Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro
Laging maging handang tumugon sa mga espirituwal na pahiwatig tungkol sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral.


“Laging maging handang tumugon sa mga espirituwal na pahiwatig tungkol sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magturo sa pamamagitan ng Espiritu (2023)

“Laging maging handang tumugon sa mga espirituwal na pahiwatig tungkol sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magturo sa pmamagitan ng Espiritu

Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo: Magturo sa pamamagitan ng Espiritu

Laging maging handang tumugon sa mga espirituwal na pahiwatig tungkol sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral.

Kasanayan

Magtanong para masuri ang natutuhan bago magpatuloy sa lesson.

Larawan
lalaking nagtuturo sa mga estudyante

Ipaliwanag

Ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ay nag-aanyaya sa atin na pag-isipan ang sumusunod na tanong: “Alam ba ng mga tinuturuan mo na mas interesado ka sa kanilang pagkatuto kaysa sa pagkumpleto ng lesson?” Maipapakita ng mga guro na interesado sila sa pagkatuto ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tanong na naglilinaw bago magpatuloy sa susunod na bahagi ng lesson. Para magawa ito, ang guro ay mag-uukol ng isang minuto pagkatapos matalakay ang isang alituntunin, paksa, o tanong upang magtanong para linawin kung ano ang naunawaan ng mga estudyante. Kabilang sa mga halimbawa ng mga tanong na ito ang:

  • Ano ang natutuhan ninyo?

  • Ano pa ang mga tanong ninyo tungkol sa natutuhan natin?

  • May iba pa ba kayong pinag-iisipan?

  • Mayroon bang anumang nakalilito o hindi malinaw sa bagay na ito?

Ang mga tanong na ito ay sumusuri sa pagkatuto at pag-unawa ng mga estudyante at hindi dapat itanong sa paraang mapapahiya sila. Ang mga sagot sa mga tanong na ito ay nag-aanyaya sa Espiritu Santo na tulungan ang isang guro na malaman kung paano tutugon sa mga pangangailangan ng mga estudyante.

Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.

Ipakita

  • Pagkatapos ng talakayan tungkol sa pananampalataya, huminto si Sister Robinson at nagtanong: “Bago natin pag-aralan ang susunod na scripture block, may iba pa ba kayong iniisip tungkol sa pananampalataya?”

  • Matapos pag-aralan ang mga banal na kasulatan tungkol sa Ikalawang Pagparito, itinanong ni Brother Moon, “Paano ninyo ilalarawan ang natutuhan ninyo tungkol sa Ikalawang Pagparito?”

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

Magpraktis

  1. Anong mga tanong ang maaari mong itanong para masuri ang naunawaan ng mga estudyante matapos ang isang talakayan tungkol sa paghahayag sa Doktrina at mga Tipan 8:2–3?

  2. Tingnan ang susunod na lesson sa kurikulum. Isulat ang ilang tanong na maaari mong itanong para masuri ang naunawaan ng mga estudyante tungkol sa isang paksa bago magpatuloy.

Talakayin o Pagnilayan

  • Paano makatutulong sa iyo ang ganitong uri ng mga tanong para maging handa kang tumugon sa mga espirituwal na pahiwatig tungkol sa mga pangangailangan ng iyong mga estudyante?

Isama

  • Sa susunod na dalawang linggo, subukang magtanong para masuri ang natututuhan ng mga estudyante bago magpatuloy sa kasunod na paksa sa lesson. Bigyang-pansin ang mga sagot ng mga estudyante at ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo habang ginagamit mo sa klase ang kasanayang ito sa pag-aaral.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Kasanayan

Makinig at obserbahan ang mga estudyante para magtanong ng mga follow-up na tanong.

Larawan
babaeng nagtuturo sa silid-aralan

Ipaliwanag

Ang mga gurong nagtatanong ng epektibong follow-up na mga tanong ay maingat na nag-oobserba sa kanilang mga estudyante sa klase at nakikinig nang mabuti sa kanilang mga sagot at tanong. Ang ilang paraan para makapaghanda ng mga follow-up na tanong ay:

  • Makinig nang mabuti, magtuon sa sinasabi ng estudyante, kabilang ang ekspresyon at tono.

  • Obserbahan ang mga ekspresyon ng mukha, body language, o kung ano ang ginagawa ng isang estudyante.

  • Habang nakikinig at nag-oobserba, tanungin ang iyong sarili, “Ano pa ang gusto kong malaman tungkol sa komento, tanong, o estudyante?” Pagkatapos ay itanong sa estudyante ang gusto mong malaman.

Ang isang follow-up na tanong ay maaaring magsimula sa, “May sasabihin ka pa ba tungkol sa …” o “Napansin ko na medyo emosyonal ka habang nagbabahagi ka. Pwede mo ba akong tulungan na maintindihan ang nararamdaman mo?” Dahil dito, mananatiling nakatuon ang guro sa estudyante at magbibigay ng pagkakataon sa estudyante na makibahagi sa mas malalim na antas. Bukod pa rito, inaanyayahan nito ang paghahayag mula sa Espiritu, kapwa para sa mag-aaral at guro.

Ipakita

  • Ibinahagi ni Juan ang isang karanasan tungkol sa isang panalangin na inialay ng kanyang pamilya. Batay sa emosyon sa boses niya, tila malaki ang kahulugan ng panalangin sa kanya. Habang nakikinig si Sister Rivera, itinatanong niya sa sarili, “Ano pa ang gusto kong malaman tungkol sa karanasang ito?” Gustong malaman ni Sister Rivera ang natutuhan nito tungkol sa Ama sa Langit, kaya itinanong niya, “Juan, ano ang natutuhan mo tungkol sa Ama sa Langit mula sa karanasan mo sa panalangin?”

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

Magpraktis

Habang binabasa mo ang mga sumusunod na komento ng mga estudyante, itanong sa iyong sarili, “Ano pa ang gusto kong malaman?” Isulat ang follow-up na tanong na maaari mong itanong sa estudyanteng ito.

  • Masayang sinabi ng estudyante, “Kanina ay nagbabasa ako ng mga banal na kasulatan at nakakita ako ng isang parirala na kailangan ko talagang marinig.”

  • May bahagyang pagkadismaya sa kanyang mukha, nagtanong ang isang estudyante, “Paano ko malalaman kung ito ay sariling pag-iisip ko lang o kung ang nangungusap ay ang Espiritu Santo?”

  • Sabi ng isang estudyante, “Naipaalala sa akin ng talatang ito ang sinabi ni Pangulong Nelson tungkol sa pagiging mga tagapamayapa.”

Talakayin at Pagnilayan

  • Bakit mahalaga ang pakikinig at pag-oobserba kapag nagtatanong ng follow-up na tanong?

  • Bakit mahalagang bahagi ng karanasan sa pagkatuto ang pagtatanong ng mga follow-up na tanong?

Isama

  • Gumawa ng plano na makatutulong sa iyo na patuloy na makinig at mag-obserba para magtanong ng mga follow-up na tanong.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

  • David A. Bednar at Chad H Webb, “Talakayan,” (gabi kasama ang isang General Authority, Peb. 7, 2020), Gospel Library

Print