Welfare program

Isang Customized na Karanasan

Ipinahayag ni Pangulong Russell M. Nelson: “Sa buong buhay na paglilingkod sa Simbahan, nalaman ko na talagang hindi mahalaga kung saan tayo naglilingkod. Ang mahalaga sa Panginoon ay kung paano tayo naglilingkod” (“Paglilingkod nang may Kapangyarihan at Awtoridad ng Diyos,” nullLiahona, Mayo 2018, 68).

Bawat service missionary ay binibigyan ng isang customized na karanasan sa misyon na iniakma sa kanyang mga talento, kasanayan, at kaloob. Sa panahon ng kanilang misyon, karaniwan sa mga service missionary na maglingkod sa iba’t ibang gawain, kabilang na sa mga inaprubahang organisasyon ng komunidad at pangkawanggawa, mga operasyon ng Simbahan, at mga pagkakataong maglingkod na ibinigay ng stake. Sa kabuuan ng kanilang misyon, ang mga service missionary ay naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng mission president, na sinusuportahan ng mga service mission leader. Ang stake president at bishop ay nagbibigay ng suporta sa mga bagay na pang-eklesiyastikal tulad ng pagiging karapat-dapat at temple recommend.

LDS Service Missionaries are reliable and professional, which makes them exceptional volunteers. They work, not preach.
Service Missionaries Make Excellent Volunteers

Proseso sa Pagrerekomenda ng Missionary

Kinukumpleto ng lahat ng karapat-dapat na kabataang lalaki at babae na may hangaring magmisyon ang isang online recommendation form na pinoproseso ng kanilang bishop at stake president.

Kung minsan, ang isang miyembrong nagnanais na maglingkod ay maaaring hindi matawag na maglingkod bilang full-time teaching o service missionary. Maaaring dahil ito sa mga hamon sa kalusugan, hindi pagkaabot sa mga pamantayan ng pagkamarapat, mga isyung legal, o iba pang mga sitwasyon. Ang bishop at stake president ay nagpapahayag ng pagmamahal at pasasalamat sa kahandaan ng miyembro na maglingkod. Maaaring iparating ng mga lider ang anumang katanungan sa Missionary Department sa 801-240-2179.

Ang aplikasyon para sa lahat ng missionary ay kinabibilangan ng mga pagsusuri ng bishop, stake president, at mga medical professional. Ang Korum ng Labindalawa at mga General Authority Seventy ang sumusubaybay sa proseso ng pagrerekomenda ng mission.

Hindi pinipili ng missionary candidate kung sa anong uri ng mission siya maglilingkod. Lahat ng aplikante ay isasaalang-alang para sa mga teaching mission. Ang mga kabataang lalaki at babae na ang mga talento at sitwasyon ay pinakaangkop para sa isang service mission ay tinatawag na mga service missionary. Kung ang isang aplikante ay tinawag bilang service missionary, ang paglilingkod ay iaakma sa kanyang natatanging mga talento, kasanayan, at kaloob at sa mga oportunidad na maglingkod na available sa lokal na komunidad.

Hindi stake president ang nagpapasiya kung itatalaga sa isang teaching mission o sa isang service mission ang isang aplikante. Sa proseso ng aplikasyon, ang mga stake president ay patuloy na magbibigay ng impormasyon ayon sa kahilingan ng Missionary Department. Kung hindi maa-assign ang isang candidate sa teaching mission, kakausapin ng isang kinatawan mula sa Missionary Department ang stake president bago magbigay ng service mission call. Pinag-iisipang mabuti ng stake president kung dapat niyang ipaalam sa aplikante at pamilya nito na service mission call ang darating.

Sa aplikasyon, sinasagot ng mga bishop at stake president ang tanong na “Ang candidate bang ito ay may seryosong pisikal, mental, o emosyonal na limitasyon na dapat isaalang-alang kapag itinalaga?” Kung oo ang sagot, hihilingan ang mga priesthood leader na magbigay ng karagdagang impormasyon. Maaari ding talakayin ng mga priesthood leader sa candidate ang posibilidad na siya ay hindi na kailanganing pormal na maglingkod ng missionary (honorably excused).

Mga Early-Return Reassignment

May ilang missionary na naka-assign sa isang teaching mission sa simula ang maaaring hindi maipagpatuloy ang kanilang teaching mission dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Matapos makipag-usap sa mga mission leader, service mission leader, mission health council, at stake president ng missionary, maaaring magpasiya ang Missionary Department na uuwi ang isang teaching missionary. Isang kinatawan mula sa Missionary Department ang magsasabi sa stake president ng missionary ng tungkol sa pag-uwi nang maaga.

Bago ang pag-uwi ng missionary, makikipag-usap ang stake president sa mission president, mga service mission leader, sa missionary, at mga magulang upang ma-assess ang hangarin, kalagayan, at kakayahan ng missionary na patuloy na maglingkod bilang service missionary. Kung inirekomenda ang reassignment, tatanggap ang missionary ng service mission reassignment mula sa Korum ng Labindalawa.

Sa mga sitwasyon kung saan ang mga teaching missionary na maagang umuwi ay na-reassign bilang mga service missionary, isang customized service mission plan ang gagawin para sa bawat missionary. Kung umuwi ang missionary dahil sa pisikal na kalusugan, maaaring patuloy na maglingkod bilang service missionary ang missionary o maaaring bumalik at muling italaga bilang teaching missionary kapag nalutas na ang mga problemang medikal.

Ang stake president ay makikipagsanggunian sa Missionary Department bago maglabas ng maagang pag-release sa missionary.

WOODLAND WASHINGTON SISTER MISSIONARIES

Mga Resource para sa Service Mission

Service Mission Office

Ang Service Mission Office ay matatagpuan sa headquarters ng Simbahan at pinangangasiwaan ng mga empleyado ng Simbahan at ng mga senior service missionary.

Ang Service Mission Office ay nakikipagtulungang mabuti sa Missionary Department staff sa proseso ng pagrekomenda ng missionary at nagbibigay ng suporta sa mga lokal na priesthood leader, mga service mission leader (tingnan sa ibaba), at sa gawaing pangkawanggawa ng Simbahan at komunidad. Ang Service Mission Office ay nakikipagtulungan din sa Missionary Department para magbigay ng training, resources, at impormasyon sa mga service mission leader para matulungan ang mga service missionary na magtagumpay.

Mga Service Mission Leader

Kung kinakailangan, pinahihintulutan ng Area Presidency ang isang Area Seventy na tumawag ng isang nakatatandang mag-asawa na magiging mga service mission leader. Ang mga lider na ito ay nagsisilbing koneksyon sa pagitan ng mga mission president, organisasyong pangkawanggawa, at mga operasyon ng Simbahan upang matukoy ang mga potensyal na gawain. Ang mga service mission leader ay nakikipagtulungang mabuti sa Public Affairs at JustServe.org. Tinutulungan ng mga lider na ito ang mga service missionary na matugunan ang mga inaasahan ng mga organisasyon.
Ang mga service mission leader ay naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng mission president. Sila ay regular na nakikipag-ugnayan sa service missionary, inaalam ang ginagawa nito, at nagbibigay ng feedback. Sa pahintulot ng mission president, ang mga lider na ito ay tumutulong sa paglalaan ng mga gawain sa paglilingkod na maisasakatuparan ng service missionary sa mga organisasyong pangkawanggawa, operasyon ng Simbahan, paglilingkod sa templo o pagtitipon kasama ng iba pang mga missionary. Ang stake president ang espirituwal na responsable para sa service missionary.

Ang mga service mission leader ay tumatanggap ng training mula sa Missionary Department.

Mga External Operation Manager

Ang mga external operation manager ay mga indibiduwal na responsable sa service organization, tulad ng mga bishops’ storehouse at soup kitchen. Tinutulungan nila ang bawat service missionary na magkaroon ng makabuluhang karanasan habang naglilingkod sa itinalagang lugar. Tinutulungan din nila ang mga service missionary na matagumpay na makumpleto ang kanilang mga service assignment. Pinatitibay nito ang personal na katapatan ng mga service missionary sa mga pamantayan sa Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo—Mga Service Mission. [SN1]