“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 3,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 3,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 3
Unawain at Ipaliwanag
Ang pag-unawa sa mga partikular na scripture passage at pagkakaroon ng kakayahang maipaliwanag ang mga katotohanang itinuturo ng mga ito ay mahalaga sa pagtatamo ng kahusayan sa doktrina. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang madagdagan ang iyong pag-unawa at magtutulot sa iyo na magsanay na ipaliwanag ang doktrinang itinuturo sa ilan sa mga doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pag-unawa sa mga doctrinal mastery passage
Isipin ang mga doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon mula sa chart na ito na napag-aralan mo na sa taong ito.
Unang 12 Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala
Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
Reperensyang Banal na Kasulatan |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
---|---|
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kinakailangan kayong laging manalangin.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.” |
© 2023 by Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.
-
Sa palagay ninyo, alin sa mga scripture passage na ito ang lubos ninyong nauunawaan?
-
Anong mga karanasan ang nakatulong sa inyo para maunawaan ang (mga) katotohanan ng scripture passage na iyon?
-
Aling (mga) scripture passage ang gusto mong mas maunawaan pa?
Pumili ng kahit isa man lang sa mga doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon na gusto mong mas maunawaan at kumpletuhin ang isa sa mga sumusunod na aktibidad upang matulungan kang mapalalim ang iyong pag-unawa sa doktrinang itinuturo nito. Kung mabilis kang matatapos, pumili ng isa pang doctrinal mastery passage at kumpletuhin ang isa pang aktibidad.
Aktibidad A: Pagsasalarawan
Magdrowing, gumawa ng collage, meme, word art, word cloud, o iba pang visual representation na nagpapakita ng itinuturo ng iyong doctrinal mastery passage.
I-click ang mga link na ito para sa ilang halimbawa:
Aktibidad B: Pagbabahagi sa iba
Gumawa ng plano upang ituro ang iyong doctrinal mastery passage. Maaaring kabilang dito ang mga tanong mo upang matulungan ang mga tinuturuan mo na mas maunawaan ang doctrinal mastery passage. Maaari ka ring gumawa ng video kung saan sinasagot mo ang mga tanong na ginawa mo o ipinapaliwanag mo ang kahulugan ng mahahalagang salita at parirala.
Aktibidad C: Pag-aaral nang mag-isa
Pumili ng isa o dalawang mahalagang salita mula sa doctrinal mastery passage na pag-aaralan. Gamitin ang mga tulong sa pag-aaral sa iyong mga banal na kasulatan, ang Gospel Library app, o iba pang sources na itinalaga ng Diyos upang matukoy ang mga kahulugan, mga posibleng cross-reference, o mga pahayag ng mga lider ng Simbahan na nagpapalalim sa iyong pag-unawa. Itala ang natutuhan mo, kabilang na ang itinuturo sa iyo ng mga bagay na ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Aktibidad D: Paghahambing
Tukuyin ang mga nahahawakang bagay o gumawa ng analohiya na maaaring kumatawan sa doctrinal mastery passage o mga salita at parirala mula sa doctrinal mastery passage. Halimbawa, para sa 2 Nephi 2:27, maaari kang maglagay ng susi sa isang kamay upang ilarawan na tayo ay “malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan” at kandado sa isa pang kamay upang kumatawan sa “pagkabihag at kamatayan.”