Seminary
2 Nephi 3: “Isang Piling Tagakita ang Ibabangon Ko”


“2 Nephi 3: ‘Isang Piling Tagakita ang Ibabangon Ko,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“2 Nephi 3: ‘Isang Piling Tagakita ang Ibabangon Ko,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

2 Nephi 3

“Isang Piling Tagakita ang Ibabangon Ko”

Joseph Smith

Nakatala sa kabanata 3 ng 2 Nephi ang mga sinabi ni Lehi sa kanyang bunsong anak na si Jose, noong mamamatay na siya. Binanggit ni Lehi ang isang propesiyang sinabi ni Jose ng Egipto noong halos 1,700 taon bago isinilang si Cristo. Isipin kung paano nagulat si Joseph Smith nang matuklasan niya na siya ang paksa ng karamihan sa propesiyang sinabi ni Jose ng Egipto. Ang layunin ng lesson na ito ay tulungan kang mapalalim ang iyong patotoo tungkol sa banal na tungkulin ni Propetang Joseph Smith.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Apat na Joseph

Apat na indibiduwal na binanggit sa 2 Nephi 3 ang magkakapangalan. Basahin ang mga talata para sa bawat larawan at tukuyin kung sino ang kinakatawan ng apat na larawang ito.

collage ng 4 na Joseph

2 Nephi 3:3; 2 Nephi 3:4; 2 Nephi 3:11; 2 Nephi 3:15

Malaking bahagi ng 2 Nephi 3 ang nakatuon sa isang propesiyang sinabi ni Jose ng Egipto tungkol sa “tagakita” at kay propetang Joseph Smith at sa kanyang misyon sa mga huling araw.

Sinabi ni Pangulong Brigham Young (1801–77) ang sumusunod na pahayag tungkol sa paghahanda ng Panginoon para sa misyon ni Joseph Smith:

Napagpasiyahan sa mga konseho ng kawalang-hanggan, [bago pa man] inilatag ang saligan ng mundo, na siya, si, Joseph Smith, ang nararapat na tao, sa huling dispensasyon ito ng daigdig, na maghatid ng salita ng Diyos sa sangkatauhan, at tumanggap ng kabuuan ng mga susi at kapangyarihan ng Pagkasaserdote ng Anak ng Diyos. Binantayan siya ng Panginoon, at ang kanyang ama, at ang ama ng kanyang ama, at ang [kanilang angkan] … hanggang kay Adan. Binantayan niya ang mag-anak na yaon at ang dugong nananalaytay mula sa pinagmulan niyon hanggang sa pagsilang ng taong iyon. Siya ay inordenan noon pa sa kawalang-hanggan upang mamuno sa huling dispensasyong ito. (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Brigham Young [1997], 109383)

  • Ano ang maituturo sa atin ng mga salitang ito tungkol sa tungkulin ni Joseph Smith?

  • Ano ang maituturo nito sa atin tungkol sa Panginoon?

Mga Propesiya tungkol kay Joseph Smith

Habang kausap ang kanyang anak na si Jose, binanggit ni Lehi ang isang bahagi ng propesiya ni Jose ng Egipto mula sa mga laminang tanso (tingnan din sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Genesis 50:24–38 [sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia]). Ang propesiyang ito ay tungkol kay Propetang Joseph Smith sa mga huling araw. Basahin ang 2 Nephi 3:6–15, 24, at markahan ang mga salita o parirala na nagtuturo sa iyo tungkol kay Joseph Smith. (Tandaan na ang “bunga ng iyong balakang” ay tumutukoy sa mga anak o inapo.)

  • Ano ang mahalaga para sa iyo tungkol kay Joseph Smith?

  • Paano mo ibubuod ang mga turo tungkol kay Propetang Joseph Smith mula sa nabasa mo sa 2 Nephi 3?

Ang isang katotohanan na matututuhan natin ay ibinangon ng Panginoon si Propetang Joseph Smith upang makatulong na maisakatuparan ang Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo.

  • Sa iyong palagay, bakit mahalaga para sa atin na magkaroon ng personal na patotoo sa katotohanang ito?

Itinuro ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Ang negatibong komentaryo tungkol kay Propetang Joseph Smith ay madaragdagan pa habang papalapit ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Ang mga katotohanang may halong kasinungalingan at panlilinlang ay hindi mababawasan. May mga kapamilya at kaibigan na mangangailangan ng tulong ninyo. …

Sa mga kabataan … may hamon ako sa inyo: Magkaroon ng sariling patotoo tungkol kay Propetang Joseph Smith. (Neil L. Andersen, “Joseph Smith,” Liahona, Nob. 2014, 30)

  • Gaano ka naniniwala sa banal na tungkulin ni Propetang Joseph Smith?

Pagkakaroon ng patotoo tungkol kay Joseph Smith

Isipin ang sumusunod na sitwasyon:

Nang malaman ng kaibigan mong si Marcos na miyembro ka ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, nagsimula siyang magbasa tungkol kay Joseph Smith sa website ng Simbahan. Napaisip siya sa paanyayang alamin para sa kanyang sarili na si Joseph Smith ay isang propeta ng Diyos. Habang ibinabahagi niya sa iyo ang ilan sa natutuhan niya, itinanong niya, “Paano natin malalaman mismo sa ating sarili kung si Joseph Smith ay isa ngang propeta?”

  • Ano ang sasabihin mo kay Marcos?

Para sa iba pang mga ideya tungkol sa pagkakaroon ng patotoo na si Joseph Smith ay propeta ng Panginoon, panoorin o basahin ang iminungkahi ni Elder Andersen:

14:49

Joseph Smith

Mensahe ni Elder Neil L. Andersen sa Pangkalahatang Kumperensya ng Oktubre 2014.

Ang patotoo tungkol kay Propetang Joseph Smith ay maaaring dumating sa atin sa magkakaibang paraan. Maaari itong dumating habang nakaluhod kayo sa panalangin, na hinihiling sa Diyos na patunayan na siya ay totoong propeta. Maaari itong dumating habang binabasa ninyo ang salaysay ng Propeta tungkol sa Unang Pangitain. Ang patotoo ay maaaring magpadalisay sa inyong kaluluwa habang paulit-ulit ninyong binabasa ang Aklat ni Mormon. Maaari itong dumating kapag nagpatotoo kayo tungkol sa Propeta o habang nasa templo kayo at natatanto na sa pamamagitan ni Joseph Smith ay ipinanumbalik ang banal na kapangyarihang magbuklod sa lupa. Taglay ang pananampalataya at tunay na layunin, ang inyong patotoo kay Propetang Joseph Smith ay lalakas. (Neil L. Andersen, “Joseph Smith,” Liahona, Nob. 2014, 30)

4:42

A Choice Seer Will I Raise Up: Prophet of the Restoration

Part 2: Youth share their testimonies of the Restoration and how it has impacted their lives. Based on a talk given by Elder Craig C. Christensen in October 2016.

icon, isulat
  1. Sagutin ang tatlo sa mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang nakatulong sa iyong maniwala na si Joseph Smith ay isang propeta?

  • Ano ang naipaunawa o naipadama sa iyo ni Propetang Joseph Smith tungkol kay Jesucristo?

  • Ano ang magagawa mo upang mapalakas ang iyong patotoo tungkol kay Propetang Joseph Smith?

  • Paano makakaapekto (nakakaapekto) sa iyong buhay ang pagkakaroon ng patotoo kay Joseph Smith?