Mga Turo ng mga Pangulo
Pananampalataya kay Jesucristo


“Pananampalataya kay Jesucristo,” Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Russell M. Nelson (2023)

pinagagaling ni Jesucristo ang lalaki

Kabanata 4

Pananampalataya kay Jesucristo

Ang pananampalataya kay Jesucristo ang saligan ng lahat ng paniniwala at paraan sa pagtatamo ng banal na kapangyarihan.

Mula sa Buhay ni Russell M. Nelson

Noong 1985, inatasan ni Pangulong Ezra Taft Benson si Elder Russell M. Nelson na maging unang kontak ng Simbahan sa Europa. Upang makatulong sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ni Jesucristo sa bahaging ito ng mundo, maraming beses bumisita si Elder Nelson, pinalakas ang mga miyembro ng Simbahan, nakipag-ugnayan sa mga lider ng gobyerno, at humingi ng opisyal na pagkilala sa Simbahan.

Ipinakita ni Elder Nelson ang kanyang pananampalataya kay Jesucristo at nasaksihan ang pananampalatayang ipinakita ng mga miyembro ng Simbahan sa lugar na ito. Halimbawa, ang mga papeles na kumikilala sa Simbahan sa Czechoslovakia ay nilagdaan noong Pebrero 21, 1990. Ang pagpapalang iyan ay dahil sa matapat na pagsisikap nina Jiří Šnederfler at ng kanyang asawang si Olga:

“Ang pagkilala [sa Simbahan] ay pormal na mahihiling lamang ng isang miyembro ng Simbahan na Czechoslovakian,” sabi ni Pangulong Nelson. “Kaya nagpunta kami sa tahanan nina Brother at Sister Šnederfler. Ipinaliwanag namin na katatanggap lang namin ng impormasyong iyon mula sa chairman ng Council of Religious Affairs. Dahil alam namin na ang iba pang mga lider at palaisip na Czechoslovakian ay ikinulong o pinatay dahil sa paniniwala sa relihiyon o pagsalungat, sinabi namin kay Brother Šnederfler na kami, bilang kanyang mga lider ng Simbahan, ay hindi hihilingin sa kanya na gawin iyon. Matapos ang sandaling pagninilay, mapagpakumbabang sinabi ni Brother Šnederfler, ‘Pupunta ako! Gagawin ko iyon!’ Habang nagsasalita siya, napaluha ang kanyang asawang si Olga. Nagyakapan sila at nagsabi, ‘Gagawin namin ang anumang kailangang gawin. Ito ay para sa Panginoon, at ang Kanyang gawain ay mas mahalaga kaysa sa aming kalayaan o buhay.’

“Pagkalipas ng ilang buwan, nang handa na ang mga papeles, personal na isinumite ni Brother Šnederfler ang mga ito. Siya at ang ating mga miyembro ay mahigpit na minanmanan. Ang mga Banal ay nagpatuloy nang may tapang at pananampalataya. Sa huli, matapos ang pana-panahong pag-aayuno at panalangin at ganap na pagsunod sa lahat ng kinakailangan, dumating ang napakasayang balita ng pagkilala. Labis ang paghanga ko sa mga Šnederfler at sa lahat ng matatatag na miyembrong ito na tiniis ang napakaraming interogasyon at panganib!”

Mga Turo ni Russell M. Nelson

Bawat pagpapala na walang hanggan ang kahalagahan ay nagsisimula sa pananampalataya kay Jesucristo

16:22

Si Cristo ay Nagbangon; Ang Pananampalataya sa Kanya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok

Si Pangulong Nelson ay nagpatotoo tungkol sa kapangyarihan ng pananampalataya kay Jesucristo na makatutulong sa ating madaig ang mga hamon ng buhay. Nagmungkahi siya ng limang paraan para magkaroon ng mas malakas na pananampalataya.

Ang pananampalataya kay Jesucristo ang saligan ng lahat ng paniniwala at paraan sa pagtatamo ng banal na kapangyarihan. Ayon kay Apostol Pablo, “Kung walang pananampalataya ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos, sapagkat ang sinumang lumalapit sa [Diyos] ay dapat sumampalatayang may Diyos at siya ang tagapagbigay-gantimpala sa mga masigasig na humahanap sa kanya” [Mga Hebreo 11:6].

Lahat ng mabuti sa buhay—lahat ng pagpapala na maaaring matamo na may walang-hanggang kahalagahan—ay nagsisimula sa pananampalataya. Ang tulutan ang Diyos na manaig sa ating buhay ay nagsisimula sa pananampalataya na handa Niya tayong gabayan. Ang tunay na pagsisisi ay nagsisimula sa pananampalataya na may kapangyarihan si Jesucristo na linisin, pagalingin, at palakasin tayo.

“Huwag ninyong itatatwa ang kapangyarihan ng Diyos,” ang pahayag ng propetang si Moroni, “sapagkat siya ay gumagawa sa pamamagitan ng kapangyarihan, alinsunod sa pananampalataya ng mga anak ng tao” [Moroni 10:7; idinagdag ang diin]. Ang ating pananampalataya ang nagbubukas sa kapangyarihan ng Diyos sa ating buhay. …

16:22

Si Cristo ay Nagbangon; Ang Pananampalataya sa Kanya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok

Si Pangulong Nelson ay nagpatotoo tungkol sa kapangyarihan ng pananampalataya kay Jesucristo na makatutulong sa ating madaig ang mga hamon ng buhay. Nagmungkahi siya ng limang paraan para magkaroon ng mas malakas na pananampalataya.

Mangyaring unawain ito: kung mabigo ang lahat ng bagay at ang sinuman sa mundong ito na pinagkakatiwalaan ninyo, hindi kayo kailanman bibiguin ni Jesucristo at ng Kanyang Simbahan. Ang Panginoon ay hindi naiidlip, ni natutulog man. Siya ay “siya ring kahapon, ngayon, at [bukas]” [Mormon 9:9]. Hindi Siya tatalikod sa Kanyang mga tipan, Kanyang mga pangako, o sa Kanyang pagmamahal sa Kanyang mga tao. Siya ay gumagawa ng mga himala ngayon, at Siya ay gagawa ng mga himala bukas.

Kapag pinag-usapan natin ang pananampalataya—ang pananampalatayang makapagpapagalaw sa mga bundok—hindi natin pinag-uusapan ang pangkaraniwang pananampalataya kundi pananampalataya sa Panginoong Jesucristo. Ang pananampalataya sa Panginoong Jesucristo ay mapapalakas habang natututuhan natin ang tungkol sa Kanya at ipinamumuhay ang ating relihiyon. Ang doktrina ni Jesucristo ay nilayon ng Panginoon na makapagpalakas ng ating pananampalataya. …

14:56

Ipakita ang Inyong Pananampalataya

Pinayuhan tayo ni Russell M. Nelson na dagdagan ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pamumuhay ng ating relihiyon. Hinikayat niya tayong huwag itago ang ating pananampalataya kundi ipakita ito.

Maitatanong natin sa ating sarili, nasaan ang ating pananampalataya? Nasa isang koponan ba? Sa isang brand? Sa isang artista? Kahit ang pinakamahuhusay na koponan ay natatalo. Ang mga artista ay nalalaos. Sa Isa lamang mananatiling ligtas ang inyong pananampalataya, at iyon ay sa Panginoong Jesucristo.

Kapag naglalaan tayo ng oras sa pag-aaral tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo, mahihikayat tayong makilahok sa isa pang mahalagang sangkap sa paghugot ng lakas sa Kanya: pinipili nating sumampalataya sa Kanya at tularan Siya.

Tanong sa Pag-aaral

Ano ang ibig sabihin sa inyo ng sumampalataya kay Jesucristo?

Ang masigasig at patuloy na pananampalataya sa Panginoon ay nagbubunga ng ganap na pagbabalik-loob

Ang mga unang alituntunin ng ebanghelyo ay nagsisimula sa pananampalataya sa Panginoong Jesucristo. Sinabi ni Pablo na ang “pananampalataya ay siyang kapanatagan ng mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita” [Mga Hebreo 11:1]. Nagsumamo siya “na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya; upang kayo, na nakaugat at nakabatay sa pag ibig, ay makaunawa … at upang makilala ang pag-ibig ni Cristo” [Mga Taga Efeso 3:17–19]. Nakiusap sa atin si Pablo na magkaroon tayo ng “pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios” [Mga Taga Efeso 4:11–13].

Mula sa Aklat ni Mormon nalaman natin na “tayo ay nabuhay kay Cristo dahil sa ating pananampalataya. … At nangungusap tayo tungkol kay Cristo, nagagalak tayo kay Cristo, nangangaral tayo tungkol kay Cristo, nagpopropesiya tayo tungkol kay Cristo, at sumusulat tayo alinsunod sa ating mga propesiya, upang malaman ng ating mga anak kung kanino sila aasa para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan” [2 Nephi 25:25–26]. …

Ang masigasig at patuloy na pananampalataya sa Panginoon ay humahantong sa ganap na pagbabalik-loob at lubos na katapatan sa Kanyang banal na gawain. … Ang masigasig at patuloy na pananampalataya sa Panginoon ay nagbubunga ng pagbabalik-loob, ng malaking pagbabago ng puso [tingnan sa Alma 5:12–14], pagbabago ng isipan, mula sa mga paraan ng mundo tungo sa mga paraan ng Maykapal. Dahil dito nagsisisi ang isang tao nang may “buong layunin ng puso” [2 Nephi 31:13]. Dagdag pa ni Alma, “Ipangaral sa kanila ang pagsisisi, at pananampalataya sa Panginoong Jesucristo; turuan silang magpakumbaba ng kanilang sarili at maging maamo at mapagpakumbaba sa puso; turuan silang paglabanan ang bawat tukso ng diyablo sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa Panginoong Jesucristo” [Alma 37:33]. …

Ang pananampalataya kay Jesucristo ay hindi lamang naghahatid ng mga pagpapala sa buhay na ito, kundi mahalaga rin sa ating walang hanggang kaligtasan at kadakilaan.

Ang pinakamatinding bagay na nasaksihan ko ay ang katotohanang walang higit na makakaapekto nang mabuti sa buhay ng isang tao kaysa sa paniniwala sa Diyos at sa Kanyang Anak na si Jesucristo. Walang maihahambing sa pagdadalisay, pagpapalakas at kabuluhan na dumarating sa buhay ng isang tapat na mananampalataya at tagapaglingkod.

Tanong sa Pag-aaral

Paano nakagawa ng kaibhan sa buhay ninyo ang pananampalataya kay Jesucristo?

Dagdagan simula sa araw na ito ang inyong pananampalataya

16:22

Si Cristo ay Nagbangon; Ang Pananampalataya sa Kanya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok

Si Pangulong Nelson ay nagpatotoo tungkol sa kapangyarihan ng pananampalataya kay Jesucristo na makatutulong sa ating madaig ang mga hamon ng buhay. Nagmungkahi siya ng limang paraan para magkaroon ng mas malakas na pananampalataya.

Tila nakalulula ang manampalataya. Naiisip natin kung minsan kung makakaya ba nating magkaroon ng sapat na pananampalataya upang matanggap ang mga pagpapalang kailangang-kailangan natin. Gayunman, pinawi ng Panginoon ang mga pangambang iyan sa pamamagitan ng mga salita ng propetang si Alma ng Aklat ni Mormon.

Ang hiling lamang ni Alma sa atin ay subukan ang salita at “[gumamit] ng kahit bahagyang pananampalataya, oo, kahit na wala [tayong] higit na nais kundi ang maniwala” [Alma 32:27; idinagdag ang diin]. …

Ang Panginoon ay hindi humihingi ng perpektong pananampalataya para magamit natin ang Kanyang perpektong kapangyarihan. Ngunit hinihingi Niya na maniwala tayo. … Dagdagan simula sa araw na ito ang inyong pananampalataya. Sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, daragdagan ni Jesucristo ang inyong kakayahang maglipat ng mga bundok sa inyong buhay [tingnan sa 1 Nephi 7:12], kasinglaki man ng Mount Everest ang inyong mga personal na problema.

Ang inyong mga bundok ay maaaring kalungkutan, pag-aalinlangan, karamdaman, o iba pang mga personal na problema. Magkakaiba ang mga bundok ninyo, ngunit ang sagot sa bawat isa sa inyong mga problema ay dagdagan ang inyong pananampalataya. …

… Ang pagpapalakas ng inyong pananampalataya at tiwala sa Kanya ay nangangailangan ng pagsisikap. Magbibigay ako ng limang mungkahi na tutulong sa inyo na magkaroon ng gayong pananampalataya at tiwala.

Una, mag-aral. Maging masigasig na mag-aaral. Ituon ninyo ang sarili sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan upang mas maunawaan ang misyon at ministeryo ni Cristo. Alamin ang doktrina ni Cristo upang maunawaan ninyo ang kapangyarihan nito sa inyong buhay. Gawing bahagi ng buhay ang katotohanan na ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay para sa inyo. Dinala Niya sa Kanyang sarili ang inyong pagdurusa, ang inyong mga pagkakamali, ang inyong kahinaan, at ang inyong mga kasalanan. Siya ang sumagot ng kabayaran [para sa kasalanan] at nagbigay ng kapangyarihan sa inyo na ilipat ang bawat bundok na makakaharap ninyo. Natamo ninyo ang kapangyarihang iyan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, tiwala, at kahandaang sumunod sa Kanya. …

Mas marami kayong natututuhan tungkol sa Tagapagligtas, mas madaling magtiwala sa Kanyang awa, sa Kanyang walang-hanggang pagmamahal, at sa Kanyang nagpapalakas, nagpapagaling, at mapantubos na kapangyarihan. Nariyan sa tabi ninyo ang Tagapagligtas lalo na kapag hinaharap o inaakyat ninyo ang isang bundok nang may pananampalataya.

Pangalawa, piliing maniwala kay Jesucristo. Kung may pag-aalinlangan kayo tungkol sa Diyos Ama at sa Kanyang Pinakamamahal na Anak o sa katotohanan ng Pagpapanumbalik o pagiging totoo ng banal na pagtawag kay Joseph Smith bilang isang propeta, piliing maniwala [tingnan sa 2 Nephi 33:10–11] at manatiling tapat. Isangguni ang inyong mga tanong sa Panginoon at sa iba pang mapagkakatiwalaang sanggunian. … Tulutan ang Panginoon na akayin kayo sa inyong paglalakbay sa pagtuklas ng mga bagay na espirituwal.

Pangatlo, kumilos nang may pananampalataya. Ano ang gagawin ninyo kung kayo ay may mas higit na pananampalataya? Pag-isipan ninyo ito. Magsulat tungkol dito. Pagkatapos ay tumanggap ng higit pang pananampalataya sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay na nangangailangan ng higit na pananampalataya.

Pang-apat, tumanggap ng mga sagradong ordenansa nang karapat-dapat. Ang mga ordenansa ay nagbubukas ng kapangyarihan ng Diyos para sa inyong buhay [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:20].

At panglima, humingi ng tulong sa inyong Ama sa Langit, sa pangalan ni Jesucristo.

Ang pananampalataya ay nangangailangan ng paggawa. Ang pagtanggap ng paghahayag ay nangangailangan ng paggawa. Ngunit “ang bawat humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakakatagpo; at ang tumutuktok ay pinagbubuksan” [Mateo 7:8]. Alam ng Diyos kung ano ang tutulong sa paglakas ng inyong pananampalataya. Humingi, at pagkatapos ay huminging muli.

[Ang] isa pang sangkap sa paghugot ng lakas sa Tagapagligtas sa ating buhay [ay] ang lumapit sa Kanya nang may pananampalataya. Ang ganitong uri ng paglapit ay nangangailangan ng masigasig at nakatuong pagsisikap. …

14:50

Paghugot ng Lakas kay Jesucristo sa Ating Buhay

Itinuro ni Elder Nelson na makakahugot tayo ng lakas kay Jesucristo sa ating buhay sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa Kanya, pagsampalataya sa Kanya, paglapit sa Kanya, at pagtupad ng ating mga tipan.

Kung huhugot kayo ng lakas sa Panginoon sa inyong buhay na kasingtindi ng isang taong nalulunod na nagpupumilit at nangangapos ang hininga, sasainyo ang lakas mula kay Jesucristo. Kapag alam ng Tagapagligtas na talagang gusto ninyong lumapit sa Kanya—kapag nadama Niya na pinakamimithi ng inyong puso na humugot ng lakas sa Kanya sa inyong buhay—gagabayan kayo ng Espiritu Santo na malaman kung ano mismo ang dapat ninyong gawin [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:63].

Tanong sa Pag-aaral

Anong mga pagsisikap ang magagawa ninyo para mapalakas ang inyong pananampalataya kay Jesucristo?

Pinag-iibayo palagi ng pananampalataya ang pagtatamo natin ng banal na kapangyarihan

Upang makamit ang “imposible,” … ang pinakamahalagang kinakailangan ay pananampalataya. …

Personal na itinuro ng Panginoon ang katotohanang ito sa kanyang mga disipulo: “Kung kayo ay may pananampalataya,” sabi niya, “walang hindi maaaring mangyari” [Mateo 17:20].

16:22

Si Cristo ay Nagbangon; Ang Pananampalataya sa Kanya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok

Si Pangulong Nelson ay nagpatotoo tungkol sa kapangyarihan ng pananampalataya kay Jesucristo na makatutulong sa ating madaig ang mga hamon ng buhay. Nagmungkahi siya ng limang paraan para magkaroon ng mas malakas na pananampalataya.

Huwag maliitin ang pananampalataya na taglay na ninyo. Pananampalataya ang kailangan para makasapi sa Simbahan at manatiling tapat. Pananampalataya ang kailangan para masunod ang mga propeta sa halip na ang mga eksperto at popular na opinyon. Pananampalataya ang kailangan para makapagmisyon sa panahon ng pandemya. Pananampalataya ang kailangan para mamuhay nang dalisay kapag isinisigaw ng mundo na makaluma na ang batas ng Diyos sa kalinisang-puri. Pananampalataya ang kailangan para maituro ang ebanghelyo sa mga bata sa isang sekular na mundo. Pananampalataya ang kailangan para makapagsumamo para sa buhay ng mahal ninyo at ng higit pang pananampalataya para matanggap ang nakapanlulumong sagot. …

Ang mga bundok sa ating buhay ay hindi palaging naililipat sa paraan at panahong gusto natin. Ngunit palagi tayong hihikayatin ng ating pananampalataya na sumulong. Pinag-iibayo palagi ng pananampalataya ang pagtatamo natin ng banal na kapangyarihan. …

Ang pananampalataya kay Jesucristo ang pinakadakilang kapangyarihang matatamo natin sa buhay na ito. Ang lahat ng bagay ay posible sa kanila na nananampalataya [tingnan sa Marcos 9:23].

Ang pananampalataya kay Jesucristo ay nagtutulak sa atin na gawin ang mga bagay na kung tutuusin ay hindi natin gagawin. Ang pananampalatayang gumaganyak sa atin na kumilos ay nagbibigay-daan upang lalo pa tayong makahugot ng lakas sa Kanya.

Tanong sa Pag-aaral

Kailan kayo natulungan ng inyong pananampalataya na maisakatuparan ang isang bagay na tila imposible?

Hindi mapipigilan ng pananampalataya ang mga problema sa buhay pero makakatulong ito kapag nakagawa tayo ng mga pagkakamali

Kailangan ng tunay na pananampalataya sa Panginoon at sa Kanyang ebanghelyo upang makayanan ang mga pag-atake ng kaaway. Hinihikayat ko kayo na itanggi ang inyong sarili sa lahat ng kasamaan, kapwa pisikal at espirituwal [tingnan sa Moroni 10:32]. Patuloy na mahigpit na hawakan ang gabay na bakal ng ebanghelyo!

… Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay isang tiyak na pundasyon kung saan maitatayo natin ang ating pananampalataya. Ang ilan sa atin ay mahina; ang ilan ay malakas. Maaari tayong mag-alangan “katulad ng alon sa dagat na hinihipan at ipinapadpad ng hangin” (Santiago 1:6), o maaari nating iangkla ang ating sarili gamit ang mga lubid na espirituwal na bakal, na nakaugat at nakabatay sa mga walang-hanggang katotohanan ng ebanghelyo [tingnan sa Mga Taga Efeso 3:17–19; Mga Taga Colosas 2:6–7; Helaman 5:12].

Hindi mapipigilan ng gayong pananampalataya ang mga problema sa buhay pero makakatulong ito kapag nakagawa tayo ng mga pagkakamali. Nangyayari ang masasamang bagay sa mabubuting tao. May mga aksidenteng nangyayari. May ilang mag-asawa na maaaring hindi mabiyayaan ng mga anak. Ang iba ay maaaring hindi magpakasal sa buhay na ito, o maaaring makita nila ang kanilang sarili na ikinasal sa isang taong hindi sumusunod sa mga kautusan ng Diyos. Alam ng Panginoon ang ganitong mga kalagayan. Ipagkakaloob Niya ang lahat ng pagpapalang inilaan Niya para sa Kanyang matatapat na anak—sa Kanyang sariling paraan at sa Kanyang sariling panahon [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 130:20–21]. Maging matuwid, maging matiyaga, panatilihin ang walang hanggang pananaw, at kayo ay mapoprotektahan.

2:3

Face the Future with Faith

Truth, covenants, and ordinances enable us to overcome fear and face the future with faith!

Bakit natin kailangan ang gayon katatag na pananampalataya? Dahil darating ang mga araw ng paghihirap. Bihirang maging madali o popular sa hinaharap ang pagiging matapat na Banal sa mga Huling Araw. Bawat isa sa atin ay susubukan. Nagbabala si Apostol Pablo na sa mga huling araw, ang mga taong masigasig sumunod sa Panginoon “ay mangagbabata ng paguusig” [II Kay Timoteo 3:12]. Maaari kayong durugin ng pag-uusig na iyon hanggang sa manghina kayo o ganyakin kayong maging mas mabuting halimbawa at matapang sa araw-araw ninyong buhay.

Kung paano ninyo hinaharap ang mga pagsubok sa buhay ay bahagi ng paglago ng inyong pananampalataya. Lumalakas kayo kapag naaalala ninyo na kayo ay may likas na kabanalan, isang pamanang walang-hanggan ang kahalagahan. …

… Pinatototohanan ko na ang Diyos ay ating Ama. Si Jesus ang Cristo. Ang Kanyang Simbahan ay naipanumbalik na sa lupa. Ang Kanyang katotohanan, mga tipan, at mga ordenansa ang nagbibigay-kakayahan sa atin na madaig ang takot at harapin ang kinabukasan nang may pananampalataya!

Tanong sa Pag-aaral

Kailan nakatulong sa inyo ang pananampalataya ninyo kay Jesucristo na harapin ang pagsubok?

Yakapin ang bukas nang may pananampalataya!

16:24

Yakapin ang Bukas nang may Pananampalataya

Itinuro ni Pangulong Nelson na dapat tayong maghanda sa temporal, espirituwal, at emosyonal para sa hinaharap.

Napakarami nating dapat asamin! Nabubuhay kayo ngayon sa panahong ito dahil alam ng Panginoon na kaya ninyong mamuhay sa kumplikadong huling bahagi ng mga huling araw na ito. Batid Niyang mauunawaan ninyo ang kadakilaan ng Kanyang gawain at sabik kayong tutulong para maisakatuparan ito.

Hindi ko sinasabing magiging madali ang mga araw na darating, pero ipinapangako ko na magiging maluwalhati ang bukas para sa mga handa at patuloy na naghahandang maging kasangkapan sa mga kamay ng Panginoon.

… Huwag lamang nating tiisin ang mga nangyayari ngayon. Ating yakapin ang bukas nang may pananampalataya! Ang maligalig na mga panahon ay oportunidad para mapalakas ang ating espirituwalidad. Ito ang mga panahon kung saan maaaring maging mas malakas ang impluwensya natin kaysa sa mga panahong mas payapa.

Ipinapangako ko na habang tayo ay gumagawa ng mga ligtas na lugar, naghahanda ng ating isipan na maging matapat sa Diyos, at hindi tumitigil sa paghahanda, pagpapalain tayo ng Diyos. “Ililigtas niya [tayo]; oo, hanggang sa siya ay bumulong ng kapayapaan sa [ating] mga kaluluwa, at [magbibigay] sa [atin] ng malaking pananampalataya, at [papangyarihing tayo] ay umasa ng [ating] kaligtasan sa kanya” [Alma 58:11].

Sa paghahanda ninyo na yakapin ang bukas nang may pananampalataya, ang mga pangakong ito ay mapapasainyo!

Ang kapangyarihan ni Jesucristo ay magpapagaling sa atin, magpapalakas sa atin, aaliwin tayo, at magpapanibago sa atin! … Kapag naniniwala kayo kay Jesucristo at sinisikap ninyong sundin Siya nang tapat, tutulungan Niya kayo ng Kanyang nagpapagaling at nagpapalakas na kapangyarihan na ilipat ang mga bundok sa inyong buhay.

Hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap. Maaari tayong makaranas kahit paano ng kawalang-katiyakan at takot. Para sa mga ito at sa iba pang mga hamon, isa lamang ang epektibong panlunas. Ito rin ang panlunas na nagtulak sa ating mga ninuno na kumilos. Ito ay isang lumalago at hindi natitinag na pananampalataya na kilala tayo ni Jesucristo at tutulungan Niya tayo.

Nabubuhay tayo sa isang pinakamasiglang panahon sa kasaysayan ng mundo. Nagigising ako tuwing umaga na sabik sa mga pakikipagsapalaran sa maghapon. At sana madama rin ninyo ang kasabikang iyon sa kaloob na buhay. Bagama’t puno ng mabibigat na hamon ang ating mundo, positibo ako sa hinaharap at tiwala ako sa likas na kabutihan ng sangkatauhan.

Habang sumusulong ang Simbahan, nais naming magkaroon ng pagkakataon ang mga tao sa lahat ng dako na marinig ang positibong mensahe ng ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo dahil ipinapahayag namin na mayroon itong mga sagot sa pinaka-mapanghikayat at masalimuot na mga hamon na kinakaharap natin ngayon. Tinitiyak ko sa inyo na anuman ang kalagayan ng mundo at ng inyong personal na kalagayan, maaari ninyong harapin ang bukas nang may positibong pananaw at kagalakan kung mananampalataya kayo sa Panginoong Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo.

18:44

Daigin ang Mundo at Makasumpong ng Kapahingahan

Pinatotohanan ni Pangulong Nelson na madaraig natin ang mundo at makasusumpong tayo ng kapahingahan, sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jesucristo, sa pamamagitan ng ating mga tipan.

Mahal kong mga kapatid, napakaraming magagandang bagay na mangyayari. Sa mga darating na araw, masasaksihan natin ang mga pinakadakilang pagpapakita ng kapangyarihan ng Tagapagligtas na hindi pa nasasaksihan ng mundo kailanman. Mula ngayon hanggang sa oras ng Kanyang pagbabalik “na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” [Joseph Smith—Mateo 1:36], magkakaloob Siya ng napakaraming pribilehiyo, pagpapala, at himala sa matatapat.

Tanong sa Pag-aaral

Sa anong mga paraan kayo tinutulungan ni Jesucristo at ng Kanyang ebanghelyo na yakapin ang bukas nang may pananampalataya?

Mga Paanyaya at mga Pangako

Daragdagan ni Jesucristo ang inyong kakayahang maglipat ng mga bundok sa inyong buhay

Dagdagan simula sa araw na ito ang inyong pananampalataya. Sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, daragdagan ni Jesucristo ang inyong kakayahang maglipat ng mga bundok sa inyong buhay [tingnan sa 1 Nephi 7:12], kasinglaki man ng Mount Everest ang inyong mga personal na problema.

Ang inyong mga bundok ay maaaring kalungkutan, pag-aalinlangan, karamdaman, o iba pang mga personal na problema. Magkakaiba ang mga bundok ninyo, ngunit ang sagot sa bawat isa sa inyong mga problema ay dagdagan ang inyong pananampalataya. …

Ang mga bundok sa ating buhay ay hindi palaging naililipat sa paraan at panahong gusto natin. Ngunit palagi tayong hihikayatin ng ating pananampalataya na sumulong. Pinag-iibayo palagi ng pananampalataya ang pagtatamo natin ng banal na kapangyarihan.

Humugot sa kapangyarihan ng Panginoon

14:50

Paghugot ng Lakas kay Jesucristo sa Ating Buhay

Itinuro ni Elder Nelson na makakahugot tayo ng lakas kay Jesucristo sa ating buhay sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa Kanya, pagsampalataya sa Kanya, paglapit sa Kanya, at pagtupad ng ating mga tipan.

Kung huhugot kayo ng lakas sa Panginoon sa inyong buhay na kasingtindi ng isang taong nalulunod na nagpupumilit at nangangapos ang hininga, sasainyo ang lakas mula kay Jesucristo. Kapag alam ng Tagapagligtas na talagang gusto ninyong lumapit sa Kanya—kapag nadama Niya na pinakamimithi ng inyong puso na humugot ng lakas sa Kanya sa inyong buhay—gagabayan kayo ng Espiritu Santo na malaman kung ano mismo ang dapat ninyong gawin [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:63].

Labanan ang mga pag-atake mula sa kaaway

Kailangan ng tunay na pananampalataya sa Panginoon at sa Kanyang ebanghelyo upang makayanan ang mga pag-atake ng kaaway. Hinihikayat ko kayo na itanggi ang inyong sarili sa lahat ng kasamaan, kapwa pisikal at espirituwal [tingnan sa Moroni 10:32]. Patuloy na mahigpit na hawakan ang gabay na bakal ng ebanghelyo! …

Hindi mapipigilan ng gayong pananampalataya ang mga problema sa buhay pero makakatulong ito kapag nakagawa tayo ng mga pagkakamali. Nangyayari ang masasamang bagay sa mabubuting tao. May mga aksidenteng nangyayari. May ilang mag-asawa na maaaring hindi mabiyayaan ng mga anak. Ang iba ay maaaring hindi magpakasal sa buhay na ito, o maaaring makita nila ang kanilang sarili na ikinasal sa isang taong hindi sumusunod sa mga kautusan ng Diyos. Alam ng Panginoon ang ganitong mga kalagayan. Ipagkakaloob Niya ang lahat ng pagpapalang inilaan Niya para sa Kanyang matatapat na anak—sa Kanyang sariling paraan at sa Kanyang sariling panahon [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 130:20–21]. Maging matuwid, maging matiyaga, panatilihin ang walang hanggang pananaw, at kayo ay mapoprotektahan.

Yakapin ang bukas nang may pananampalataya

16:24

Yakapin ang Bukas nang may Pananampalataya

Itinuro ni Pangulong Nelson na dapat tayong maghanda sa temporal, espirituwal, at emosyonal para sa hinaharap.

Ipinapangako ko na magiging maluwalhati ang bukas para sa mga handa at patuloy na naghahandang maging kasangkapan sa mga kamay ng Panginoon.

… Huwag lamang nating tiisin ang mga nangyayari ngayon. Ating yakapin ang bukas nang may pananampalataya! Ang maligalig na mga panahon ay oportunidad para mapalakas ang ating espirituwalidad. Ito ang mga panahon kung saan maaaring maging mas malakas ang impluwensya natin kaysa sa mga panahong mas payapa.

Ipinapangako ko na habang tayo ay gumagawa ng mga ligtas na lugar, naghahanda ng ating isipan na maging matapat sa Diyos, at hindi tumitigil sa paghahanda, pagpapalain tayo ng Diyos. “Ililigtas niya [tayo]; oo, hanggang sa siya ay bumulong ng kapayapaan sa [ating] mga kaluluwa, at [magbibigay] sa [atin] ng malaking pananampalataya, at [papangyarihing tayo] ay umasa ng [ating] kaligtasan sa kanya” [Alma 58:11].

Sa paghahanda ninyo na yakapin ang bukas nang may pananampalataya, ang mga pangakong ito ay mapapasainyo!

Mga Video

Reach Up to Him in Faith

3:59

Reach Up to Him in Faith

President Russell M. Nelson teaches that just as the woman who was healed by touching the robe of Jesus, we can receive strength and direction by reaching out to Him as well.

The Answer to Each Challenge Is to Increase Faith

0:58

The Answer to Each Challenge Is to Increase Faith | Russell M. Nelson | Segment

Segment from President Russell M. Nelson’s April 2021 general conference message “Christ Is Risen; Faith in Him Will Move Mountains,” in which he said, “The answer to each of [our] challenges is to increase [our] faith.” #shorts

Mga Kaugnay na Mensahe

Si Cristo ay Nagbangon; Ang Pananampalataya sa Kanya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok” (pangkalahatang kumperensya ng Abril 2021)

16:22

Si Cristo ay Nagbangon; Ang Pananampalataya sa Kanya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok

Si Pangulong Nelson ay nagpatotoo tungkol sa kapangyarihan ng pananampalataya kay Jesucristo na makatutulong sa ating madaig ang mga hamon ng buhay. Nagmungkahi siya ng limang paraan para magkaroon ng mas malakas na pananampalataya.

Yakapin ang Bukas nang may Pananampalataya” (pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2020)

16:24

Yakapin ang Bukas nang may Pananampalataya

Itinuro ni Pangulong Nelson na dapat tayong maghanda sa temporal, espirituwal, at emosyonal para sa hinaharap.

Paghugot ng Lakas kay Jesucristo sa Ating Buhay” (pangkalahatang kumperensya ng Abril 2017)

14:50

Paghugot ng Lakas kay Jesucristo sa Ating Buhay

Itinuro ni Elder Nelson na makakahugot tayo ng lakas kay Jesucristo sa ating buhay sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa Kanya, pagsampalataya sa Kanya, paglapit sa Kanya, at pagtupad ng ating mga tipan.

Ipakita ang Inyong Pananampalataya” (pangkalahatang kumperensya ng Abril 2014)

14:56

Ipakita ang Inyong Pananampalataya

Pinayuhan tayo ni Russell M. Nelson na dagdagan ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pamumuhay ng ating relihiyon. Hinikayat niya tayong huwag itago ang ating pananampalataya kundi ipakita ito.

Harapin ang Kinabukasan nang may Pananampalataya” (pangkalahatang kumperensya ng Abril 2011)

2:3

Face the Future with Faith

Truth, covenants, and ordinances enable us to overcome fear and face the future with faith!