Seminary
2 Nephi 9:27–49: “Ang Maging Espirituwal sa Kaisipan ay Buhay na Walang Hanggan”


“2 Nephi 9:27–49: ‘Ang Maging Espirituwal sa Kaisipan ay Buhay na Walang Hanggan,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“2 Nephi 9:27–49,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

2 Nephi 9:27–49

“Ang Maging Espirituwal sa Kaisipan ay Buhay na Walang Hanggan”

mga dalagitang nakangiti at naglalakad

Gaano kadalas mong naiisip kung saan ka aakayin ng iyong mga kilos at pag-uugali? Matapos ipahayag na si Jesucristo ay may kapangyarihang iligtas ang buong sangkatauhan mula sa mga epekto ng Pagkahulog, nagbabala si Jacob laban sa mga kilos at pag-uugali na naglalayo sa atin sa Panginoon. Nagpatotoo siya tungkol kay Jesucristo at kung ano ang magagawa natin upang lumapit sa Kanya at maligtas. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maiwasan ang mga pag-uugali na humahantong sa kalungkutan at naglalayo sa iyo kay Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagkakalayo sa Diyos

Isipin ang mga pagkakataon sa iyong buhay na nadama mong malapit ka sa Diyos at ang mga pagkakataong nadama mong malayo ka sa Kanya. Ano ang ilang gawain na maaaring humantong sa mga resultang ito?

  • Ano ang nalaman mo?

  • Ano sa palagay mo ang nakatulong kay Jacob na madama ang inilarawan niya sa 2 Nephi 9:49?

Isipin ang sarili mong buhay at kung gaano ka kalapit sa Diyos sa kasalukuyan. Habang pinag-aaralan mo pa ang tungkol sa sermon ni Jacob sa 2 Nephi 9, maghanap ng mga turo na makatutulong sa iyo na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

“Makinig sa aking mga salita”

Matapos ituro ang tungkulin ni Jesucristo sa pagtulong sa atin na madaig ang kasalanan at kamatayan (tingnan sa 2 Nephi 9:1–26), binalaan ni Jacob ang mga Nephita laban sa mga pag-uugali at gawi na maglalayo sa kanila sa Tagapagligtas.

Basahin ang 2 Nephi 9:27–38, at alamin ang mga pag-uugali at kilos kung saan nagbabala si Jacob. Maaari mong ilista ang mga ito habang nagbabasa ka.

Isipin kung paano naaangkop sa mga tinedyer ngayon ang bawat isa sa mga gawi kung saan nagbabala si Jacob. Halimbawa, bagama’t karamihan sa mga tinedyer ay hindi nakikisangkot sa pagpaslang, makatutulong sa iyo ang talata 35 na tandaang umiwas sa mararahas na kaisipan, damdamin, at gawi (tingnan sa Mateo 5:21–22, 38–42).

icon, isulat
  1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang ilang halimbawa kung paano nauugnay ang mga turo ni Jacob sa mga tinedyer ngayon?

  • Paano nakakaapekto ang mga pag-uugali at gawi na itinala ni Jacob sa ating kaugnayan sa Diyos?

Ang isang taong nagpapakita ng mga gawi at pag-uugali kung saan nagbabala si Jacob ay mailalarawan bilang “mahalay sa kaisipan” (2 Nephi 9:39).

Basahin ang 2 Nephi 9:39, at alamin ang itinuro ni Jacob tungkol sa mga epekto ng pagiging mahalay sa kaisipan at pagiging espirituwal sa kaisipan.

  • Ano ang natuklasan mo?

  • Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng pagiging espirituwal sa kaisipan?

Mula sa talatang ito, nalaman natin na ang pagiging mahalay sa kaisipan ay humahantong sa kamatayang espirituwal. Ang pagiging espirituwal sa kaisipan ay humahantong sa buhay na walang hanggan.

icon, isulat
  1. Sagutin ang sumusunod na tanong:

  • Ano ang ilang gawain sa araw-araw na magagawa mo upang manatiling nakatuon ang iyong isipan kay Jesucristo?

3:29

Lumapit sa Banal ng Israel

Isiping muli ang mahalay sa kaisipan at pag-uugali na itinala ni Jacob sa 2 Nephi 9:27–38. Alin sa mga babalang ito ang pinakamahirap para sa inyo? May mga pagbabago ba kayong magagawa na makatutulong sa inyo na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo? Isipin kung anong mga hakbang ang maaari ninyong gawin.

Habang iniisip mo ang sarili mong kalagayan, basahin ang mga salita ni Jacob sa 2 Nephi 9:40–45. Hanapin ang kanyang mga turo, lalo na ang mga tungkol sa Tagapagligtas, na maaaring makatulong sa iyong kasalukuyang sitwasyon.

  • Anong mga salita at parirala ang pinakamakabuluhan para sa iyo? Bakit?

  • Paano makatutulong sa iyo ang pag-alaala sa “kadakilaan ng Banal ng Israel” (talata 40) na maging mas espirituwal sa kaisipan?

Pag-isipan sandali ang natutuhan at nadama mo sa iyong pag-aaral ngayon. Itala sa iyong study journal ang anumang naisip at impresyon mo, kabilang na ang anumang ginawa mo na nadama mong dapat mong gawin. Alalahanin na pagpapalain ka ng Panginoon kapag sinisikap mong mas mapalapit sa Kanya.