“2 Nephi 5:1–9: Ang mga Babala ng Diyos,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“2 Nephi 5:1–9: Ang mga Babala ng Diyos,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
2 Nephi 5:1–9
Ang mga Babala ng Diyos
Marahil ay nakalulungkot iyon para kay Nephi. Dahil binalak nina Laman at Lemuel na patayin siya, binalaan si Nephi na isama ang “mga naniniwala sa mga babala at paghahayag ng Diyos” (2 Nephi 5:6) at tumakas patungo sa ilang. Kung minsan, maaari din tayong balaan ng Panginoon tungkol sa mga pisikal at espirituwal na panganib sa ating paligid. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na sundin ang mga babala na ibinibigay nang buong pagmamahal ng Panginoon upang protektahan ka.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mga Babala
-
Bakit mahalaga ang mga ganitong palatandaan ng babala?
-
Bakit tinitingnan ng ilang tao ang mga palatandaan ng babala nang may pasasalamat? nang may pagkainis?
-
Kailan ka nagpasalamat dahil binalaan ka?
Habang nag-aaral ka ngayon, pag-isipan kung bakit tayo binibigyan ng Diyos ng mga babala. Sikapin ding alalahanin ang iba’t ibang paraan ng pagtugon mo sa mga babalang ibinigay Niya.
Mga babala ng Diyos para kay Nephi
Basahin ang 2 Nephi 5:1–9, at alamin ang babalang ibinigay ng Panginoon kay Nephi matapos siyang maging espirituwal na pinuno ng pamilya kasunod ng pagkamatay ni Lehi. O maaari mong panoorin ang video na “Tumakas ang mga Nephita patungo sa Ilang” mula sa time code na 0:00–3:21.
Sikaping ilagay ang iyong sarili sa katayuan ng isa sa mga tinedyer na Nephita na inanyayahan ang pamilya na sumama kay Nephi.
-
Bakit kaya maaaring mahirap umalis?
-
Ano ang kailangan upang makapagpasiya ka na sumama kay Nephi patungo sa ilang?
-
Ayon sa talata 6, paano natukoy kung sino ang sasama sa kanya?
Ang isang katotohanang matututuhan natin mula sa talatang ito ay maaakay tayo ng Diyos palayo sa panganib kung pipiliin nating maniwala sa Kanyang mga paghahayag at makinig sa Kanyang mga propeta.
Binabalaan tayo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta
Isa sa mga paraan kung paano tayo binabalaan nang buong pagmamahal ng Diyos tungkol sa panganib ay sa pamamagitan ng Kanyang mga buhay na propeta. Halimbawa, sa 2 Nephi 5:5–6, marami sa pamilya ni Nephi ang nakinig sa babalang ibinigay sa kanya ng Panginoon na lumisan patungo sa ilang. (Tingnan din sa Amos 3:7.) Nakikita rin natin ang maraming babala ng propeta mula sa Diyos para sa atin sa Kanyang mga banal na kasulatan.
Mag-ukol ng oras upang saliksikin ang mga banal na kasulatan para sa mga babala na ibinigay sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta noon. (Kabilang sa ilang halimbawa ang Alma 41:10; Moroni 10:30, 32; Doktrina at mga Tipan 63:57–58; 89:1–4.)
Ang mga babala ng Diyos para sa iyo
Itinuro ni Pangulong Boyd K. Packer (1924–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Hindi inaasahang hindi kayo magkakamali sa buhay, ngunit hindi kayo makagagawa ng malaking kasalanan nang hindi muna nababalaan ng mga paramdam ng Espiritu. Ang pangakong ito ay para sa lahat ng miyembro ng Simbahan. (Boyd K. Packer, “Payo sa Kabataan,” Liahona, Nob. 2011, 18)
Pag-isipang mabuti kung paano naaangkop sa buhay mo ang pahayag ni Pangulong Packer at ang natutuhan mo mula sa 2 Nephi 5. Pagkatapos ay isulat sa iyong study journal ang mga naiisip at nadarama mo. Ang mga sumusunod ay ilang posibleng bagay na isasaalang-alang:
-
May babala ba sa akin ang Ama sa Langit tungkol sa isang partikular na bagay sa buhay ko sa pamamagitan ng mga impresyon o damdamin mula sa Espiritu?
-
Mayroon bang mga partikular na babala mula sa Diyos na natanggap ko sa pamamagitan ng mga lider ng Simbahan, mga magulang, basbas ng priesthood, o iba pang paraan? Kumusta ang pagsunod ko sa mga ito?
-
Ano kaya ang isang bagay na nais ng Ama sa Langit na gawin ko sa natutuhan o nadama ko ngayon?