Mga Taunang Brodkast
Panel Discussion


-30181:-53

Panel Discussion

Taunang Training Broadcast ng S&I para sa 2022 kasama si Pangulong Ballard

Biyernes, Enero 21, 2022

Sister Becky Scott: Binabati namin kayo sa ating town hall meeting ng Seminaries and Institutes. Tulad ng nakikita ninyo, naka-social distancing tayo, kaya magsimula na tayo at tanggalin ang ating mga mask. Masaya ako na makita kayong lahat ngayon at nagpapasalamat kami sa inyong partisipasyon. Sa pamamagitan ng teknolohiya ay nakakapagpulong tayo ngayon kasama ang mga participant mula sa bawat area ng S&I sa buong mundo. Binabati namin kayong lahat, at salamat sa partisipasyon ninyo sa amin ngayon. Adam, puwede mo ba kaming bigyan ng kaunting detalye tungkol sa tatalakayin ngayon?

Brother Adam Smith: Oo, sige. Nais ko munang magpasalamat na kasama namin kayo ngayon. Mahal namin at pinasasalamatan ang bawat Seminary at Institute teacher, coordinator, administrative assistant, missionary, at administrator sa iba’t ibang panig ng mundo. Marami kayong mabuting nagagawa at napagpapala ninyo ang maraming tao. Salamat sa inyo. Alam namin na mahalaga sa inyo ang layunin ng Seminaries and Institutes—na nais ninyong tulungan ang bawat kabataan at young adult na makaunawa at umasa sa kanilang Ama sa Langit at kay Jesucristo, mas makilala at mahalin Sila at mas lubusang sundin. Mahal ninyo ang layunin dahil mahal ninyo ang mga estudyante at lalo na dahil ninyo ang Tagapagligtas. Sa loob ng maraming taon, tagumpay ang S&I sa pagtulong sa bawat estudyante na mas makilala si Jesucristo. Pero nakikita natin sa mundo ngayon na kailangang tipunin ang mas marami pang kabataan at young adult kay Jesucristo, at gagawin natin ito sa pamamagitan ng paglikha ng mga karanasan sa pagbabalik-loob, pagiging kaugnay, at kabilang. [00:04:11] Alam natin na mangyayari ang mga karanasan ng pagkatuto na mga ito kapag nakapokus tayo sa mga pangangailangan ng ating mga estudyante habang isinesentro kay Jesucristo, sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo, at sa Kanyang pagbabayad-sala ang bawat karanasan sa pag-aaral. Alam natin na ang mga karanasang ito sa pagkatuto ay mangyayari kapag nakatuon tayong mabuti sa mga kailangan ng ating mga estudyante dahil sa bawat karanasan sa pagkatuto ay nakasentro tayo kay Jesucristo, sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo, at sa Kanyang pagbabayad-sala—at nakatuon ang ating pagtuturo sa mga banal na kasulatan at mga salita ng mga buhay na propeta habang itinuturo natin ang doktrina ni Cristo. Alam nating sa paggawa nito, aanyayahan natin ang Espiritu Santo na gampanan ang papel na Siya lamang ang makagagawa: ang tulungan ang mga kabataang ito na magbalik-loob sa Panginoon, manatili sa Kanyang landas ng tipan, makilala ang katotohanan sa kamalian, at ligtas na matipon sa Tagapagligtas na si Jesucristo at makabalik sa kanilang Ama sa Langit.

Ang layunin ng resources na ipapabatid namin sa inyo ay upang ipaliwanag ang ibig sabihin ng pagtulong sa mga estudyante na maranasan ang pagbabalik-loob, pagiging kaugnay, at kabilang—ilarawan ang alituntuning batay sa ilang kasanayan at kaugalian na maisasama ng guro sa pagtuturo para tulungan ang mga estudyante. Gumawa rin kami ng training resources na may mga huwaran at paanyaya na magagamit sa praktis at isama sa klase. At nais din nating masukat ang epekto natin sa buhay ng mga estudyante, upang makita natin kung saan tayo mahusay—para maipagpatuloy ito—at matukoy rin ang mga pagkakataon para mas matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante. Umaasa kami na pagkatapos ng talakayang ito, mauunawaan ninyo ang resources na ito at makadarama ng kasabikan at pag-asa na isama ang mga ito at gamiting muli ang mga ito sa nag-iisang layunin natin: ang tulungan ang bawat estudyante na makilala si Jesucristo. Kaya tayo narito ngayon. Salamat, Sister Scott.

Sister Scott: Salamat. Salamat at narito kayong lahat ngayon. Magpatuloy tayo at magsimula sa unang tanong. Si Sister Jessica Brandon mula sa North America West Area, may tanong siya sa atin ngayon. Sister Brandon, sige po.

Sister Jessica Brandon: Salamat. Habang nirerepaso ang mga training document na ito, ang tanong ko ay: Mayroon bang partikular na hakbang kung paano dapat magpokus sa mga kasanayang ito at sa mga aspetong pagtutuunan? Sunud-sunod ba ito?

Sister Lori Newbold: Jessica, maraming salamat sa tanong mo. Ang maikling sagot ay hindi. Pero kung iisipin kung ano ang uunahin, ang dapat laging unahin ay pananampalataya sa Tagapagligtas na si Jesucristo, para malaman mo na matutulungan ka Niyang gawin ang anumang alituntunin o kasanayan na pinili mo. At pipiliin mo iyan gamit ang assessment tools na ibinigay sa atin. Malaki ang maitutulong sa iyo para matukoy mo ang nararanasan ng iyong mga estudyante.

Sister Brandon: Ang galing. Salamat.

Brother Chad Wilkinson: May idaragdag lang ako. Maraming salamat, Sister Brandon. Huwag itong gawing kumplikado, huwag itong sobrang i-analyze. Ito ay tools at mga kasanayan na tutulong sa iyo. Naisip ko sa tanong mo—sa Alma 48, may talata roon na pamilyar kayo. Sabi sa talata 17—may sinasabi dito si Mormon. Sabi niya, “Sa katotohanan, sa katotohanan sinasabi ko sa inyo, kung ang lahat ng lalaki [o babae] ay naging, at matutulad, at maaaring maging katulad ni Moroni, masdan, ang yaon ding kapangyarihan ng impiyerno ay mayayanig magpakailanman; oo, ang diyablo ay hindi magkakaroon ng kapangyarihan sa mga puso ng mga anak ng tao.”

Ngayon, anong mayroon kay Moroni para sabihin ito ni Mormon tungkol sa kanya? Ang isang alituntunin na maaari nating pag-usapan ay nag-ukol siya ng oras para gawing malalakas na lunsod ang mahihinang lunsod. Nagpokus siya sa mahihinang lugar at pinalakas ang mga ito. Kaya, sa self-evaluation, sa pagmamasid ng mga supervisor o ng hiningan mo ng tulong—mga kaibigan, at mga student survey din—matutukoy mo ang mahihinang lugar at maaari mong simulan doon.

Sister Brandon: Gusto kong magdagdag sa sinabi ni Sister Newbold. Sa tingin ko maaaring nakakakaba ang pagbabago, at nakakakabang magbigay ng assessments sa kabataan at mga young adult at isipin ang makikita mo rito. At sa tingin ko ang talagang nakatulong sa akin sa nakalipas na mga taon ay ang kilalanin na bawat isa sa mga kabataan at young adult na ito ay mahalagang anak ng Ama sa Langit. At kung ito ang pagtutuunan natin, sa halip na matakot at isipin ang iniisip nila sa akin, at magtutuon sa katotohanan na mahal ng ating Ama sa Langit ang bawat isa sa kanila, at bahagi iyan ng ating tungkulin o trabaho, na tulungan sila na makilala ang kanilang Tagapagligtas. At gusto kong sabihin kung gaano ko pinahahalagahan ang pagpokus sa pagpapatatag ng ating ugnayan sa ating mga estudyante, para matulungan silang maisakatuparan ang layuning iyon.

Brother Smith: Salamat, Jessica. Sa tingin ko sa lahat ng resource na ito, talagang sinikap nating magpokus, at simplehan at pag-isahin, at gamitin ang lahat ng natutuhan natin. At sa tingin ko sa resources na ito ay makikita ninyo ang mga elemento ng mga pangunahing alituntunin ng Gospel Teaching and Learning. Makikita ninyo ang mga elemento ng “Deep Learning.” Makikita niyo ang impluwensya ng mga taong nagtuturo sa atin na magpokus sa Tagapagligtas, makinig, magmasid, humiwatig, paalabin ang apoy sa puso ng ating mga estudyante. At talagang sinubukan naming simplehan ito, at magpokus dito. Kahit pinaghiwa-hiwalay ang resources na ito sa iba-ibang dokumento, sana ituring ninyo itong iisang bagay. At ang iisang bagay na iyan ay ang tulungan natin ang estudyante na mas makilala ang Tagapagligtas. Hindi natin magagawa iyan nang walang tulong ng Espiritu Santo.

Ang unang paraan para maanyayahan ang Espiritu Santo ay mahalin ang ating mga estudyante, magpokus kay Jesucristo, at umasa sa bisa ng salita ng Diyos. Alam natin na nais at hangad ng Ama sa Langit na tulungan tayo, kapag sinisikap nating tulungan Siya at sila. At alam natin na kapag nagdarasal tayo para humingi ng tulong sa Ama sa Langit gamit ang self-assessment, kapag tinanong natin ang mga estudyante kung ano ang kailangan nila gamit ang assessment na iyon, at kapag hiniling natin sa supervisor o kaibigan na bumisita sa klase at bigyan tayo ng karagdagang impormasyon, nag-aanyaya ng paghahayag, para matulungan natin ang kabataan na makilala si Jesucristo.

Sister Scott: Si Sister Sara Bradley, na taga-Utah Salt Lake Area, maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong karanasan?

Sister Sara Bradley: Opo, Sige po. Pagkatapos gamitin ang resources na ito, talagang humanga ako sa kasimplehan ng pagkakalahad nito, at talagang pinag-isipan ito. Talagang simple lang ang proseso para sa akin. Sinimulan ko lang sa assessment tools. Ginamit ko ang self-assessment at ang student assessment, at tinulungan ako ng supervisor ko. At na-assess namin kung nasaan na ako. At, nagpasiya ako kasama ang supervisor ko, kung saan ko gustong magpokus batay sa self-assessment at student assessment. At nagpatuloy ako. Nagpunta ako sa bagong Gospel Teaching Learning na hanbuk. Tiningnan ko ang “Teacher Development Skills” resource. At dinala ako nito sa gusto kong pagtuunan. Binasa at pinag-aralan ko ang mga iyon, at pagpasok ko sa klase, talagang sinikap kong gawin ang kasanayang iyon sa maraming paraan. At umaasang napalakas ko ang kakayahan ng mga estudyante na maranasan ang pagbabalik-loob, pagiging kaugnay, at kabilang. At ginamit kong muli ang assessment para masuri ang aking pag-unlad, para makita kung may nabago. Kaya sisimulan ninyong muli na gamitin ang assessment tool para malaman kung ang susunod na pagtutuunan. At magbalik sa resources para tulungan kayong patuloy na humusay at sumulong.

Brother Gary Lowell: Ano ang ipapayo ninyo sa taong atubiling gamitin ang tools na ito, lalo na kapag hirap tayong harapin ang pagtukoy at pagtugon sa mga kahinaan? At kung ganyan, mayroon bang propesyonal o administratibo responsibilidad sa pagbibigay ng survey na ito nang madalas?

Sister Newbold: Pwede ba akong magsalita? At maingat ko itong sasabihin, ganyan din ang naranasan ko na masyado tayong kinakabahan kapag may nagmamasid sa ating klase, kapag nagkakamali tayo. Kaya kung minsan ang pagiging likas na tao ang nagbibigay sa atin ng takot, takot sa taong pupuna sa ating ginagawa. Dahil ibinibigay ko ang puso ko at kaluluwa sa mga kabataang ito na mahal na mahal ko. Kaya mahirap pumasok at sabihing, “Lori, ayusin mo ang puso mo.”

At sa palagay ko hindi iyan ang pagsukat. Ang sinasabi namin ay patuloy na magsikap na magkaroon ng kultura ng pananampalataya sa Tagapagligtas na si Jesucristo, na maaari tayong mapalakas at mapaunlad. At iyan ang sasabihin ko sa taong iyon. Ang tools na ito ay tungkol sa pag-unlad. Ang pag-unlad ay nangyayari sa kapag nagsisi. Ang pagsisisi ay pagbabago. At posible lang ito dahil sa Tagapagligtas. Kaya, sa tingin ko—ganyan ang mangyayari—na sasabihin ng guro sa isang tao, “Maaari ka bang pumunta sa klase ko at masdan akong magturo? Marapat lang na matanggap ng mga estudyante ang pinakamainam, at alam ko na hindi ko natutulungan ang ilan sa kanila. Maaari mo ba akong tulungan?”

Brother Bert Whimpey: Puwede ba akong magsalita? Dahil din ito sa ating mahuhusay na stake teacher—na nagtuturo sa karamihan sa magagaling na kabataang ito—ang assessment tools ay resource. At para sa ating mga full-time professional teacher, inaasahan ito. At matututuhan natin kung paano gamitin ito nang mas mabuti, at sisikapin nating itatag ang kulturang iyan. Para sa ating mga stake-called teacher, ito ay resource na magagamit ayon sa inyong mga kailangan at nais. Anumang maisip ninyo ay makatutulong sa inyo.

Brother Wilkinson: Gary, magandang tanong iyan, at salamat sa lahat ng ginagawa ninyo sa inyong tungkulin. Salamat. At itinanong mo ang gusto ring itanong ng lahat. Isang bahagi ng pagsukat— sa banal na kasulatan, maraming inspiradong tanong, pero may tatlong bagay na talagang nakatulong sa akin. At makikita ninyo ang elementong ito ng pagsukat. Tanong ng mayamang binatang pinuno, “Ano pa ang kulang sa akin?” 1 Ang tanong, ang pagsukat na iyan ay nagdulot ng paghahayag mula sa Tagapagligtas. Ngayon ay may pagpipilian na siya kung susundin niya ito o hindi. Sabi ni Pablo, o Saulo, habang papuntang Damasco, “Panginoon, ano ang nais mong gawin ko?” 2 Iyan rin ay pagsukat. At ang pangatlo ay si Joseph Smith bago ang unang pagdalaw ni Moroni, na humihingi—ng kapatawaran ng kanyang mga kasalanan. At ang tanong ay “Ano ang katayuan ko sa harap ng Panginoon?” 3 Sa tingin ko ang ganitong mga tanong kung saan sinusukat natin ang ating sarili—ay hindi tungkol sa tao na nagbibigay sa akin ng ebalwasyon “Para makarating ako sa Ama sa Langit at sa Tagapagligtas, at sabihin sa akin kung nasaan na ako.” At dahil handa tayong gawin iyan, dadaloy ang paghahayag at mas huhusay tayo kaysa kung tayo lang mag-isa.

Brother Jack Menez: Pinasasalamatan ko, tulad ng narinig ko sa ilang komento, ang ideyang pagtatatag ng kultura ng paghusay, at pag-asa sa Tagapagligtas, at maging ang ilan sa mga inaalala natin na kung minsan ay nagpapahirap sa ating mga guro. Na—sa ngayon sa tungkulin ko ay tinutulungan ko ang iba pang mga guro na mas humusay. Kaya ang isa sa mga bagay na pinasasalamatan ko ay ang kapangyarihan ng Tagapagligtas na tumutulong sa atin na tulungan ang iba pang titser at ang mga nasa paligid natin, ang ating mga kasamahan. Sa huli, tumutulong din ito sa ating mga estudyante. Kapag umasa ang ating mga titser kay Jesucristo, mas makapagpapatotoo sila tungkol sa Kanyang biyaya.

Katulad ng mayamang batang pinuno Gusto ko ang halimbawa ng Tagapagligtas na sinabi Niyang, “Narito ang ilang bagay na dapat mong gawin, at ginagawa mo na ang mga bagay na iyon.” At maganda iyan,” at ibibigay Niya ang isa pang bagay na iyon na gagawin niya. Kaya ano ang ilan sa mga bagay na magagawa natin, palagay ko, bilang mga administrator ay sabihing, “Mainam. Sa tingin ko’y nalulugod sa iyo ang Panginoon. Sa palagay ko nasisiyahan ang Panginoon sa lahat ng mabubuting ginagawa ninyo, at maaari ba tayong sama-samang manampalataya kay Jesucristo para magawa ang isa pang bagay na iyan?” At makakatulong iyan—sa pagkakaroon ng bagong kultura ng pagpapahusay, makakatulong ito para hindi makadama ng kakulangan o damdaming hindi sapat ang nagagawa natin, o na hindi tayo kailanman huhusay. Magagamit natin ang biyaya ni Jesucristo sa mga pagsisikap na iyon para magbunga ng isang bagay na mas epektibo. At madarama iyan sa silid-aralan, at mas magagawa nating patotohanan sa ating mga estudyante ang kapangyarihan ni Jesucristo na magpalakas sa atin para magawa ang bagay na napakahirap gawin nang mag-isa.

Sister Scott: Sister Sorenson, maaari mo bang ibahagi ang iyong tanong?

Sister Jamie Sorenson: Oo, sige. May mga layunin tayo, tatlong resulta ng pag-aaral ng pagiging kaugnay, kabilang, pagbabalik-loob, limang paraan na tutulong sa akin na maisagawa ang resultang iyon, at 25 kaugalian na makatutulong sa akin na gampanan ang tungkulin ko bilang titser. Dagdag pa, dapat nakasentro ako kay Cristo, nakabatay sa banal na kasulatan, at nakapokus sa estudyante. At gumagamit ako ng tatlong iba-ibang ebalwasyon na tutulong para magtakda ako ng layunin sa pag-unlad ko bilang titser. Tila medyo mahirap ito. Maraming gagawin. Kaya ano ang dapat pagtuunan?

Brother Whimpey:Ang layon natin ay tulungan ang kabataan at young adult na makaunawa at umasa sa mga turo at Pagbabayad-sala ni Jesucristo, maging marapat sa mga biyaya ng templo, at maghanda para sa buhay na walang hanggan. Iyan ang sinisikap nating gawin. At sa layuning iyan, ang responsibilidad natin ay tumulong. Paano ako makatutulong? Nakikita ko lalo na sa ating mga stake teacher—nakikita nila ang lahat ng resources na ito at sinasabing, “Parang napakarami nito.” Kaya masasabi ng isang titser, “Iyan ang layunin. Paano ko ito gagawin?” Buti naitanong mo. Ang pinakamainam na paraan para magawa ito ay tulungan ang mga estudyante na maranasan ang pagbabalik-loob, pagiging kaugnay, at kabilang. “Okay, salamat, pero paano ko malilikha ang mga karanasang iyon?” Buti naitanong mo. Ang paraan para magawa iyan ay mahalin mo ang tinuturuan mo, at magturo ayon sa Espiritu, at magtuon kay Jesucristo, at ituro ang doktrina, at mag-anyaya ng masigasig na pag-aaral. “OK, pero paano ko gagawin iyan?” Mabuti at naitanong mo. Dahil nasa atin na ngayon ang mga kasanayang ito na tutulong sa inyo. Pero ang lahat ng ito ay nakatuon sa layunin.

Kaya kapag naupo ang isang titser at nagbuklat ng mga banal na kasulatan at iniisip ang kanyang mga estudyante, sana’y hindi ang mahihirap na bagay ang iniisip niya kundi, “Paano ko matutulungan ang mahal kong mga estudyante? Paano ko sila matutulungan na makaunawa at umasa sa mga turo at Pagbabayad-sala ni Jesucristo at maging marapat sa mga pagpapala ng templo, at maghanda para sa buhay na walang hanggan?” At, kapag pinag-iisipan ninyo ito, ang pinag-uusapan natin ay ang tungkol sa landas ng tipan na hiniling ni Pangulong Nelson na makibahagi tayo sa pagtitipong ito ng Israel. Kaya kung tila mahirap ito, kung iniisip ninyo na, “Hindi ko alam kung magagawa ko ang lahat ng ito,” magtuon lang sa layunin.

Brother Jason Willard: At Jamie, may idaragdag akong isang talata mula sa paborito kong guro sa Aklat ni Mormon. Galing ito kay Brother Nephi. At ganito ang sinabi niya sa 1 Nephi 6:4: “Sapagkat ang kaganapan ng aking hangarin ay mahikayat ko ang [mga estudyante ko] na lumapit sa Diyos ni Abraham, at sa Diyos ni Isaac, at sa Diyos ni Jacob, at maligtas.” Lahat ng ginawa ni Nephi ay para tulungan ang kanyang mga kapatid na maligtas, magtiwala kay Jesucristo sa paraang nakatulong sa kanila na tumanggap ng buhay na walang hanggan.

At Jamie, salamat sa magandang tanong. Dahil talagang nalimutan ninyo ang 7 pangunahing alituntunin, ang 16 na training sa huli, at lahat ng karanasan sa doctrinal mastery na dapat nilang matutuhan. Kaya sa susunod na itanong natin ito, isama ninyo ang lahat ng bagay na ipinagawa sa inyo. Napakaraming ipinagagawa sa inyo, pero ang totoo, nakatuon lang ito sa isang bagay. Gusto ko nang kinausap ng Tagapagligtas sina Maria at Marta, at tila katulad ka ni Maria, Jamie, nang sabihin ni Jesus, “Isang bagay ang kailangan, at pinili ni Maria ang mabuting bahagi.” 4 Jamie, nagpapasalamat kami na pinili mo ang mabuting bahagi—at sa bawat titser sa buong mundo, na pinili ang mabuting bahagi, ang maupo sa paanan ng Tagapagligtas, at gawin Siyang sentro ng lahat ng inyong ginagawa. Pagpalain kayo sa pagsisikap na iyan.

Brother Adam Smith: Jamie, may follow-up question sana ako. Maganda ang itinuro sa atin nina Brother Whimpey at Brother Willard tungkol sa pagpokus sa isang bagay na lubhang kailangan, na layunin ng Seminaries and Institutes. Pero Jamie, bilang titser, paano mo nalalaman na naisakatuparan ang layunin sa buhay ng iyong mga estudyante?

Sister Sorenson: OK. Hindi ko alam kung makakatulong ang sagot na ito, pero naisip ko ito habang nagpapaliwanag ang iba. Ito ay sa karanasan ng pagiging kaugnay, kabilang, at pagbabalik-loob na nakikita ko sa buhay nila. Ang tatlong bagay na iyon ay nakatuon sa layunin. Nakikita kong nangyayari ito sa mga pag-uusap nila. Nakikita ko ito sa labas ng seminary. Nakikita ko ito kapag nagsusulat sila ng notes at mga karanasan. Iyong tatlong bagay na iyon. Itinutuon tayo ng mga ito sa layunin.

Brother Smith: Maraming salamat. Magiging kapaki-pakinabang kaya, Jamie, para sa iyo na tuwirang tanungin ang iyong mga estudyante kung ang karanasan nila sa Seminary o Institute ay hahantong sa pagbabalik-loob, pagiging kaugnay, at kabilang?

Sister Sorenson: Opo, sigurado ako. At ang assessments na ibinibigay natin sa kanila, at kahit hindi pormal, tulad ng “Kumusta na? Paano ito nangyari?” Sa tingin ko magandang sukatan ito kung gaano ang nagagawa ng layunin.

Brother Smith: Salamat. Ngayon, kunwari ay nagtanong kayo sa mga estudyante, at may natukoy silang bagay na sa palagay nila ay makakatulong nang kaunti sa Seminary—sabihin na nating sa pagiging kabilang—na sinasabi nilang, “Ang bait ni Sister Sorenson; gusto namin ang klase niya; ang galing niya.” At sa maliliit na detalyeng ito sa mga sagot nila, matutukoy ninyo ang pagkakataong makalikha ng mga karanasan kung saan lalo nilang madarama na kabilang sila. Ano ang nakatulong sa iyo noon bilang titser, para lalong madama ng mga estudyante na kabilang sila?

Sister Sorenson: Para sa akin bilang titser magandang pag-usapan ito, lapitan ang supervisor ko at sabihing, “May nakuha akong feedback. Tulungan mo naman ako dito.” At kausapin din ang mga katrabaho: “Tulungan ninyo ako na magawa ito. Ano kaya ito? Paano ko ito magagawa nang mas mabuti?” Sa tingin ko, matukatulong ang mga iyon.

Brother Smith: Maganda ‘yan. At kaya ko ito itinanong ay dahil iyan talaga ang ideya hindi lamang ang assessment kundi pati ang updated na Gospel Teaching and Learning at ang training resources: kaya masasabi ng titiser, “Gusto kong maabot ng mga estudyante ang mithiin sa kanilang buhay. Napansin ko na sinasabi nilang kailangan nila ito. Paano ko ito pagbubutihin?” At kapag sumangguni kayo sa iba pang mga titser at sa inyong supervisor, at kinausap ang mga estudyante, matutukoy ninyo ang bagay na maaaring pagbutihin pa. Ipinapaliwanag ito sa hanbuk; at ang training resources ay may halimbawa nito. May kasanayan na kayo ngayon na mapapraktis at magagamit at pagbubutihin pa upang—sa mismong layuning sinabi nina Brother Willard at Whimpey—sa buhay ng estudyanteng iyon, nakamit ang layunin, na tulungan sila na lumapit sa Tagapagligtas.

Sister Wendy Parker: Para sa akin, lahat ng ito ay nakatuon sa layunin. Ang ating layunin ay nagsisimula kay Jesucristo. At si Jesucristo ang magdadala sa atin sa templo—at sa ating mga estudyante—at sa huli sa piling ng ating Ama sa Langit. Bawat bahagi ng bagong programang ito na binasa ko, ay nakapokus kay Cristo. Lahat ng kasanayan ay nakasentro kay Cristo. At iyan, para sa akin, ay napakalakas. At sa pakikipag-ugnayan ko sa iba pang mga titser at tinutulungan silang taglayin ang mga bagay na iyon, ang tool na ito ay nagpapabago sa ating programa sa positibong paraan, at sa mga estudyante na lubos kong ipinagpapasalamat. At nais ko kayong pasalamatan nang lubos.

Brother Whimpey: Alam ko si Shadrack—nasa Africa West Area siya. Naranasan ni Shadrack na matulungan ang isang estudyante na magkaroon ng gayong karanasan. Shadrack, handa ka na bang ibahagi iyan sa aming lahat?

Brother Shadrack Bentum: Opo, Brother Bert, salamat. Isang estudyante sa klase ko ang napakamahiyain at hindi nagbabasa sa klase, nagtatanong, o sumasagot sa mga tanong. Nagpatuloy ito hanggang sa gamitin ko ang ilan sa mga alituntunin sa “Know Each Learner’s Name, Circumstances, and Learning Needs,” na may diin sa skill na “Observe and Ask about Students’ Interests” sa ilalim ng “Teacher Development Skills.” Napansin ko na madalas magpunta ang estudyanteng ito sa institute para pag-aralan ang mga quiz at exam sa paaralan. Kaya naging interesado ako sa kursong pinag-aaralan niya at kinakausap ko siya minsan tungkol sa kanyang mga gawain sa paaralan. Pagkatapos ay nalaman ko na may matalik siyang kaibigan sa klase ko. Kaya madalas ko siyang igrupo sa kaibigan niya sa mga aktibidad ng grupo, na madalas kong gamitin dahil sa kanya. Unti-unti siyang nagsimulang magbasa sa klase, sumagot sa mga tanong, at magbahagi ng mga karanasan. Sa isa sa mga komento niya, sinabi niya—na napakamahiyain niya noon sa klase, pero ngayon ay may kumpiyansa na siya. At ngayon siya ang naglahad ng group assignment nila sa klase para sa kanyang grupo, at isa siya sa palaging maaga sa klase. Ang karanasan sa pag-aaral ay nakatulong sa kanya.

Sister Scott: Pakinggan naman natin ang magandang tanong sa atin ni Brother Douglas Franco. Siya ay taga-South America Northwest region, at inaanyayahan namin ngayon si Brother Franco na magtanong.

Brother Douglas Franco: Salamat. Hello, sa lahat. Ang tanong ko ay ukol sa responsibilidad ng titser, at sa karanasan ng estudyante. Paano natin mas malalaman at matitiyak na ang ginagawa natin sa klase ay pagtulong sa estudyante na magbalik-loob, makaugnay, at makabilang? Halimbawa, ang isang klase na nakasentro kay Cristo na tinuturuan natin ay maaaring makatulong sa pagbabalik-loob, at kasabay nito, ang pagtuturo ayon sa Espiritu ay maaaring makatulong din sa pagbabalik-loob. Kaya paano natin matitiyak ang tungkol dito para matulungan ang ating mga titser, kapag may ganito silang mga tanong, o gusto nilang ipaliwanag ang ilan sa mga alituntuning ito?

Brother Willard: Brother Franco, saan ka nagtuturo. Nasaan ka ngayon?

Brother Franco: Salamat. Nagtuturo ako sa Institute of Bolivia—Cochabamba, Bolivia.

Brother Jason Willard: Magaling, Brother Franco. Masaya kaming makasama ka ngayon. Brother Franco, sa tingin ko ay matagumpay mong nalamang may nangyayaring pagbabalik-loob sa iyong klase. May naiisip ka bang isang pagkakataon na nadama mong ipinahiwatig sa iyo ng Espiritu Santo na ang pagbabalik-loob ay talagang nangyayari sa iyong klase?

Brother Franco: Opo. Nababanggit na ito minsan ng mga estudyante—kung minsan sa klase o pagkatapos ng klase. Kung minsan ay sumusulat sila sa akin, gamit ang WhatsApp, at sinasabi nilang, “Brother Franco, salamat sa pagtuturo ninyo. Nadama kong dapat kong gawin ito.” Ang iba naman ay nakikita kong nagsusulat, kahit hindi ko sinabing magsulat sila sa kanilang study journal. Nagsusulat pa rin sila. At makikita sa ikinikilos nila na nadarama nila ito. Sa tingin ko iyan ang isang bagay na maibabahagi ko.

Brother Willard: Napakahusay. Ipinaalala nito sa akin ang tatlong salitang itinuro ni Elder Bednar ilang taon na ang nakalipas tungkol sa paghiwatig at pagmamasid at pakikinig habang nagtuturo tayo. 5 Para sa akin iyan ang diwa ng ibinahagi mo sa amin. Nahiwatigan mo ang ilang bagay, o napansin mo ang ilang bagay na nangyari sa oras ng klase o pagkatapos ng klase. At dahil sa mga obserbasyong iyon, tila itinuturo sa iyo ng Espiritu Santo ang isang bagay na nangyari ngayon na mahalaga. Brother Franco, ano ang maaari mong gawin para patuloy pang mangyari iyan? Ano ang magagawa mo para—sorry, hindi ko maisip ang salita. Ano ang gagawin mo para madagdagan ang pagkakataon na mangyari iyan nang mas madalas sa iyong klase?

Brother Franco: Iniisip ko na—napakarami kong gagawin. Naisip ko ang tungkol sa assessment tools. Sa tingin ko makakatulong na maobserbahan ng isang tao, ng kasamahan, ng supervisor ko, para madama ko at malaman ang mga bagay na kailangan kong pagbutihin pa. Makatutulong din ang assessment tool na ito na ibinigay sa mga estudyante—ginagamit namin ang mga ito. At nakakatuwang makita ang nadarama nila, ang sinasabi nila, sa klase—ang nadarama nila tungkol sa titser, sa klase, at sa ating papel. Kahanga-hanga ito. Nakikita namin ang mga resulta, at sinasabing, “Ito pala ang kailangang pagbutihin ko.” O ito ang nagagawa ko nang mas mabuti. Sa tingin ko makatutulong ang paggamit nito, at kasabay nito, pag-uusap tungkol sa akin, siguro paggawa ng lahat nang makakaya ko, at dapat may paggabay ng Espiritu. Magtuon sa kung ano ang kailangan nila at kung ang ginagawa ko ay makatutugon sa mga pangangailangang iyon.

Brother Willard: Brother Franco, maraming salamat. Habang ibinabahagi mo ang patotoong iyan, ang hangaring maging mas mabuti, pinagtibay sa akin ng Espiritu Santo na mahal ka ng Ama sa Langit, at ang mga titser na katulad mo sa iba’t ibang dako ng mundo. Kapag ginagawa natin ang lahat para mahalin ang Diyos, at ang Kanyang mga anak, pagpapalain Niya tayo, at ipapakita Niya ang nagagawa na natin sa klase, at ipapaalam Niya sa atin kung nararanasan ang pagbabalik-loob, pagiging kaugnay, at kabilang, para tulungan ang lahat ng kabataan at young adult na ito na mas lumapit kay Jesucristo. Kaya kay Brother Franco, at sa inyong lahat, salamat sa tulong ninyo sa lahat ng kabataan. Salamat sa pagbabahagi ng iyong karanasan.

Brother Franco: Salamat.

Sister Newbold: Brother Willard, gusto kong— Salamat. Ang interaksyon sa iyo, kay Brother Franco rin, at gusto kong magbigay pasasalamat at pagmahahal sa inyo at sa lahat ng ating mga titser. Iniisip ko rin ang ilang bagay tungkol sa pagbabalik-loob, pagiging kaugnay, at kabilang. Sa tingin ko, napakahalaga nito. Marami ang humihiling ng training tungkol sa mga bagay na ito at para maalala na ang pagbabalik-loob na iyan sa Tagapagligtas na si Jesucristo at sa ating Ama sa Langit, ang pagiging kaugnay at kabilang ay mga resulta ng ginagawa natin sa pagtuturo. Pero kung hindi nila nakikita kung paano ito naaangkop sa kanilang buhay, mas mahihirap silang matamo ang karanasang kailangan nila. At ang Espiritu Santo ang gumagawa niyan.

Sister Scott: Ang ganda ng kuwento ni Jamie Scott. Sister Scott, maaari bang ibahagi mo rin iyan sa amin ngayon?

Sister Jamie Scott: Sige po. Habang nakapokus ako sa pagiging titser na katulad ni Cristo, wala akong partikular na estilo o pamamaraan, at nakapokus ako sa pagpapalakas ng aking pananampalataya kay Jesucristo at sa pagiging lalong katulad Niya. Isang araw, habang nagtuturo ako, nagkaroon ako ng impresyon na itanong sa mga estudyante, “Anong klaseng lesson ang makatutulong sa inyo na maging mas malapit sa Tagapagligtas?” At sa lahat ng apat kong klase, nabanggit ang musika. Kaya nagpasiya kaming magkaroon ng isang araw na pag-aaralan namin ang tungkol sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng musika. At maaaring magbahagi ang mga estudyante ng himno o kanta—anumang nakatulong sa kanila na mas mapalapit kay Jesucristo. At ang ilan sa kanila ay tumugtog ng instrumento. Pinatugtog ko ang ilan sa mga ito at narinig mula sa mga speaker na nasa kisame. Kumanta ang ilan sa kanila. Maraming iba’t ibang himno at kanta. At bago o matapos magbahagi ng musika, tinalakay at nagpatotoo sila tungkol sa ating Panginoon at Tagapagligtas. At talagang nadama naming lahat sa araw na iyon ang Espiritu. At ang iba pa ay nagbahagi ng mga naranasan nila sa mismong sandaling iyon. At ipinaalala ng Espiritu sa ilan ang katotohanan na naramdaman nila noon. At ang katotohanang ito ay muling pinatotohanan sa kanila ng Espiritu.

At may isang binatilyo na dumadalo sa seminary pero mas gusto niyang wala siya roon. At nagtaas siya ng kamay at sinabing, “Hindi ko naramdaman ang Espiritu sa loob ng mahigit apat na taon. At nang tugtugin ni Ben ang himnong iyan”—at ito ay ang “Buhay ang Aking Manunubos,” sa kanyang viola—sinabi niya, ”Nadama ko ang Espiritu at masaya sa pakiramdam.” Kaya talagang nagpapasalamat ako na alam ng Panginoon ang mismong kailangan ng Kanyang hinirang. Salamat at nakinig ako at nagtanong kung ano ang nais nila, kaya nadama ng lalaking ito ang pagmamahal ng Tagapagligtas at nalaman kung sino siya, at na siya ay minamahal.

Sister Scott: Salamat sa pagbabahagi. Brother James, nakataas ang kamay mo.

Brother James: Oh, salamat. May idaragdag lang ako sa mga nasabi na. Napakagandang karanasan ito para sa akin. Sinubukan kong gamitin ang measuring tools, mga materyal sa obserbasyon, na ibinigay sa lahat ng estudyante noong nakaraan. At ginagawa ko ito sa klase ko, at tumanggap ako ng paghahayag—tulad ng natutuhan ko ngayon na ang diwa ng pagsukat ay upang tulungan tayong tumanggap ng mas marami pang paghahayag sa mga aspeto na maaari nating pagbutihin pa.

Gusto kong basahin ang sinabi sa survey ng isa sa mga estudyante ko tungkol sa karanasan sa pagiging kaugnay sa klase. Pagkatapos ng survey—at ini-evaluate ko ang mga natipong materyal. Nabasa ko ang pahayag na ito mula sa isa sa mga tanong na sinagot ng estudyante. At sinabi ng estudyante, “Nakauugnay ako sa klase dahil tinutulungan ako ng titser na maiugnay ang aking personal na buhay sa mga paksa ng alituntunin ng ebanghelyo na natutunan ko.” At ang isa pa ay nagsabi kung ano ang magagawa ko para matulungan siya na umunlad. Sabi niya, “Gusto kong isali ako ng titser ko sa mga talakayan sa klase at magtanong din sa akin.”

Ito ang mga bagay na hindi ko sana malalaman—at dahil sa pag-evaluate ko sa mga materyal na ito nang obserbahan ako ng aking mga estudyante, supervisor, at pag-assess ko sa sarili ko, nalaman ko ang mga aspetong dapat kong pagbutihin. At masasabi ko na ang 25 kasanayan at gawaing ito ay lubos na nakatulong at napakadaling gamitin maging sa pagtuturo ng lesson. Salamat.

Brother Wilkins: Gusto ko lang magbahagi ng maikling karanasan na nagturo sa akin na napakabisang pagsamahin ang pagpokus sa layunin at pagpokus sa mga kasanayan. Isang araw sa klase, nagkaroon kami ng talakayan na nakasentro kay Cristo at tungkol ito sa pagsisisi. At hindi lang pagsisisi para sa mga maling nagagawa, kundi sa alituntuning ito maaari nating lapitan si Cristo at hilingin sa Kanya na palakasin ang ating mga kahinaan. At inisip ko rin ang ilan sa mga kasanayang ito mula sa mga training material. Kaya habang nakamasid ako sa talakayan ng mga estudyante, nakita ko ang isang dalaga—nakapokus ako sa kanya dahil sa kasanayang ito. Sinisikap kong tumingin sa mata ng mga tao, at magbigay ng mga follow-up question. At nakita kong nagpahid siya ng kanyang mata. At nadama ko na dapat kong itanong ang follow-up question at sinabing, “Nikki, maaari mo bang ibahagi ang itinuro sa iyo ng Espiritu?” At ibinahagi ng dalagang ito ang saloobin niya at napaiyak at sinabing nakatanggap siya ng sagot para sa isang limang-taong panalangin, na nagsisikap siyang magsisi ngunit hindi niya kailanman hiniling sa Panginoon na baguhin ang kanyang puso.

At habang nakapokus ako sa layunin sa buong klase, nagkaroon kami ng talakayang nakasentro kay Cristo, at napakasaya niyon. At dahil sa pagpokus sa kasanayang ito, natuwa ako na pinagtuunan ko ang mga kasanayang magtanong lang ng follow-up question, at tumingin sa mata ng mga tao. Dahil napakaganda ng karanasang ito, nawa’y humantong ito sa isang karanasang nagpapabago ng buhay. Kaya para sa akin, importante na magsimula sa layunin, pero ang pagpokus sa mga kasanayan ay tutulong sa atin na lubos na maisakatuparan ang layuning iyan.

Sister Scott: Salamat, Brother Wilkins. Ang pagtingin sa mata ng isang tao ay nag-aanyaya sa kanya na magbahagi, at magkaroon ng karanasan kasama ninyo. Napakagandang kuwento. Brother Mark Espidita.

Brother Mark Espidita: Sinimulan kong gamitin ang mga materyal na ibinigay sa amin mga dalawang buwan na ang nakararaan para sa mga bagong coordinator model training sa Canvas. At ikinukumpara ko lang ang reaksyon ng mga titser sa mga bagay na nai-post ko sa aking mga nakaraang training, gamit ang lumang Gospel Teaching and Learning Handbook. At wala talagang gaanong interaksyon sa aming discussion board. At nito lang, nang simulan kong gamitin ang mga paksang ito sa bagong hanbuk, natanto ko na mas nakibahagi ang mga titser, nagkuwento sila ng tungkol sa kanilang mga karanasan.

Gusto kong ibahagi ang isa sa mga komento—ng isa kong titser. Training ito na ginawa ko ilang linggo na ang nakalipas. At tungkol ito sa pagbanggit sa panalangin ng mga pangalan ng mga tinuturuan mo. At talagang maganda at kamangha-mangha ang mga komentong natanggap ko. At isa sa mga sinabi ng isa sa mga titser ko—babasahin ko na lang ang komento niya. Sinasabi rito: “Malaking paalala ito sa mga titser, may mga pagkakataon na sabik lang tayong turuan ang mga estudyante at ipadama sa kanila ang Espiritu sa klase sa pamamagitan ng ating paghahanda. Gayunman, ang pinakamahalagang bagay ay kung paano maiaangkop ang mensahe ng lesson ayon sa kanilang mga pangangailangan. Kailangan ng mga estudyante ng mensahe na nauugnay sa kanila. Kaya nga ang pagdarasal para sa bawat isa sa kanila ay may malaking epekto sa paghahanda ng mga lesson para sa kanila. Nagbibigay ito ng pagkakataon kung saan tayo aakayin ng Espiritu na magsalita at magturo.” Hindi ko talaga natanto na magiging malaki ang epekto nito sa kanila. Kaya sa palagay ko ang mga materyal na narito ay lubos na makatutulong sa ating mga titser. Iyon lang.

Sister Scott: Brother Kevin Brown, may ibabahagi ka rin ba sa amin?

Brother Kevin Brown: Nagkaroon ako ng mabuting impresyon at lubos na nagpapasalamat sa paghahayag na napasaatin sa buong training na ito at sa lahat ng tools na ito na ibinigay sa atin. Alam ninyo, nagsulat ako sa aking notes, kung may mahanap akong isang bagay, sa tulong ng Espiritu Santo, lalo na ang natutuhan ko sa pamamagitan ng Espiritu Santo, at sa source na iyan, gaano ako agad kikilos at magbabago o gagawin ito? Iyon nga—Alam niyo, sinabi na sa atin kanina na ang Espiritu Santo ang nagpapadama sa ating mga estudyante ng kaugnayan ng natutuhan nila sa kanilang buhay. Ngunit natanto ko ngayon na ipinadama rin ng Espiritu Santo sa mga titser ang kaugnayan ng natutuhan nila sa kanilang buhay. Kaya dapat kong gawin agad ang natutuhan ko sa pamamagitan ng Espiritu. At talagang naramdaman ko na kapag ginawa natin ito, may mangyayaring mga himala sa silid-aralan. At masasaksihan iyan ng mga titser.

Sister Scott: Maraming salamat sa pagbabahagi niyan sa amin. May isa pang nagtataas ng kamay. Brother Castro, may gusto kang i-share sa amin?

Brother Castro: Opo, Sister Scott, salamat. Naisip ko ang isang ideya—o turo ni Elder David A. Bednar. Sabi niya, “Mahalagang malaman na naparito si Jesucristo sa lupa upang mamatay para sa atin. Iyan ay pangunahin at pundasyong bahagi ng doktrina ni Cristo. Ngunit kailangan din nating pasalamatan na hangad ng Panginoon, sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala at kapangyarihan ng Espiritu Santo, na mapasaatin—hindi lamang patnubayan tayo kundi palakasin din tayo.” 6 At iyan ang nadama ko ngayon, na talagang hangad ng Panginoon na tulungan tayo sa dakilang gawaing ito. At matutulungan natin ang ating mga kabataan, at ang mga tinawag na titser na madama rin iyon.

Sister Scott: Maraming salamat, Brother Castro. Salamat sa inyong lahat na nakibahagi ngayon. Narinig natin ang magagandang patotoo kung paano natin magagamit ang mga bagay na tinalakay natin ngayon sa napakapersonal na paraan. Nais kong idagdag ang aking taimtim na patotoo. Alam ko na ito ang gawain ng Panginoon, at alam kong interesado Siya sa ating personal na pag-unlad, at sa kakayahan nating makaugnay sa mga kabataan at young adult na tinuturuan natin. Alam kong tutulungan Niya kayo na ipamuhay ang lahat ng tools na ito na tinalakay natin sa personal na paraan; na si Cristo, at ayon sa Espiritu Santo, ay sasabihin sa inyo ang dapat pagbutihin pa; at ang mismong bagay na kailangan mong pagbutihin, gaya ng inilarawan ng lahat ng ating mga kuwento ngayon, ay ang mismong kailangang marinig ng taong iyon. At sa pamamagitan ninyo, makakalapit siya kay Cristo. Pinatototohanan ko ang mga bagay na ito, sa pangalan ni Jesucristo, amen.