Seminary
2 Nephi 12–15: “Ito ay Mangyayari sa mga Huling Araw”


“2 Nephi 12–15: ‘Ito ay Mangyayari sa mga Huling Araw,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“2 Nephi 12–15,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

2 Nephi 12–15

“Ito ay Mangyayari sa mga Huling Araw”

bundok at haliging apoy

Natuklasan mo ba na ang ilang propeta ay nagsasalita, nagtuturo, o nagsusulat sa paraang nakaaantig sa iyong kaluluwa? Para kay Nephi, ito ay si Isaias. “Sapagkat ang aking kaluluwa ay nalulugod sa kanyang mga salita,” isinulat ni Nephi (2 Nephi 11:2). Maaari ka ring malugod sa inihayag ng Panginoon tungkol sa mga huling araw sa pamamagitan ni Isaias. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan ang mga simbolikong propesiya ni Isaias at pag-isipan kung paano ka matutulungan ng mga ito sa iyong buhay.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang pinakamaganda at ang pinakamalala

icon, record
  1. Tapusin ang mga sumusunod na pahayag para sa iyong sarili sa iyong study journal:

  • Ang pinakamagagandang bagay tungkol sa pamumuhay sa mga huling araw ay—

  • Ang mga pinakamalalang bagay tungkol sa pamumuhay sa mga huling araw ay—

Inihayag ng Panginoon ang mga pagpapala at mga babala tungkol sa pamumuhay sa mga huling araw sa maraming sinaunang propeta. Isa sa mga propetang iyon ang propeta sa Lumang Tipan na si Isaias, na nanirahan sa Jerusalem nang mahigit 100 taon bago si Lehi at ang kanyang pamilya. Alam ni Nephi na si Isaias ay isang natatanging saksi ni Jesucristo (tingnan sa 2 Nephi 11:2) at siya ay labis na nalugod sa kanyang mga salita kaya isinama niya ang marami sa mga propesiya ni Isaias sa kanyang sariling mga talaan.

Isipin ang mga sumusunod na tanong. Babalikan mong muli ang mga tanong na ito sa katapusan ng lesson.

  • Bakit kaya naghahayag ang Panginoon ng mga pagpapala at babala sa mga huling araw sa atin?

  • Ano ang itinuturo nito sa iyo tungkol sa Kanya?

  • Paano makatutulong sa iyo na alam mo ang mga bagay na ito?

Hingin ang patnubay ng Espiritu Santo para matulungan ka na masagot ang mga tanong na ito sa buong lesson na ito.

Mga hamon sa ating panahon

Binalaan tayo ni Isaias tungkol sa ilang gawi at pag-uugali sa mga huling araw. Basahin ang mga sumusunod na set ng mga talata, at alamin ang ipinropesiya ni Isaias.

  • Ano ang tila mahalaga para sa iyo?

  • Ano ang ilang halimbawa ng mga bagay na ito sa mundo ngayon?

  • Bakit isang pagpapala ang sinabi sa atin ng Panginoon na mag-ingat sa mga bagay na ito?

Sa iyong patuloy na pag-aaral, alamin ang mga pagpapalang inilaan ng Panginoon para sa mga huling araw. Isipin kung paano makatutulong sa atin ang mga pagpapalang ito kapag naharap tayo sa mga hamong nakita ni Isaias.

Ang bundok na kinatitirikan ng bahay ng Panginoon

Gumamit si Isaias ng maraming simbolo sa kanyang mga propesiya. Ang pag-iisip kung ano ang isinasagisag ng mga simbolong ito ay makatutulong sa iyo na malaman mo ang personal na kahulugan mula sa mga banal na kasulatan.

Basahin ang 2 Nephi 12:1–3, at alamin ang pangunahing simbolo na ginamit ni Isaias upang ituro kung ano ang “mangyayari sa mga huling araw” (2 Nephi 12:2).

  • Ano sa palagay mo ang tinutukoy ng “bundok na kinatitirikan ng bahay ng Panginoon”? Bakit?

Makatutulong na pag-isipan kung ang isang simbolo, na isang bundok sa sitwasyong ito, ay naging mahalaga sa iba pang mga banal na kasulatan. Halimbawa, si Moises at ang iba pang mga propeta ay nagtungo sa isang bundok upang makilala ang Panginoon at tumanggap ng tagubilin mula sa Kanya (tingnan sa Exodo 320). Kung minsan, ang mga bundok ay ginamit din sa layuning katulad sa mga templo.

  • Paano maitutulad ang bundok sa templo?

Sa simbolong tinukoy, muling basahin ang mga talatang ito at alamin kung ano ang ginagawa ng Panginoon para sa atin sa Kanyang bahay.

icon, isulat
  1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano nakatulong sa iyo ang pagsamba sa templo (o paghahandang pumasok sa templo) upang matutuhan mo ang mga daan ng Panginoon o lumakad sa Kanyang mga landas?

  • Paano tayo matutulungan ng mga templo kapag nahaharap tayo sa mga hamon sa mga huling araw?

Ulap at apoy

Nagbigay si Isaias ng isa pang propesiya. Basahin ang 2 Nephi 14:5–6, at alamin kung ano ang gagawin ng Diyos para sa Kanyang mga tao. Ang sumusunod na impormasyon ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa iyo:

  • Ang pook ay tahanan.

  • Ang mga pagtitipon sa Bundok ng Sion ay ang lugar kung saan nagtitipon ang mga tao ng Panginoon, tulad ng mga branch, ward, at stake.

  • Isang tabernakulo sa panahon ng Lumang Tipan ang partikular na tumukoy sa isang nabibitbit na tolda na nagsilbing templo para sa mga Israelita sa loob ng daan-daang taon. Maaari itong kumatawan sa templo o isang lugar ng pagsamba sa kasalukuyan.

  • Ang kublihan ay isang silungan o kanlungan.

  • Ano sa palagay mo ang isinasagisag ng ulap sa araw at nagniningas na apoy sa gabi?

  • Paano naging mahalaga ang ulap at apoy kay Moises at sa mga anak ni Israel? (tingnan sa Exodo 13:21).

  • Sa pagkaunawang iyan, ano sa palagay mo ang ipinangako ng Panginoon na gagawin Niya para sa Kanyang mga tao sa 2 Nephi 14:5–6?

Nagbigay si Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol ng katulad na pangako:

Ang ating mga patotoo tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo, ang ating mga tahanan, pamilya, at pagiging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay magiging personal nating muog ng proteksyon na nakapalibot sa atin at pananggalang natin sa kapangyarihan ng yaong masama. (Ronald A. Rasband, “Magtayo ng Isang Muog ng Espirituwalidad at Proteksyon,” Liahona, Mayo 2019, 110)

icon, isulat
  1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano naging lugar ng espirituwal na proteksyon at kanlungan ang iyong tahanan, ward, o branch, o ang templo para sa iyo?

  • Paano tayo matutulungan ng mga pangakong ito sa pagharap natin sa mga hamon ng mga huling araw?

Mga salita ni Isaias sa iyong buhay

Maglaan ng oras na sagutin ang tatlong tanong na pinag-isipan mo sa simula ng lesson. Maaari mong isulat sa iyong study journal ang natutuhan mo tungkol sa Panginoon at kung paano makatutulong sa iyo ang mga propesiyang ito. Maaari mong isama ang gawi o pag-uugali na nais mong iwasan, gayundin ang mga paraan na maaari kang humingi ng espirituwal na tulong sa Panginoon sa iyong tahanan, ward, o branch, o sa templo.