“Tulungan ang mga mag-aaral na maghangad, makahiwatig, at kumilos ayon sa personal na paghahayag,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magturo sa pamamagitan ng Espiritu (2023)
“Tulungan ang mga mag-aaral na maghangad, makahiwatig, at kumilos ayon sa personal na paghahayag,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magturo sa pamamagitan ng Espiritu
Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo: Magturo sa pamamagitan ng Espiritu
Tulungan ang mga mag-aaral na maghangad, makahiwatig, at kumilos ayon sa personal na paghahayag.
Kasanayan
Bago sumagot sa tanong o komento ng estudyante, tumigil sandali at mag-isip. “Ano ang maitatanong ko sa kanya?” o “Anong paanyaya ang maibibigay ko sa kanya?”
Ipaliwanag
Kapag nagkomento o nagtanong ang isang estudyante, itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Sa halip na mag-isip ng, ‘Ano ang sasabihin ko sa kanila?’ dapat ang isipin ay, ‘Ano ang itatanong ko sa kanila?’ At hindi lang ‘Ano ang itatanong ko sa kanila?’ kundi ‘Ano ang paanyayang ibibigay ko sa kanila?’” (“Isang Gabi Kasama ang Isang General Authority—Elder Bednar” [gabi kasama ang isang General Authority, Peb. 7, 2020], broadcasts.ChurchofJesusChrist.org). Kapag itinanong ng guro ang “Ano ang maaari kong itanong sa kanila?” magagabayan ng Espiritu Santo ang guro na magkaroon ng karagdagang impormasyon upang mas maunawaan ang mag-aaral o malaman kung paano siya tutulungang maghangad at kumilos ayon sa personal na paghahayag.
Kapag nagtanong ang guro ng “Ano ang ipagagawa ko sa kanila?” maaaring makakonekta ang guro sa Espiritu Santo para malaman kung ano ang paanyayang ipapaabot, at mas mapag-iisipan ng estudyante kung paano kumilos ayon sa personal na paghahayag.
Ipakita
Alamin kung paano nag-iisip ang guro bago tumugon:
-
Pagkatapos ng klase, naghintay si Maria para magtanong kung paano niya matutukoy ang pagkakaiba ng sarili niyang mga ideya at ng mga pahiwatig ng Espiritu.
-
Bago ako sumagot, tumigil ako sandali at inisip, “Ano ang maitatanong ko upang makahanap siya ng sarili niyang sagot sa pamamagitan ng personal na paghahayag?” at “Anong paanyaya ang maibibigay ko sa kanya para malaman niya ang sagot para sa kanyang sarili?”
Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.
Magpraktis
-
Sa klase, nagtanong si Jafari: “Paano ko magagamit ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo para tulungan ako sa iba pang bagay bukod sa pagpapatawad ng mga kasalanan?”
Bago mag-isip ng isasagot, tumigil sandali at isipin, “Ano ang magagawa ko …”
Paalala: Ang praktis ay hindi pagtatanong o pagbibigay ng paanyaya. Hinihiling nito sa iyo na tumigil sandali at isipin, “Ano ang maitatanong ko sa kanya o maibibigay na paanyaya sa kanya upang makaugnay siya sa Espiritu Santo at malaman ang sagot para sa kanyang sarili?”
-
Sabi ni Annie, “Hindi ako mag-aasawa kahit kailan. Napakaraming miyembro ng aking pamilya ang nagdiborsyo na, kaya sayang lang na magsikap pa para dito.”
Bago mag-isip ng isasagot, tumigil sandali at isipin, “Ano ang magagawa ko …”
-
Nagtanong si Nick, “Ano ang pinakamainam na magagawa ko para makapaghanda para sa misyon?”
Bago mag-isip ng isasagot, tumigil sandali at isipin, “Ano ang magagawa ko …”
Talakayin o Pagnilayan
-
Ano ang karaniwan mong sagot kapag may nagtatanong sa iyo?
-
Ano ang natutuhan mo tungkol sa paggabay sa mga mag-aaral na maghangad at kumilos ayon sa personal na paghahayag?
Isama
-
Bawat araw sa linggong ito, isipin na may isang estudyanteng nagtatanong sa iyo. Bago ka sumagot, tahimik na sabihin sa iyong sarili, “Ano ang maaari kong itanong o hilingin na gawin nila na mag-uugnay sa kanila sa Espiritu Santo para malaman nila ang sagot para sa kanilang sarili?” Pagkatapos, sa buong linggo, kapag nagtanong o nagkomento ang isang estudyante, tumigil sandali at pag-isipan kung anong tanong o paanyaya ang maaari mong ibigay sa kanila sa halip na kung ano ang sasabihin mo sa kanila.
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
David A. Bednar, “Isang Gabi Kasama ang Isang General Authority—Elder Bednar” (gabi Kasama ang isang General Authority, Peb. 7, 2020), broadcasts.ChurchofJesusChrist.org
Kasanayan
Magbahagi ng mga pahayag na tumutulong sa mga estudyante na mahiwatigan kapag ginagampanan ng Espiritu Santo ang Kanyang tungkulin o gawain.
Ipaliwanag
“Sa pamumuhay sa mundong madalas ay nakalilimot na sa mga espirituwal na bagay, kinakailangan nating lahat ng tulong na mahiwatigan ang tinig ng Espiritu. Maaaring nadama na natin ang Espiritu nang hindi ito natatanto. … Ang isa sa mga pinakamagandang kaloob na maibibigay mo bilang guro ay tulungan ang mga tinuturuan mo na umunlad sa habambuhay na paghahangad ng personal na paghahayag” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], Gospel Library). Kapag ginagampanan ng Espiritu Santo ang isa sa Kanyang mga tungkulin o gawain, maaaring sabihin ng guro ang tungkulin o gawaing iyon at magpatotoo kung paano Niya ito isinasagawa. Ito ay lubhang kapaki-pakinabang pagkatapos magbahagi ng isang bagay ang estudyante, ngunit maaari din itong mangyari anumang oras sa buong klase. Ang paggawa nito ay makatutulong sa mga estudyante na mahiwatigan kung naroon ang Espiritu Santo sa klase at sa buong buhay nila.
Ang iba’t ibang tungkulin at gawain ng Espiritu Santo ay matatagpuan sa:
-
“Magturo at Mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu,” sa “Pamamahala sa Silid-aralan,” Karagdagang mga Tulong para sa Pag-unlad ng mga Guro
-
“Hangarin at Umasa sa Espiritu,” Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo (2023), 115–127
Ipakita
-
Estudyante: “Ipinapaalala sa akin ng talatang ito ang isang mensahe ni Pangulong Nelson sa pangkalahatang kumperensya nang anyayahan Niya tayong hayaang manaig ang Diyos.”
-
Guro: “Rosa, salamat sa pagbabahagi na ipinapaalala sa iyo ng talatang ito ang sinabi ni Pangulong Nelson. Ang tungkulin ng Espiritu Santo ay ipaalala sa atin ang lahat ng bagay. Ang Espiritu Santo ay bahagi ng pag-alaala mo sa pahayag na iyon.”
-
Matapos ibahagi ng mga estudyante ang mga karanasan tungkol sa katotohanang natutuhan nila sa klase, sinabi ni Sister Lopez, “Class, ang Espiritu Santo ay nagpapatotoo sa katotohanan, at nagpapasalamat ako sa mga katotohanang pinatotohanan Niya ngayon sa pamamagitan ng inyong mga karanasan.”
Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.
Magpraktis
Gamitin ang tungkulin o gawain ng Espiritu Santo at ang komento ng estudyante sa talahanayan sa ibaba para praktisin ang maaaring masabi mo para mahiwatigan ang tungkulin o gawain.
Tungkulin o Gawain ng Espiritu Santo |
Komento ng Estudyante |
Pahayag ng Guro |
---|---|---|
Tungkulin o Gawain ng Espiritu Santo Pinatototohanan Niya ang Diyos Ama at ang Kanyang Anak na si Jesucristo (tingnan sa 1 Corinto 12:3; Eter 12:41). | Komento ng Estudyante “Sa mga talatang ito, nalaman ko na pinagagaling ni Jesucristo ang mga taong lumalapit sa Kanya.” | Pahayag ng Guro
|
Tungkulin o Gawain ng Espiritu Santo Pinatitibay Niya (espirituwal na pinasisigla o pinalalakas) ang titser at ang estudyante (tingnan sa 1 Corinto 14:12; Doktrina at mga Tipan 50:22–23). | Komento ng Estudyante “Gusto ko talaga ang sinabi ni Jorge tungkol sa templo at nais kong idagdag na …” | Pahayag ng Guro
|
Tungkulin o Gawain ng Espiritu Santo Ipinagkakaloob Niya ang “bunga ng Espiritu,” na kinapapalooban ng kagalakan, pag-ibig, kapayapaan, pagtitiyaga, at kabutihan (Galacia 5:22–23). | Komento ng Estudyante “Matagal ko nang sinisikap na maging mas mabait sa kapatid ko.” | Pahayag ng Guro
|
Talakayin o Pagnilayan
-
Ano ang natututuhan mo habang pinapraktis mo ang bawat pahayag?
-
Paano makatutulong ang mga simpleng pahayag na ito para maunawaan at mahiwatigan ng ating mga estudyante kung paano nangungusap sa kanila ang Espiritu Santo?
Isama
-
Paano mo patuloy na matututuhan at sasabihin ang mga tungkulin at gawain ng Espiritu Santo habang naroroon sila sa silid-aralan?
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
Gary E. Stevenson, “Paano Kayo Tinutulungan ng Espiritu Santo?,” Liahona, Mayo 2017, 117–120