Seminary
2 Nephi 11: Mga Saksi ni Cristo


“2 Nephi 11: Mga Saksi ni Cristo,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“2 Nephi 11,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

2 Nephi 11

Mga Saksi ni Cristo

Si Jesucristo bilang pastol

Sino ang naiisip mo kapag iniisip mo ang mga saksi kay Jesucristo? Labis na nalugod si Nephi sa pagsaksi ng kanyang kapatid na si Jacob at ng propetang si Isaias kaya’t itinala niya ang mga ito kasama ang kanyang sariling pagsaksi tungkol kay Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong na mapalakas ang iyong patotoo sa realidad ni Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang kahalagahan ng mga saksi

Kunwari ay kailangan mong sabihin kung nasaan ka kagabi mula alas-6:00 hanggang alas-7:00 n.g.

  • Paano mo mapapatunayan ang ginagawa mo noong oras na iyon?

  • Mayroon bang sinumang saksi na makapagpapatunay kung nasaan ka?

  • Bakit mahalaga ang mga saksi kapag naghahanap tayo ng katotohanan?

Basahin ang 2 Nephi 11:2–3, at alamin kung sino ang mga saksi na binanggit ni Nephi at kung ano ang naranasan nila.

  • Bakit magiging malalakas na saksi ang tatlong taong ito?

  • Ano ang gusto ninyong matutuhan sa kanila?

  • Anong mga katotohanan ang natutuhan ninyo tungkol sa Diyos sa talata 3?

Basahin ang 2 Nephi 11:4, 6, at alamin ang partikular na bagay na nais ni Nephi na malaman ng kanyang mga tao.

Isa sa mga katotohanan na matututuhan natin mula sa 2 Nephi 11 ay nagpapadala ang Ama sa Langit ng mga saksi upang patotohanan ang realidad ng Kanyang Anak.

  • Sa iyong palagay, bakit gumagamit ang Ama sa Langit ng mga saksi upang patotohanan ang Kanyang Anak?

Pag-isipan sandali ang sarili mong mga paniniwala at damdamin tungkol sa Tagapagligtas na si Jesucristo. Isipin ang mga saksi ng Tagapagligtas at kung paano sila nakaimpluwensya sa iyo at sa iyong mga paniniwala tungkol sa Kanya. Sa pagpapatuloy mo ng lesson na ito, maghanap ng mga paraan kung paano makatutulong at makapagpapalakas sa iyong buhay ang mga saksi.

Bago ang 2 Nephi 11, isinama ni Nephi ang mga turo at patotoo ng kanyang nakababatang kapatid na si Jacob. Pagkatapos ng 2 Nephi 11, isinama ni Nephi ang mga turo at patotoo ng propetang si Isaias. Maaari mong isulat ang “2 Nephi 9–10 ang pagsaksi ni Jacob” sa tabi ng pangalan ni Jacob sa talata 3 at “2 Nephi 12–24 ang pagsaksi ni Isaias” sa tabi ng pangalan ni Isaias sa talata 2.

Mga Saksi ni Jesucristo

Mga Apostol sa paligid ng Christus sa Roma

Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mapalalim ang iyong personal na patotoo kay Jesucristo. Kahit alam mo mismo na Siya ay buhay o iniisip mo pa rin kung Siya ay totoo, matutulungan ka ng Espiritu Santo na mas makilala Siya sa pamamagitan ng mga piling saksi ng Diyos. Ang kasalukuyang lalim ng iyong patotoo tungkol sa Kanya ay hindi kasinghalaga ng hangarin mong makilala Siya nang mas mabuti.

Pag-aralan ang mga isinulat ng kahit dalawa sa mga sumusunod na saksi ni Jesucristo. Maaari mong isulat kung ano ang natutuhan at nadama mo habang nag-aaral ka.

  1. Jacob—Maghanap ng turo o patotoo tungkol kay Cristo na makabuluhan sa iyo na ibinahagi ni Jacob sa 2 Nephi 9–10. (Kabilang sa mga posibleng talata ang 2 Nephi 9:10–12, 20–23, 41; 10:25.)

  2. Isaias—Maghanap ng turo o patotoo tungkol kay Cristo na makabuluhan sa iyo na ibinahagi ni Isaias sa 2 Nephi 12–24. (Kabilang sa mga posibleng talata ang 2 Nephi 16:1–3; 17:14; 19:6–7; 22:2; 24:3.)

  3. Nephi—Maghanap ng turo o patotoo tungkol kay Cristo na makabuluhan sa iyo mula sa mga personal na isinulat ni Nephi. (Kabilang sa mga posibleng talata ang 1 Nephi 11:31–33; 19:8–10; 2 Nephi 4:18–21; 25:26, 29.

Mga saksi ni Cristo sa makabagong panahon

Alalahanin na nagpatotoo si Nephi na “ang Diyos ay magpapadala ng mga karagdagang saksi” (2 Nephi 11:3). Ilan sa mga saksing ito ay ang Kanyang mga Apostol sa mga huling araw. Panoorin ang mga patotoo ng kahit dalawa sa mga sumusunod na saksi ni Jesucristo sa makabagong panahon. Pag-isipan ang mga ideya at damdamin na maaari mong matanggap mula sa Espiritu Santo habang nagbabasa o nakikinig ka. Mapapanood ang buong mga video sa SimbahanniJesucristo.org.

5:47

Mga Natatanging Saksi ni Cristo—Pangulong Russell M. Nelson” (manood mula sa time code na 4:32 hanggang 5:47)

3:45

Mga Natatanging Saksi ni Cristo—Pangulong M. Russell Ballard” (manood mula sa time code na 2:22 hanggang 3:45)

5:0

Mga Natatanging Saksi ni Cristo—Elder Quentin L. Cook” (manood mula sa time code na 3:53 hanggang 4:57)

5:30

Mga Natatanging Saksi ni Cristo—Elder Neil L. Andersen” (manood mula sa time code na 4:20 hanggang 5:24)

6:0

Mga Natatanging Saksi ni Cristo—Elder D. Todd Christofferson” (manood mula sa time code na 4:30 hanggang 5:51)

Ang iyong pagsaksi kay Jesucristo

Pansinin na pinili ni Nephi ang isang propetang hinangaan niya (si Isaias), ang isang tao na personal niyang kilala (ang kanyang kapatid na si Jacob), at ang kanyang sariling patotoo bilang tatlong saksi na magpapatotoo sa realidad ni Jesucristo.

icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod na pagsasanay upang matulungan kang matularan ang halimbawa ni Nephi:

    • Isulat ang isang turo tungkol sa Tagapagligtas na makabuluhan sa iyo mula kina Nephi, Jacob, Isaias, o sa isang propeta sa makabagong panahon.

    • Isulat ang pangalan ng isang tao na personal mong kilala na itinuturing mong saksi ni Jesucristo. Isama ang natutuhan mo mula sa kanyang patotoo. (Maaari mong kausapin o i-text ang taong iyon para itanong kung paano siya nagkaroon ng patotoo tungkol kay Cristo.)

    • Isulat ang nadarama mo tungkol sa sarili mong patotoo kay Jesucristo. Maaaring kabilang dito ang mga karanasan mo o mga bagay na natutuhan mo tungkol sa Kanya. O maaari mong piliing itala ang iyong hangaring magkaroon ng patotoo tungkol kay Jesucristo at kung ano ang handa mong gawin para mapalakas ang patotoong iyon.