at ang doktrina at mga alituntunin sa lesson. Laging maging handang tumugon sa mga espirituwal na pahiwatig tungkol sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Magtanong para masuri ang natutuhan bago magpatuloy sa lesson. Makinig at obserbahan ang mga estudyante para magtanong ng mga follow-up na tanong. Lumikha ng mga kapaligiran at oportunidad upang maturuan ng Espiritu Santo ang mga mag-aaral. Lumikha ng pagsusuri sa sarili para sa mga estudyante tungkol sa isang doktrina, katotohanan, o alituntunin.Lumikha ng mga kapaligiran at oportunidad upang maturuan ng Espiritu Santo ang mga mag-aaral. Gumamit ng sagradong musika. Sabihin sa mga estudyante na tukuyin ang mga linya at parirala sa sagradong musika na may kaugnayan sa mga katotohanang natututuhan nila.Lumikha ng mga kapaligiran at oportunidad upang maturuan ng Espiritu Santo ang mga mag-aaral. Tulungan ang mga mag-aaral na maghangad, makahiwatig, at kumilos ayon sa personal na paghahayag. Bago sumagot sa tanong o komento ng estudyante, tumigil sandali at mag-isip. “Ano ang maitatanong ko sa kanya?” o “Anong paanyaya ang maibibigay ko sa kanya?”Tulungan ang mga mag-aaral na maghangad, makahiwatig, at kumilos ayon sa personal na paghahayag. Magbahagi ng mga pahayag na tumutulong sa mga estudyante na mahiwatigan kapag ginagampanan ng Espiritu Santo ang Kanyang tungkulin o gawain.Tulungan ang mga mag-aaral na maghangad, makahiwatig, at kumilos ayon sa personal na paghahayag. Magpatotoo nang madalas, at anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo. Gumawa ng mga pahiwatig na tutulong sa mga estudyante na ipahayag ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo.Magpatotoo nang madalas at anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo. Magpatotoo nang mas madalas at mas malakas tungkol kay Jesucristo.Magpatotoo nang madalas at anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo.