Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro
Magpatotoo nang madalas at anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo.


“Magpatotoo nang madalas at anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magturo sa pamamagitan ng Espiritu (2023)

“Magpatotoo nang madalas at anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magturo sa pamamagitan ng Espiritu

Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo: Magturo sa pamamagitan ng Espiritu

Magpatotoo nang madalas, at anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo.

Kasanayan

Lumikha ng mga pahiwatig na tutulong sa mga estudyante na ipahayag ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo.

Ipaliwanag

Kapag nagbahagi ang mga estudyante ng kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo, patototohanan ng Espiritu Santo ang katotohanan ng sinasabi nila, kapwa sa kanilang sariling puso at isipan at gayundin sa iba. Ang mga pahiwatig ay isang paraan para matulungan silang magbahagi. Ang mga pahiwatig na ito ay karaniwang kinabibilangan ng dalawang bahagi: Ang unang bahagi ay nag-aanyaya sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang mga damdamin, karanasan, at patotoo at maaaring konektado sa iba pang tools sa pagtuturo, tulad ng mga larawan, tanong, case study, video clip, at himno. Ang pangalawang bahagi ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na magsimulang magbahagi. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na pag-isipan kung paano nila kukumpletuhin ang hindi tapos na parirala. Ang mahalagang katangian ng mga pahiwatig na ito ay na tinutulungan ng mga ito ang mga estudyante na makipag-ugnayan sa Espiritu Santo upang matulungan silang magsimulang mag-isip ng isang paraan para maipahayag ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo.

Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.

Ipakita

Ipakita ang Larawan

larawan ni Jesucristo

Itinuturo mo ang Doktrina at mga Tipan 45:1–5, at ang alituntunin ay “Si Jesucristo ang ating Tagapamagitan sa Ama.” Ipinapakita mo sa mga estudyante ang larawang ito ni Jesucristo at ginagamit ang pahiwatig na “Kung sasabihin ko kay Jesucristo ang isang dahilan kung bakit mahal ko Siya, sasabihin ko na …”

Ipakita ang Himno

Sama-sama ninyong kinakanta ang “Buhay ang Aking Manunubos” bilang isang klase. Inaanyayahan mo ang mga estudyante na hanapin ang kanilang mga paboritong linya na tutulong sa kanila na makumpleto ang pariralang ito: “Alam ko na si Jesucristo ay buhay upang …”

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

1:22

Magpraktis

  • Gugulin ang susunod na limang minuto at tukuyin ang isang larawan, himno, o video clip tungkol kay Jesucristo na nag-uugnay sa isang alituntunin o doktrina sa susunod na scripture block. Mag-isip ng isang pahiwatig na tutulong sa mga estudyante na makapag-isip at pagkatapos ay ibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, o patotoo tungkol kay Jesucristo na may kaugnayan sa piniling alituntunin o doktrina.

Talakayin o Pagnilayan

  • Paano makatutulong sa mga mag-aaral ang pagbibigay ng pahiwatig na ibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo?

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng higit na kumpiyansa sa pagbabahagi ng mga makabuluhang patotoo at damdamin?

Isama

  • Gumawa ng pahiwatig para sa bawat lesson sa linggong ito na makatutulong sa mga estudyante na maibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

  • Lead Inspired Discussions,” Teaching in the Savior’s Way (2016), 33–34

  • ChurchofJesusChrist.org

Kasanayan

Magpatotoo nang mas madalas at mas malakas tungkol kay Jesucristo.

lalaking nagtuturo sa silid-aralan

Ipaliwanag

Inanyayahan ni Elder Neil L. Andersen ang mga guro at lider ng Church Education System na “magpatotoo nang mas madalas at mas mabisa tungkol kay Jesucristo” (“Ang Kapangyarihan ni Jesucristo at ng Dalisay na Doktrina” [mensahe sa mga religious educator ng Church Educational System, Hunyo 11, 2023], Gospel Library). Ang mga pagkakataong magpatotoo ay maaaring dumating sa buong klase kapag ibinahagi ang mga katotohanan tungkol sa Tagapagligtas, hindi lamang sa simula o pagtatapos ng klase. Maaari mong gamitin ang sumusunod na mga tanong upang matulungan kang matukoy ang isang simple at makapangyarihang patotoo na maaari mong ibahagi:

  • Ano ang personal kong alam sa itinuturo tungkol sa Tagapagligtas?

  • Paano ko nadama ang kapangyarihang ito ni Jesucristo sa buhay ko?

  • Ano ang simple at taos-pusong paraan para maibahagi ko ang nalalaman ko tungkol kay Jesucristo?

Ang pagbabahagi ng iyong simple at madalas na patotoo tungkol sa Tagapagligtas ay maaaring lumikha ng isang kapaligiran kung saan mas komportable ang iyong mga estudyante na magbahagi at makatutulong sa kanila na madama na pinagtitibay ng Espiritu Santo ang iyong patotoo sa katotohanan.

Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.

Ipakita

Sa isang lesson tungkol sa pagsilang ni Jesucristo, inisip ni Brother Chandler ang nalalaman niya tungkol sa Tagapagligtas at kung sino ang Kanyang Ama at simpleng sinabi, “Si Jesucristo ay Anak ng Diyos.”

Ang iba pang mga parirala na dapat isaalang-alang at gamitin ay:

  • Nalaman ko sa aking sarili na si Jesucristo …

  • Alam ko na ang Tagapagligtas …

  • Nadama ko ang kapangyarihan ng Tagapagligtas na … sa buhay ko kapag …

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

1:11

Magpraktis

Para sa bawat isa sa mga sumusunod na katotohanan, sumulat ng simple at makapangyarihang patotoo na maibabahagi mo. Maaari mong gamitin ang mga tanong o pahiwatig mula sa paliwanag at ipinakita sa itaas upang matulungan ka.

  • Si Jesucristo ang ilaw ng sanlibutan.

  • Si Jesucristo ay nagdusa upang iligtas ako mula sa kasalanan at kamatayan at para tulungan ako na makayanan ang mga pagsubok ng mortalidad.

  • Isang katotohanan na ituturo sa susunod mong lesson.

Talakayin o Pagnilayan

  • Ano ang natututuhan mo habang pinapraktis mo ang simple at makapangyarihang mga patotoong ito tungkol kay Jesucristo?

  • Ano ang magagawa mo para matiyak na palaging mananatiling tapat at taos-puso ang iyong patotoo?

Isama

  • Habang naghahanda at nagtuturo ka ng iyong lesson o mga lesson sa darating na linggong ito, maghanap ng mga pagkakataong magpatotoo tungkol kay Jesucristo. Pagkatapos ay ibahagi ang iyong simple at taos-pusong patotoo tungkol sa Kanya.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

  • Gary E. Stevenson, “Pangalagaan at Ibahagi ang Inyong Patotoo,” Liahona, Nob. 2022, 111–114

  • Ibahagi ang Iyong Patotoo,” sa “Tulungan ang mga Tao na Gumawa at Tumupad ng mga Pangako,” Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo (2023), 236–237