2020
Maaari Nating Ipalaganap ang Liwanag ng Ebanghelyo
Abril 2020


Maaari Nating Ipalaganap ang Liwanag ng Ebanghelyo

smiling young adults

Larawang kuha ni Weston C. Colton

Ang young adulthood ay panahon para sa paglago, mga oportunidad, at pagkakataon upang simulang itatag ang iyong buhay. At iyan ay maaaring napakahirap pagdaanan, kapana-panabik at nakakatakot na sabay-sabay na nararamdaman (iyan ang talagang nararanasan namin).

Ngunit hindi man natin alam ang lahat ng sagot sa mabibigat na tanong sa buhay, may isang bagay na talagang nakakasiguro tayo—na ang mga young adult noon pa man ay may mahalagang puwersa sa patuloy na panunumbalik ng Simbahan ni Jesucristo.

Sa pagpaplano ng bahagi sa buwang ito, kinausap namin ang maraming young adut tungkol sa kanilang pakikibahagi sa pagtitipon ng Israel. At kami ay nakadama ng pagpapakumbaba sa kanilang taos-pusong pagmamahal at katapatan sa ebanghelyo ni Jesucristo. Anuman ang kanilang kalagayan, nauunawaan ng mga kabataang Banal na ito ang mahalagang papel nila sa huling dispensasyong ito. Sa “Paano Nakakagawa ng Kaibhan ang mga Young Adult sa Patuloy na Panunumbalik” sa pahina 44, maaari ninyong basahin kung paano inihahanda ng mundo ang mga young adult mula sa India, Hungary, Barbados, Australia, at Estados Unidos para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

Sa mga artikulong digital lamang, nagbigay si Cesar ng pananaw tungkol sa kung paano natin mahahanap ang ating layunin at maging mas mahuhusay na lider. Nagsalita si Lauri tungkol sa mga pagpapalang natatanggap natin kapag sinusunod natin ang payo ng propeta. Ibinahagi ng iba pang mga young adult ang kanilang mga karanasan sa paglilingkod sa templo, pagmi-minister, family history, at gawaing misyonero. At ibinabahagi natin ang isang halimbawa mula sa young adult sa New Caledonia, na naglalarawan kung paano ginagawa ng mga kabataang miyembro ang gawain ng Panginoon sa maliliit na area ng Simbahan.

Saanman kayo naroon at anuman ang sitwasyon ninyo, maaari kayong makagawa ng kaibhan sa pagtitipon ng Israel nang higit sa inaakala ninyo. Bilang mga young adult, tayo ang magiging mga lider ng Simbahang ito sa hinaharap. At ang ating mga pagsisikap ngayon ay magpapaibayo at magpapalaganap sa liwanag ng ebanghelyo sa buong mundo sa hinaharap.

Tapat na sumasainyo,

Chakell Wardleigh at Mindy Selu

Mga patnugot ng bahagi para sa mga young adult ng mga magasin ng Simbahan