Library
Hangarin Munang Matamo ang Aking Salita


Hangarin Munang Matamo ang Aking Salita

Seminaries and Institutes of Religion Satellite Broadcast • Agosto 4, 2015

Pambungad

Nagpapasalamat akong makapunta rito, at, tulad ninyo, gustung-gusto kong maging bahagi ng gawaing ito.

Sa paghahanda para sa araw na ito, inilahad ko ang mensahe ko sa aking pamilya at hindi ang kanilang feedback, … at halos lahat ay nakatulong. Ang feedback na nag-aalangan akong aminin sa inyo—at tiyak kong wala pang nakatanggap ng ganito sa inyo sa klase—ay na si Annie, ang aming 12-taong-gulang na anak, ay nakakatulong sa kalagitnaan ng mensahe ko. Kaya, inaasahan namin pareho na maging mas maganda ang bersyong ito ngayon!

Nitong huling dalawang taon, inanyayahan tayo ni Brother Chad Webb na tulungan ang ating mga estudyante na maranasang pag-aralan ang mga banal na kasulatan sa paraang mas magpapalalim sa kanilang pananampalataya sa Tagapagligtas.1 Nitong nakaraang taon mas maraming estudyanteng nagbasa ng mga banal na kasulatan kaysa rati. Gumugol sila ng mahigit 9 na milyong oras2 sa personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Salamat sa inyong mga pagsisikap!

Gusto naming panibaguhin ngayon ang paanyayang iyan. Maaari bang tulungan ninyo ang bawat estudyante sa seminary at institute na magkaroon ng makabuluhang karanasan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan bawat araw? At bagama’t tiyak na may mga bahagi sa Lumang Tipan na mahirap basahin at maunawaan ng ating mga estudyante, talagang naniniwala ako na hindi natin kailangang gumamit ng kakatwang paraan para “maging interesado [sila sa Lumang Tipan].”3

Inanyayahan din tayo ni Brother Webb na talakayin “kung paano tayo mas makakatuon sa mga banal na kasulatan na itinuturo natin.”4 Sunud-sunod ang mga tanong niya tungkol sa tungkuling ginagampanan ng mga banal na kasulatan sa ating pagtuturo. Marami sa inyo ang pinag-isipang mabuti ang mga tanong na iyon. Salamat! Sa araw na ito, maaari ba nating pag-usapan sandali ang tungkuling ginagampanan ng mga banal na kasulatan sa ating paghahandang magturo?

Noong Mayo ng 1829, sina Joseph at Emma Smith ay nanirahan sa Harmony, Pennsylvania. Dumalaw si Hyrum Smith at inasam na malaman ang kanyang tungkulin sa nagaganap na Panunumbalik. Nagtanong ang Propeta sa Panginoon at pinaalalahanan na ang salita ay “buhay at mabisa, mas matalas kaysa espadang may dalawang talim.”5 Pagkatapos ay itinuro ng Tagapagligtas kay Hyrum, at sa atin, ang isang alituntunin at prayoridad nang itakda Niya ang mahalagang pagkakasunud-sunod ng gawain ng mga guro: “Huwag hangaring ipahayag ang aking salita, kundi hangarin munang matamo ang aking salita, at pagkatapos ay kakalagan ang iyong dila; pagkatapos, kung iyong nanaisin, mapapasaiyo ang aking Espiritu at ang aking salita, oo, ang kapangyarihan ng Diyos sa ikahihikayat ng mga tao”6

Matamo ang Salita: Dapat Muna Itong Mag-alab sa Ating Kalooban

Ang ating mga pagsisikap na magturo ay hindi nagsisimula sa paghahanda ng lesson o pag-iisip kung paano ito ituturo o sa pagrerepaso man ng kurikulum. Ang ating pagsisikap na magturo ay talagang nagsisimula ad fontes, o “sa mga bukal.”7 Wala nang mas mainam na paghahandang magturo, sabi nga ni President Marion G. Romney, kaysa sa lubos na pag-inom mula sa bukal kung saan bumabalong ang tubig mula sa lupa.8 Kung nais nating ituro nang mabisa ang mga banal na kasulatan, kung nais nating madama ng ating mga estudyante ang katotohanan at kahalagahan ng isang talata, talagang kailangan itong simulan nang may sigla at kasabikan sa atin mismong kalooban.9

Ipinayo ni President Romney: “Para maging epektibong mga guro ng ebanghelyo … kailangan tayong magsumikap at mag-aral … hanggang sa ang mga turo [ng Panginoon] ay maging ating mga turo. Sa gayon tayo ay magiging handang magsalita nang may kapangyarihan at matibay na pananalig. Kung pipiliin nating sundin ang ibang paraan ng paghahanda, … hahantong tayo sa pagbibigay ng sarili nating mga ideya o ng mga ideya ng ibang tao, at [hindi natin tiyak kung magtatagumpay tayo].”10

Matamo ang Salita: Ano ang Hahanapin sa Ating Pag-aaral

Kapag hinangad nating matamo ang salita sa paraang pinag-aalab ang mga banal na kasulatan ay nag-aalab sa ating kalooban, maaari bang magbigay ako ng dalawang simpleng ideya na dapat nating maging pamantayan sa pagtatamo nito?

Una, may iba’t ibang antas ng kahalagahan ang mga katotohanan, at mapagpapala tayo at ang ating mga estudyante kapag naunawaan natin ito.

Pangalawa, ang mga banal na kasulatan ay naglalaman ng mga pagkakaugnay, huwaran, at tema,11 pati na ng mga simbolo at paghahalintulad, na ang pinakamahalaga ay nakatuon sa Tagapagligtas.

Iba’t Ibang Antas ng Kahalagahan ng Katotohanan

Sa simula, may isinulat si Elder Neal A. Maxwell tungkol sa “antas ng kahalagahan ng mga katotohanan” at na ang ilang katotohanan ay marapat sa ating katapatan, na isang salitang nagpapahiwatig ng dedikasyon, o pagsunod at debosyon:

“Ang isang bagay ay maaaring totoo ngunit hindi mahalaga. … Hindi lamang natin kailangang makilala ang kaibhan ng katotohanan sa kamalian, kundi kailangang malaman din kung aling mga katotohanan ang marapat sa ating katapatan.

“Ang ebanghelyo ni Jesus ay itinutuon ang ating isipan sa katotohanan na may antas ng kahalagahan ang mga katotohanan; ang ilang katotohanan ay talagang higit na walang hanggan ang kahalagahan kaysa sa iba!”12

Karamihan sa mga talata sa banal na kasulatan ay kinabibilangan ng ilang detalye, at ang naroong inspiradong mga detalye ay magbibigay-linaw sa mga alituntunin13 na layon nitong ipaliwanag.14

Dapat tayong maging mahuhusay na estudyante kapwa ng mga detalye at ng doktrina sa mga banal na kasulatan. Mahalagang maunawaan na ang detalye sa mga banal na kasulatan na itinuturo nang hiwalay sa doktrina at ayon sa sarili nitong kahalagahan ay nagbibigay lamang ng impormasyon. Ang gayong pagtuturo “ay hindi magpapahamak sa atin kung naroon ang espiritu, ni makakatulong sa atin kung wala ito.”15 Sa kabilang banda, ang pagtuturo na kinapapalooban lamang ng mga personal na kuwento, ideya, at damdaming nagmula sa talakayan, ngunit walang kahalagahan sa banal na kasulatan na kailangan para maituro ang katotohanan at makahikayat, ay hindi rin sapat. Ang ating mga estudyante ay matuturuan nang husto ng mga gurong mahusay mag-aral ng mga banal na kasulatan at nauunawaan ang mahalagang tungkulin ng Espiritu Santo.16

Narinig ko nang magsalita ang ilan tungkol sa “masigasig na pagtuturo” na kulang sa kahusayan. At narinig ko nang magsalita ang iba tungkol sa mahusay na pagtuturo na walang impluwensya ng espiritu. Kung mag-isa lang, hindi matutugunan ng masigasig na pagtuturo ni ng kahusayan ang mga kakaibang hinihingi ng edukasyong pang-relihiyon. Sinabi minsan ni Brother Robert J. Matthews, “Ang literal na kahulugan ng salitang ‘relihiyon’ ay ‘ibigkis na muli.’ Ito ay nauugnay sa salitang litid, na ibinibigkis ang kalamnan sa buto. Ang relihiyon ay dapat ibigkis ang taong mayroon nito sa Diyos at sa mga banal at sagradong bagay.”17 At iyan ang dapat gawin ng edukasyong pang-relihiyon para sa ating mga estudyante.

Ang detalye sa mga banal na kasulatan ay madalas tumuon sa mahalagang katotohanan. Kapag ang katotohanan ay itinuro nang may patotoo, nag-aanyaya ito ng paghahayag, at iniaangkop ng Espiritu Santo ang Pagbabayad-sala sa ating buhay,18 pinag-iibayo ang ating pananalig sa Tagapagligtas19 at ang ating tapat na pangakong sundin ang plano ng Ama sa Langit.

Ang Lumang Tipan ay tiyak na kinabibilangan ng “mga kamangha-manghang kuwento, kahanga-hangang kaugalian, at magagandang estilo sa pagsulat.”20 Mahalagang alalahanin natin, at makita sa ating pagtuturo, na hindi ang mga detalyeng ito ang layunin ng talata. Tulad ng itinuro na sa atin, “Ang mga banal na kasulatan ay isinulat upang pangalagaan ang mga alituntunin.”21 Ang mga alituntuning ito ng ebanghelyo “ang laman at layunin ng mga paghahayag.”22

Sa huli, kahit ang mga alituntunin ay may kaayusan, dahil ang “mga pangunahing alituntunin ng ating relihiyon ang patotoo ng mga Apostol at Propeta, tungkol kay Jesucristo.”23

Ang paghihiwalay ng mga detalye mula sa mga alituntunin, gayundin ang matutong kilalanin ang umiiral na antas ng kahalagahan ng mga alituntuning iyon, ay magiging habambuhay na gawain. Kung itinuro natin ang bawat detalye ng kasaysayan at ng batas, at kung itinuro natin ang bawat bahagi ng paggala ng Israel, at hindi natin itinuro ang mensahe ng plano ng Ama sa Langit at ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas sa Lumang Tipan,24 hindi pa natin naituro ang mensahe ng Lumang Tipan.25

Tiyak na ako ang inilarawan ni Pablo, at marahil ang ilan sa ating mga estudyante, nang sabihin niya na ang talukbong ay nananatiling “hindi itinataas [sa pagbabasa ng lumang tipan].” Pagkatapos ay binigyan niya tayo ng lunas sa mahirap na sitwasyong ito nang sabihin niya na ang “talukbong na ito’y naaalis sa pamamagitan ni Cristo,” at na “kailan ma’t magbalik [ang ating puso] sa Panginoon, ay maaalis ang talukbong.”26

Kung ang ating pagtuturo ay magtutuon sa Tagapagligtas,27 at matutulungan natin ang ating mga estudyante na ibaling ang kanilang puso’t isipan sa Kanya, maaalis ang talukbong sa pagbabasa nila ng Lumang Tipan. At, marahil ang mas mahalaga, habang natututo ang ating mga estudyante na umasa sa Tagapagligtas sa pag-aaral nila ng mga banal na kasulatan, matututo sila ng aral na katulad niyon at matututong hanapin Siya at ang Ama sa Langit sa sarili nilang buhay.

Isang Halimbawa ng Iba’t Ibang Antas na Ito ng Kahalagahan

Magbibigay ako ng isang mungkahing makakatulong sa pag-unawa natin sa katotohanan sa mga banal na kasulatan: Pumili ng isang talata, basahin ito, at itanong sa sarili, “Ano ang mga detalye sa talata?” Salungguhitan ang mga tao, ang mga lugar, ang panahon, at ang kuwento rito. Tingnan ang buong konteksto ng talata, at salungguhitan ang lahat ng detalye ng konteksto na makikita ninyo. Tulad ng mungkahi sa ating hanbuk, pansinin ang “mga sadyang paghinto”28 kung saan nagbago ang tema o nilalaman.

Ngayon muling tingnan ang talata, at sa pagkakataong ito’y itanong sa sarili, “Anong mga alituntunin o katotohanan ang ‘naroon na dapat ipamuhay,’29 at, kung naunawaan, ay ‘[hahantong] sa pagsunod’?”30 Pag-aralan ang buong konteksto ng doktrina sa talata. Markahan ang bawat alituntunin ng iba kaysa ginamit ninyong marka sa mga detalye. Kung ipinahiwatig ang mga alituntunin,31 mag-ukol ng panahong isulat ang mga ito.

Mahihirapan kayong sadyang gawin ito sa una. Kailangan dito ang konsentrasyon at panahon. Kasama sa pagpapalang makukuha sa pamamaraang ito ang pag-anyaya sa atin na patuloy na itanong ang, “Ano ang mga detalye sa talatang ito, at anong mga alituntunin ang layon nitong ituro?”

Tulad ng sinabi na natin, ang ilang alituntunin ay mas mahalaga kaysa sa iba; nag-aanyaya ang mga ito ng higit na inspirasyon, sigla, at kaligtasan dahil nakatuon ito sa Tagapagligtas. Kaya, muling tingnan ang talata, sa pagkakataong ito’y sa ibang pananaw, at itanong, “Paano dinisenyo ang talatang ito32 para ituon ang aking pansin sa Tagapagligtas? Ano ang nakapaloob dito na humahantong sa higit na pagkaunawa, pasasalamat, at pag-asa sa Kanya at sa plano ng Ama sa Langit?”

Sa huli, isiping mabuti ang sinabi ng mga makabagong propeta na magdaragdag ng kaalaman, pag-unawa, at inspirasyon sa talata.

Matapos mag-aral sa ganitong paraan, kapag bumaling nga tayo sa kurikulum, ang karagdagang pag-unawa, mga mungkahi, at patnubay na naroon ay sasamahan ng kaalaman, inspirasyon, at karanasang natamo natin sa mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta. Pagkatapos ay pinagtitibay, pinahuhusay, at pinag-iibayo ng kurikulum ang ating paghahandang ipahayag nang mabisa ang salita.

Halimbawa, kapag pinag-aralan natin ang aklat ni Ruth sa taong ito, makikita natin ang isang magiliw na kuwento ng kawalan at katapatan. O, kung iisipin ang antas na ito ng kahalagahan ng katotohanan, mapapansin natin na namatay ang asawa ni Ruth, naglakbay siya patungong Betlehem,33 at sa Betlehem niya nakilala si Booz. Pagkatapos ay mapapansin natin na inasikaso ni Booz ang mga pangangailangan ni Ruth, binigyan niya ito ng tinapay at isang basong alak,34 naging tagapamagitan siya nito sa pintuang-bayan,35 at pagkatapos, bilang kamag-anak nito, na ang literal na kahulugan ay “manunubos,”36 binili niya si Ruth,37 at pinakasalan ito,38 at hindi napahinga hanggang sa masabi niyang, “Natapos na.”39 Dahil diyan madarama natin ang nilayong patotoo ng pag-ibig at pagtubos gayundin ang sigla at inspirasyon sa pagkabatid na ginagawa rin ito ng Dakilang Kapatid40 para sa bawat isa sa atin.

Ito ay isang simpleng halimbawa lamang ng pagsasaliksik sa mga banal na kasulatan. Pagkatapos ay tutulungan ng maingat na guro ang bawat estudyante na magkaroon din ng ganitong karanasan sa kanyang pag-aaral habang natututong umasa ang estudyante sa sarili niyang espirituwalidad.41

Mga kapatid, sa bawat pahina ng banal na kasulatan, gumagawa tayo ng isang pagpapasiyang umaapekto sa bisa ng pagtuturo at pagkatuto sa ating mga klase. Ang pagpapasiyahan ay ito: Saang mga katotohanan natin ibabaling ang isipan at puso at pananampalataya ng ating mga estudyante? Malaki ang ginagawang kaibhan ng pagpapasiyang ito sa bahagi ng salitang pumapasok sa kanilang isipan at pamumuhay.42 Kung hindi tayo masigasig sa bagay na ito, kung pipiliin kong “mangibabaw sa aking pagtuturo” ang di-gaanong mahalagang katotohanan, kung gayon, tulad ng itinuro ni Pangulong Henry B. Eyring, “Halos nawalan na ako ng kakayahang tulungan ang isang estudyante na madaig ang impluwensya ng kasamaan.”43

Mga Pagkakaugnay, Tema, at Sagisag

Maliban pa sa pagkilala sa iba’t ibang antas na ito ng kahalagahan ng katotohanan, ang pangalawang simpleng ideya na maaaring makatulong sa pagtatamo natin ng salita ay na ang mga banal na kasulatan ay puno ng mga pagkakaugnay, tema, at sagisag. Maaari ba akong magbigay ng maikling halimbawa ng bawat isa mula sa Lumang Tipan?

Mga Pagkakaugnay

Ipinaliwanag ni Elder David A. Bednar na “ang pagkakaugnay ay pagkakaroon ng ugnayan o koneksyon sa pagitan ng mga ideya, tao, bagay, o pangyayari.”44

Ang isang pagkakaugnay na maaari nating mapansin ay na ang Lumang Tipan ay puno ng mga kuwento ng tagumpay at kabiguan, na pinaghahambing sa iisang kuwento: sina Cain at Abel, si Jose at ang kanyang mga kapatid, sina Jacob at Esau, sina Abigail at Nadab, at marami pang iba.

Napansin ni Pangulong Eyring ang mahalagang bagay na ito: “Sa paglalarawan ng kabiguan ay may pahiwatig din kung paano magtagumpay. … Ang paulit-ulit na espirituwal na pagbagsak at pagbuti ng kalagayan … ay nagbibigay ng pag-asa at kapupulutan ng aral [ng inyong mga estudyante].”45

Mga Tema

Ipinaliwanag din ni Elder Bednar na “ang mga tema ay pangunahin, paulit-ulit, at pinagsamang mga katangian o ideya, gaya ng mga sinulid na kapag hinabi ay nakabubuo ng tela.”46 Ang isang temang maaari nating mapansin sa taong ito ay matatagpuan sa mga katagang ito: “at inyong makikilala na ako [ang Panginoon] ninyong Dios.”47

Sa lahat ng salot na nangyari bago sila naligtas, maging sa mga himalang sumunod dito, sinabihan ang mga anak ni Israel na sa pamamagitan ng mga bagay na ito ay “malalaman [ninyo] na ako ang Panginoon.”48

Ang pagpaslang kay Goliath,49 ang pagpapagaling kay Naaman,50 si Elijah at ang mga saserdote ni Baal,51 at ang sagrado at banal na mga karanasan ni Daniel kay Haring Nabucodonosor52 ay pawang nakatala na may layuning “maalaman ng buong [mundo] na may Dios sa Israel.”53

Sa buong aklat ng Mga Awit,54 Isaias,55 at Ezekiel,56 sa 17 aklat ng Lumang Tipan, at sa mahigit 80 iba’t ibang pagkakataon, paulit-ulit na binanggit at binigyang-diin at tiniyak ni Jehova na Siya at ang Kanyang kapangyarihan ay makikita natin at ng Israel sa mga kaganapan at turo ng Lumang Tipan nang sa gayon ay “malaman [natin at ng ating mga anak] mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na … ako ang Panginoon, at wala [nang] iba.”57

Habang pinag-aaralan natin ang mga tema sa mga banal na kasulatan sa mga bagong cornerstone institute class,58 ang mga banal na kasulatan ay “pag-uugnay-ugnayin nang sa gayon kapag pinag-aralan [natin] ang isa [tayo ay] aakayin sa isa pa.”59 Kung ang mga kasulatan mismo ang pagtutuunan ng pag-aaral sa mga klaseng ito, ang mga banal na kasulatan ay “magsasama” at aakayin ang ating mga estudyante “sa kaalaman ng [kanilang] mga tipan.”60 “Ang pagsasaliksik at pagtukoy sa mga tema sa mga banal na kasulatan,” sabi ni Elder Bednar, “ay umaakay sa atin … sa mga walang-hanggang katotohanan na nag-aanyaya sa nagpapatibay na patotoo ng Espiritu Santo. … Ang paraang ito ng pagtatamo ng tubig na buhay mula sa imbakang mga banal na kasulatan ang pinakamahirap at mabagsik; nagbibigay rin ito ng pinakamalaking aral.”61 Kailangan dito ang higit na kahusayan natin bilang mga guro.62

Mga sagisag at paghahalintulad kay Cristo

Sa maraming huwaran sa Lumang Tipan,63 may isang nag-aanyaya ng ating pansin at pagsisikap. Iyan, mangyari pa, ay ang hanapin ang mga patotoo tungkol sa Ama sa Langit at sa Tagapagligtas. Sabi ni Elder Bruce R. McConkie, “Marapat lamang … na hanapin ang mga paghahalintulad kay Cristo saanman at gamitin ito nang paulit-ulit upang mapanatili Siya at ang Kanyang mga batas sa ating isipan.”64

Ang paglilista ng mga sagisag at kahalintulad ng Tagapagligtas ay halos tulad ng pagbibilang ng mga patak ng tubig sa ilog o mga sinag ng araw sa maaliwalas na umaga. Mangyari pa, “lahat ng bagay na ibinigay ng Diyos mula pa sa simula ng daigdig, sa tao, ay pagsasagisag sa kanya.”65

Ang Paglikha,66 ang ahas na tanso,67 ang manna,68 ang pagkaligtas ng Israel mula sa pagkaalipin sa Egipto sa pamamagitan ng dugo ng kordero na ipinahid sa mga haligi ng kanilang pintuan,69 at ang buong batas ni Moises, kasama ang paraan ng mga sakripisyo at pag-alaala, ay talagang nilayong “magturo sa atin upang madala tayo kay Cristo.”70

Ang kahandaan ni Abraham71 na isakripisyo si Isaac72; ang mga titulong iniukol kay Melquisedec,73 pati na ang “Prinsipe ng kapayapaan”74; ang pagliligtas ni Jose sa kanyang mga kapatid na nagbenta sa kanya75; at ang pagliligtas ni Moises sa mga anak ni Israel76 ay mga simbolo “niyaong darating.”77

Si Adan ay isang taong walang kasalanan78 na, habang nasa halamanan, ay kusang pinili79 na ibigay ang kanyang buhay upang tayo ay mabuhay.80

Inisip ng hari na ilagay si Daniel sa buong kaharian dahil sa “marilag na espiritu na nasa kaniya.”81 Ang “mga pangulo at mga satrapa,”82 na nasa katungkulan na galit kay Daniel, “ay nagsihanap ng maisusumbong laban [sa kanya] … nguni’t hindi sila nangakasumpong ng anoman.”83 Pagkatapos ang masasamang taong ito ay “nagpisan … [at] nangagsanggunian,”84 at samantala, si Daniel ay nagtungo sa dating lugar na “kaniyang [na]kaugalian” na puntahan,85 at doo’y nanalangin.86 Nang malaman ng hari ang lahat ng ito “inilagak [ng hari] ang kanyang puso … upang iligtas [si Daniel].”87 At matapos ihatid si Daniel sa tiyak na kamatayan, “isang bato [ang] dinala, at inilagay sa bunganga ng yungib.”88 Sinundan lamang ito ng pagbangon ng hari nang “maagang-maaga, at naparoon na madali sa yungib”89 at nalaman doon na isang anghel ang naparoon,90 at “isinampa si Daniel mula sa yungib, at walang anomang sugat na nasumpungan sa kaniya.”91

Sabi ni Alfred Edersheim ang buong Lumang Tipan ay “layong magtuon kay Cristo. … Hindi lamang sa batas, na siyang tagapagturo [sa Kanya], ni sa mga sagisag, na mga kahalintulad [Niya], ni sa mga propesiya, na nagbabadya tungkol sa [Kanya]; kundi ang buong Lumang Tipan ay puno ng salaysay tungkol kay Cristo. … Isang bagay ang kasunod nito: na … pag-aaral lamang ng mga Banal na Kasulatan ang sasapat o kapaki-pakinabang para makilala natin [ang Tagapagligtas].”92

Sa buong klase ninyo, at maging sa ating tahanan at pamilya, maaari bang mag-ukol kayo ng panahong tanungin ang inyong mga estudyante at anak kung ano ang natutuhan nila at kung paano ito nakakatulong sa kanila na makaunawa at umasa sa Ama sa Langit at sa Tagapagligtas? At mula sa unang araw ng klase, maaari bang turuan ninyo ang inyong mga estudyante na kusang hanapin ang kahanga-hangang mga patotoong ito na sadyang layon ng mga inspiradong awtor na ito?

Katapusan

Mga kapatid, ang mga banal na kasulatan ay hindi mahahalinhan ng iba pa sa ating pagtuturo at maging sa ating paghahandang magturo! Alalahanin ang babalang ito ni President Romney:

“Tayo ay inutusang ihatid ang natanggap natin mula sa Panginoon (ang mga banal na kasulatan) sa ating mga tinuturuan. Kung minsan [maaari nating] tangkaing ihatid ito nang hindi muna ito natatamo.. …

“… [Maaari nating naising] humayo at mangaral bago [bigyan] ng pagkakataon ang Panginoon na maihanda [tayo].”93

Sa diwang iyan, maaari ko bang idagdag ang ilang tanong tungkol sa mga natanggap natin mula kay Brother Webb noong nakaraang taon at anyayahan kayong isaalang-alang ang mga ito sa ating paghahandang magturo?

  • Nagsisimula ba ang paghahanda ko para sa klase sa pagsasaliksik sa mga banal na kasulatan?

  • Nalulugod ba ako94 sa mga talata sa banal na kasulatan na itinuturo ko ngayon, at ang mga ito ba ay “nag-aalab na apoy na nanunuot sa aking mga buto”?95

  • Nauunawaan ko ba kapwa ang mga detalye at ang doktrinang nais ng awtor na makita at maunawaan ko?

  • Nasaliksik ko na ba ang mga salita ng mga propeta para sa kanilang binibigyang-diin, ideya, at patotoo tungkol sa isang talata?

  • At sa bawat pagkakataon, nasaliksik at nahanap ko ba ang mga paraan na nagpapatotoo ang talata tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala?96

Nawa’y maging mas matalas ang salita kaysa sa isang espadang may dalawang talim97 sa ating mga silid-aralan dahil nag-aalab ang mga banal na kasulatan sa ating kalooban! Nawa’y magkaroon tayo ng determinasyong alamin ang mga detalye at doktrinang marapat sa ating katapatan! At nawa’y maturuan natin ang ating mga estudyante na tuklasin ang magagandang patotoo sa mga banal na kasulatan tungkol sa plano ng Ama sa Langit at sa Kanyang Pinakamamahal na Anak!98

Idinaragdag ko ang aking patotoo sa inyong patotoo, lalo na sa pagmamahal ng Ama sa Langit99 na ipinakita at natatamo sa pamamagitan ng mahimalang Pagbabayad-sala ng Kanyang Anak. At nagpapasalamat ako sa pambihirang pagkakataon na maging bahagi ng kamangha-manghang Panunumbalik, na “ipinakikilala [ang Kanyang pangalan] sa [buong] mundo magpakailanman.”100 Sa pangalan ni Jesucristo, amen.

Notes

  1. See Chad H. Webb, “An Invitation to Study the Doctrine and Covenants” (Seminaries and Institutes of Religion satellite broadcast, Aug. 5, 2014), lds.org/broadcasts.

  2. An estimated 200,000 seminary students read the Doctrine and Covenants last year. If they read for 15 minutes per day and read for 180 school days, that equals 9 million hours of personal scripture study.

  3. J. Reuben Clark Jr., The Charted Course of the Church in Education, rev. ed. (1994), 9.

  4. Chad H. Webb, “An Invitation to Study the Doctrine and Covenants,” lds.org/broadcasts.

  5. Doctrine and Covenants 11:2.

  6. Doctrine and Covenants 11:21.

  7. Elder Bruce R. McConkie taught that the first key to understanding the Bible is to read the Bible:

    “Could any key be more obvious than this? Simply read the book itself. Unless and until we do, nothing else will fall into place. We cannot do other than rate this key as a ten on our scale. All biblical scholarship and understanding begin with reading the basic source material.

    “One of our problems is that we read what others have said about the Bible. …

    “Read the book itself. ‘Search the scriptures’ (John 5:39). Treasure up the Lord’s word. Go to the source” (“The Bible, a Sealed Book” [Church Educational System symposium, Aug. 17, 1984] 4, si.lds.org).

  8. President Marion G. Romney said, “When I drink from a spring I like to get the water where it comes out of the ground, not down the stream after the cattle have waded in it. … I appreciate other people’s interpretation, but when it comes to the gospel we ought to be acquainted with what the Lord says” (from an address to religious educators, quoted by J. Richard Clarke, “My Soul Delighteth in the Scriptures,” Ensign, Nov. 1982, 15).

  9. President Harold B. Lee taught: “You cannot lift another soul until you are standing on higher ground than he is. You must be sure, if you would rescue the man, that you yourself are setting the example of what you would have him be. You cannot light a fire in another soul unless it is burning in your own soul” (“Stand Ye in Holy Places,” Ensign, Oct. 2008, 47). Elder Neal A. Maxwell said: “Part of what may be lacking, at times, in the decent teacher is a freshening personal excitement over the gospel which could prove highly contagious. Since we can only speak the smallest part of what we feel, we should not let that ‘smallest part’ shrink in its size” (“Teaching by the Spirit—‘The Language of Inspiration’” (Church Educational System symposium on the Old Testament, Aug. 15, 1991, 5, si.lds.org).

  10. Marion G. Romney, “The Message of the Old Testament” (Church Educational System symposium on the Old Testament, Aug. 17, 1979), 1, si.lds.org.

  11. See David A. Bednar, “A Reservoir of Living Water” (Church Educational System fireside for young adults, Feb. 4, 2007), speeches.byu.edu (text), LDS.org (video).

  12. Neal A. Maxwell, The Smallest Part (1973), 4; see also Neal A. Maxwell, “The Inexhaustible Gospel,” Ensign, Apr. 1993, 69.

  13. Elder Richard G. Scott said, “Principles are concentrated truth, packaged for application to a wide variety of circumstances” (“Acquiring Spiritual Knowledge,” Ensign, Nov. 1993, 86; see also Gospel Teaching and Learning: A Handbook for Teachers and Leaders in Seminaries and Institutes of Religion [2012], 5–7). Brother Chad Webb has suggested that to determine if something is a principle, we might ask ourselves, “Is it always true? Is it applicable in every condition, every time, every circumstance, and to every people?”

  14. Elder Scott also taught: “As you seek spiritual knowledge, search for principles. Carefully separate them from the detail used to explain them” (“Acquiring Spiritual Knowledge,” 86; see also Gospel Teaching and Learning, 26–31).

  15. Boyd K. Packer, Let Not Your Heart Be Troubled (1991), 15.

  16. See C. S. Lewis, “Meditation in a Toolshed,” in God in the Dock: Essays on Theology and Ethics, ed. Walter Hooper (1970), 212–15.

  17. Robert J. Matthews, “What is Religious Education?” (unpublished address to religious educators, Aug. 31, 1989), 2.

  18. Elder D. Todd Christofferson taught, “The gift of the Holy Ghost … is the messenger of grace by which the blood of Christ is applied to take away our sins and sanctify us” (“The Power of Covenants,” Ensign, May 2009, 22; see also Area Directors’ Convention, 2011, session on “The Role of the Holy Ghost”).

  19. See Alma 23:5–7.

  20. Henry B. Eyring, “Teaching the Old Testament” (Church Educational System symposium on the Old Testament, Aug. 10, 1999), 5, si.lds.org.

  21. Marion G. Romney, “The Message of the Old Testament,” 3, si.lds.org; see also Gospel Teaching and Learning, 26–28.

  22. Boyd K. Packer, “Principles,” Ensign, Mar. 1985, 8; see also Gospel Teaching and Learning, 26–28.

  23. Joseph Smith, in History of the Church, 3:30. Expanded quotation: “The fundamental principles of our religion are the testimony of the Apostles and Prophets, concerning Jesus Christ, that He died, was buried, and rose again the third day, and ascended into heaven; and all other things which pertain to our religion are only appendages to it.”

  24. President Marion G. Romney taught, “The message of the Old Testament is the message of Christ and his coming and his atonement” (“The Message of the Old Testament,” 4, si.lds.org).

  25. See 1 Nephi 6:4; D&C 76:40–43. President Ezra Taft Benson defined the gospel in “The Gospel Teacher and His Message” ([address to religious educators, Sept. 17, 1976], si.lds.org). President Henry B. Eyring defined “two views of the gospel” in “Eyes to See, Ears to Hear” ([Church Educational System symposium on the New Testament, Aug. 16, 1984], si.lds.org; also quoted in Teaching and Learning, 54). See also the use of the word gospel in J. Reuben Clark Jr., “The Charted Course of the Church in Education.”

  26. 2 Corinthians 3:14, 16; see also Joseph Smith Translation, 2 Corinthians 3:14, 16.

  27. President Boyd K. Packer taught that the Atonement “is the very root of Christian doctrine. You may know much about the gospel as it branches out from there, but if you only know the branches and those branches do not touch that root, if they have been cut free from that truth, there will be no life nor substance nor redemption in them” (“The Mediator,” Ensign, May 1977, 56; also quoted in Gospel Teaching and Learning, 1).

  28. Gospel Teaching and Learning, 52.

  29. Richard G. Scott, “Acquiring Spiritual Knowledge,” 86; see also Gospel Teaching and Learning, 26.

  30. Henry B. Eyring, “Converting Principles” (remarks at an evening with Elder L. Tom Perry, Feb. 2, 1996), 1, si.lds.org; also quoted in Gospel Teaching and Learning, 54.

  31. See Gospel Teaching and Learning, 26–27.

  32. The Prophet Joseph Smith taught, “We may conclude, that though there were different dispensations, yet all things which God communicated to His people were calculated to draw their minds to the great object, and to teach them to rely upon God alone as the author of their salvation” (Teachings of Presidents of the Church: Joseph Smith [2007], 49).

  33. See Ruth 1:19.

  34. See Ruth 2:14.

  35. See Ruth 4:1.

  36. “The word here rendered ‘redeemer’ we translate literally from Hebrew go’el and this is its proper translation. It is rendered merely ‘kinsman’ in the King James English translation. The function of a go’el was to make it possible for a widow who had lost home and property to return to her former status and security and to have seed to perpetuate her family.

    “It is easy to see why the later prophets borrowed this word from the social laws of Israel and used it to describe the functions of Him who would become the Divine Redeemer: Think of what He does to restore us to proper status with God, and to give us future security and eternal ‘seed’” (Ellis T. Rasmussen, An Introduction to the Old Testament and Its Teachings, Part 1 (syllabus for Religion 301, 1972), 157; and Old Testament Student Manual: Genesis–2 Samuel (Church Educational System manual, 2003), 263.

  37. See Ruth 4:10.

  38. See Ruth 4:13; see also Ruth 4 chapter heading.

  39. John 19:30; see Ruth 3:18.

  40. This beautiful story “speaks of and symbolically demonstrates God’s redeeming power; it teaches us of how we can access that power and exemplifies how we should emulate our Redeemer. Numerous elements of the story serve as types of Christ. It is about hope in Israel. [Perhaps part of] the reason we love the story so much is because … our souls intuitively resonate with the redemption of Ruth; we long for what happened to her on a mortal level to happen to us in both a mortal and eternal way. Ruth satisfies some of our soul’s yearning for deliverance. It highlights our reasons for hope” (Kerry Muhlestein, “Ruth, Redemption, Covenant, and Christ,” in D. Kelly Ogden, Jared W. Ludlow, and Kerry Muhlstein, eds., The Gospel of Jesus Christ in the Old Testament, 38th Annual Brigham Young University Sidney B. Sperry Symposium [2009], 187–88).

  41. See Boyd K. Packer, “Self-Reliance” (Brigham Young University fireside, Mar. 2, 1975), speeches.byu.edu.

  42. See Alma 12:9–11; 3 Nephi 26:1–11 (especially verses 9–10). Elder Jeffrey R. Holland stated: “When crises come in our lives—and they will—the philosophies of men interlaced with a few scriptures and poems just won’t do. Are we really nurturing our youth … in a way that will sustain them when the stresses of life appear? Or are we giving them a kind of theological Twinkie—spiritually empty calories? President John Taylor once called such teaching ‘fried froth,’ the kind of thing you could eat all day and yet finish feeling totally unsatisfied. During a severe winter several years ago, President Boyd K. Packer noted that a goodly number of deer had died of starvation while their stomachs were full of hay. In an honest effort to assist, agencies had supplied the superficial when the substantial was what had been needed. Regrettably they had fed the deer but they had not nourished them” (“A Teacher Come from God,” Ensign, May 1998, 26–27).

  43. Henry B. Eyring, “Eyes to See, Ears to Hear,” si.lds.org; also quoted in Gospel Teaching and Learning, 54.

  44. David A. Bednar, “A Reservoir of Living Water,” 4, speeches.byu.edu.

  45. Henry B. Eyring, “Teaching the Old Testament,” 2, si.lds.org.

  46. David A. Bednar, “A Reservoir of Living Water,” 6, speeches.byu.edu.

  47. Exodus 6:7.

  48. Exodus 7:17; see also Exodus 7:5; 8:10, 22; 9:14, 16, 29; 10:2; 11:7; 14:4, 18; 16:6, 12; 29:46.

  49. See 1 Samuel 17:46.

  50. See 2 Kings 5:15.

  51. See 1 Kings 18:37.

  52. See Daniel 4:17, 26.

  53. 1 Samuel 17:46.

  54. See Psalm 59:13; 67:2; 83:18; 109:27.

  55. See Isaiah 5:19; 9:9; 19:21; 37:20; 41:20, 22–23; 41:26; 43:10; 45:3, 6; 49:23, 26; 52:6; 60:16.

  56. See Ezekiel 6:10, 14; 7:4, 9, 27; 11:10, 12; 12:15–16; 13:9, 14, 21, 23; 14:8; 15:7; 16:62; 17:21, 24; 20:20; 22:16; 24:27; 25:7; 35:4, 12, 15.

  57. Isaiah 45:6.

  58. See the section “Why Are We Making These Changes?” on “New Religion and Institute Courses: Additional Information,” si.lds.org/announcement-new-religion-courses.

  59. Boyd K. Packer, “Scriptures,” Ensign, Nov. 1982, 53.

  60. 2 Nephi 3:12.

  61. David A. Bednar, “A Reservoir of Living Water,” 6, speeches.byu.edu.

  62. Elder Neal A. Maxwell described it this way: “Cluster your scriptures together so that the Old Testament scripture on a particular topic is related [to the other books of scripture] and to the utterances of living prophets. The scriptures of the Church need each other. … And they help each other. …

    “… [Then] you will … make the teaching moment more significant. …

    “… Help your students avoid the tendency to skim lightly over the surface of the scriptures. … Encourage them to cluster the scriptures topically, as if they were a bunch of grapes from which you would then squeeze all the juice, and distill all the meaning” (“The Old Testament: Relevancy within Antiquity” [Church Educational System symposium on the Old Testament, Aug. 16, 1979], 1–2, si.lds.org.

  63. See Old Testament Student Manual: Genesis–2 Samuel, 111–15.

  64. Bruce R. McConkie, The Promised Messiah: The First Coming of Christ (1978), 453.

  65. 2 Nephi 11:4; see also Hosea 12:10; Alma 30:23–60 (especially verses 40–41); Moses 6:59–63.

  66. See Moses 6:63. Elder Bruce R. McConkie taught: “The revealed accounts of the Creation are designed to accomplish two great purposes. Their general purpose is to enable us to understand the nature of our mortal probation, a probation in which all men are being tried and tested ‘to see if they will do all things whatsoever the Lord their God shall command them.’ (Abr. 3:25.) Their specific purpose is to enable us to understand the atoning sacrifice of the Lord Jesus Christ, which infinite and eternal Atonement is the very foundation upon which revealed religion rests” (“Christ and the Creation,” Ensign, June 1982, 13).

  67. See Alma 33:19; see also Topical Guide, “Jesus Christ, Types of, in Anticipation”.

  68. “Your fathers did eat manna in the wilderness and are dead.

    “This is the bread which cometh down from heaven, that a man may eat thereof, and not die.

    “I am the living bread” (John 6:49–51); see also Exodus 17:6; 1 Corinthians 10:4; Topical Guide, “Jesus Christ, Types of, in Anticipation.”

  69. See Exodus 12:5–14.

  70. Galatians 3:24.

  71. Father of a multitude. Originally called Abram, ‘exalted father.’” (Bible Dictionary, “Abraham”).

  72. Elder Dallin H. Oaks explained: “This story … shows the goodness of God in protecting Isaac and in providing a substitute so he would not have to die. Because of our sins and our mortality, we, like Isaac, are condemned to death. When all other hope is gone, our Father in Heaven provides the Lamb of God, and we are saved by his sacrifice” (“Bible Stories and Personal Protection,” Ensign, Nov. 1992, 37).

  73. “King of Salem” (Hebrews 7:1–2); “the king of heaven” (Joseph Smith Translation, Genesis 14:36 [in the Bible appendix]); “King of righteousness” (Hebrews 7:2); see also Topical Guide, “Jesus Christ, Types of, in Anticipation.”

  74. Joseph Smith Translation, Genesis 14:33 (in the Bible appendix); see also Topical Guide, “Jesus Christ, Types of, in Anticipation.”

  75. See Genesis 37:27–28.

  76. See Moses 1:26; see also Deuteronomy 18:15; 3 Nephi 20:23; The Pearl of Great Price Teacher Manual (Church Educational System manual, 2000), 9–11.

  77. Romans 5:14.

  78. See 2 Nephi 2:23.

  79. See Moses 4:18.

  80. See 2 Nephi 2:25.

  81. Daniel 6:3.

  82. Daniel 6:3–4, 6–7.

  83. Daniel 6:4; see also verse 5.

  84. Daniel 6:6–7.

  85. Luke 22:39; see Daniel 6:10.

  86. See Daniel 6:10.

  87. Daniel 6:14.

  88. Daniel 6:17.

  89. Daniel 6:19.

  90. See Daniel 6:22.

  91. Daniel 6:23.

  92. Alfred Edersheim, Bible History: Old Testament, one vol. ed. (1982), xiii; also quoted in Old Testament Student Manual: Genesis–2 Samuel, 22.

  93. Marion G. Romney, “The Message of the Old Testament,” 1, si.lds.org.

  94. See Psalm 1:2–3.

  95. Jeremiah 20:9; see also Gospel Teaching and Learning, 29–30.  President Boyd K. Packer explained:

    “‘There is a great body of evidence,’ Brother [Wilford B.] Lee wrote, ‘to indicate that, in moral behavior especially, people do not act in accordance with their knowledge.’ And he observed that one could hardly find an obese person who does not know that, if he is to reduce his weight, a part of what he must do is to reduce his intake of food. Can you imagine a medical doctor who uses cigarettes and does not know that smoking is detrimental to his health? Were you ever acquainted with a divorce of parents in which both of the parties didn’t know full well that tragic effects would be visited upon their children? In such cases the persons know the right course but still fail to follow it.

    “As regards righteous behavior, then, to know intellectually is not enough. The feelings must be engaged” (Let Not Your Heart Be Troubled [1991], 14).

  96. In The Charted Course of the Church in Education, President J. Reuben Clark Jr. taught that in our study and teaching, there are actually “two prime things which may not be overlooked, forgotten, shaded, or discarded.” The first, of course, is the Savior and His Atonement. “The second of the two things to which we must all give full faith is that the Father and the Son actually and in truth and very deed appeared to the Prophet Joseph in a vision in the woods” (1–2).

  97. In its commentary for Doctrine and Covenants 6:2, the Doctrine and Covenants Student Manual contains the following explanation: “Many swords of ancient times had only one cutting edge. When someone decided to make a two-edged sword, the effectiveness of the weapon was increased tremendously. Now it could cut in any direction, no matter how the blow was struck. Thus, the likening of the word of God to the two-edged sword is a vivid simile. Just as a sharp sword can cut deep enough to sever limbs and destroy life, so the word of the Lord is powerful enough that it can bring destruction of the soul (spiritual death) to those who do not give heed to it (see Hebrews 4:12; Revelation 1:16; 2:12, 16). The word of God also has power to pierce the soul as a sword and penetrate to the inmost parts of man (see 3 Nephi 11:3; D&C 85:6). It can cut through error and falsehood with double-edged efficiency” ([Church Educational System manual, 2001], 15).

  98. See Mormon 5:14.

  99. See 1 Nephi 11:22.

  100. Abraham 1:19.

Print