Seminary
2 Nephi 6; 10: Ang Pagtitipon ng Israel


“2 Nephi 6; 10: Ang Pagtitipon ng Israel,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“2 Nephi 6; 10,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

2 Nephi 610

Ang Pagtitipon ng Israel

mga missionary na nakikipagkamay sa lalaki

Maraming propesiya sa mga banal na kasulatan ang may kaugnayan sa mga pangyayari sa mga huling araw, o sa mga araw na nabubuhay tayo ngayon. Ang kapatid ni Nephi na si Jacob ay nagbahagi ng mga propesiya tungkol sa ating panahon at sa pagtitipon ng Israel na makatutulong sa atin na maunawaan ang ating tungkulin sa gawain ng Panginoon sa mga huling araw. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mas hangaring makibahagi sa Panginoon sa pagtitipon ng Israel sa mga huling araw.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mahahalagang bagay na nangyayari

Ang mga sumusunod na sipi ay mula sa isang mensaheng ibinahagi ni Pangulong Russell M. Nelson. Habang binabasa mo ang mga ito, mag-isip ng ilang paksa na maaaring tinutukoy ni Pangulong Nelson.

  • Wala nang ibang nangyayari sa daigdig na ito ngayon mismo na mas mahalaga pa kaysa riyan. … Wala nang ibang mas mahalaga ang bunga. Wala talaga” (Russell M. Nelson at Wendy W. Nelson, “Pag-asa ng Israel” [pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018], SimbahanniJesucristo.org).

  • Ito … ay dapat maging napakahalaga sa inyo” (Russell M. Nelson, “Pag-asa ng Israel”).

  • “Ito ang misyon ninyo dito sa lupa” (Russell M. Nelson, “Pag-asa ng Israel”).

  • Ano sa palagay mo ang ilan sa mga paksang maaaring tinutukoy ni Pangulong Nelson sa mga pahayag na ito?

Maaaring alam mo na tinutukoy ni Pangulong Nelson ang pagtitipon ng Israel. Panoorin ang “Pag-asa ng Israel” mula sa time code na 39:36–40:05, na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, o basahin ang sumusunod upang makita ang kumpletong pahayag ni Pangulong Nelson.

2:3

Mga mahal kong mahuhusay na kabataan, ipinadala kayo sa mundo sa panahong ito, sa pinakamahalagang bahagi ng kasaysayan ng mundo, upang tumulong na tipunin ang Israel. Wala nang ibang nangyayari sa daigdig na ito ngayon mismo na mas mahalaga pa kaysa riyan. Wala nang ibang mas mahalaga ang bunga. Wala talaga.

Ang pagtitipon na ito ay dapat maging napakahalaga sa inyo. Ito ang misyon ninyo dito sa lupa. (Russell M. Nelson at Wendy W. Nelson, “Pag-asa ng Israel” [pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018], SimbahanniJesucristo.org)

  • Ano ang naiisip o nadarama mo tungkol sa pahayag ni Pangulong Nelson?

  • Ano ang mga tanong mo tungkol sa pagtitipon ng Israel?

Isaalang-alang ang mga naiisip at nadarama mo tungkol sa pakikibahagi sa pagtitipon ng Israel, na kinabibilangan ng pangangaral ng ebanghelyo sa mga tao sa mundo ngayon at paggawa ng gawain sa family history at sa templo para sa mga pumanaw nang sa gayon ang lahat ay magkaroon ng pagkakataong lumapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Gaano kahalaga ang gawaing ito sa iyo? Sa iyong pag-aaral ngayon, maghanap ng mga turo na makatutulong sa iyo na madagdagan ang iyong kahandaan at kakayahang makibahagi sa Panginoon sa pagtitipon ng Israel.

Nangaral si Jacob tungkol sa pagtitipon ng Israel

Inanyayahan ni Nephi ang kanyang kapatid na si Jacob na magbahagi ng isang mahalagang propesiya mula sa propetang si Isaias sa Lumang Tipan tungkol sa pagtitipon ng Israel sa mga huling araw (tingnan sa 2 Nephi 6:4–7).

Bago basahin ang propesiyang ito, maaaring makatulong na maunawaan ang kahulugan ng mga sumusunod:

  • Mga Gentil: Sa pagkakagamit sa mga banal na kasulatan, may ilang kahulugan ang mga Gentil. Sa propesiya ni Isaias (tingnan sa 2 Nephi 6:5–7), isa sa mga kahulugan ng salitang mga Gentil ay maaaring tumukoy sa mga taong hindi kabilang sa angkan ni Israel (Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Mga Gentil,” https://www.churchofjesuschrist.org/study/scriptures/gs/gentiles?lang=tgl).

  • Sagisag: “Isang watawat o bandila kung saan ang mga tao ay nagtitipon sa pagkakaisa ng layunin o pagkakakilanlan” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Sagisag,” https://www.churchofjesuschrist.org/study/scriptures/gs/ensign?lang=tgl).

Si Kapitan Moroni at ang Bandila ng Kalayaan
Itaas ang Iyong Bandila

Habang nasasaisip ang mga kahulugang ito, basahin ang 2 Nephi 6:5–7. Ilista sa iyong study journal ang mga detalye ng propesiya ni Isaias na tila mahalaga.

  • Anong mga detalye ang nakita mo mula sa propesiya ni Isaias na tila mahalaga?

  • Ano pa ang mga tanong mo tungkol sa propesiyang ito?

Kapwa ipinahayag nina Nephi at Jacob ang propesiyang ito sa kanilang mga isinulat. Hangaring mas makaunawa tungkol sa propesiya ni Isaias sa pamamagitan ng pagbabasa ng kahit isa man lang sa mga sumusunod na set ng mga talata. Maaari ding makatulong na i-cross-reference o iugnay ang mga talatang ito sa 2 Nephi 6:5–7.

  • Ano ang itinuro ni Nephi o ni Jacob sa mga talatang ito na mas nakatulong sa iyo na maunawaan ang 2 Nephi 6:5–7? Anong mga karagdagang impormasyon ang nalaman mo?

  • Ano ang ipinauunawa sa inyo ng mga turong ito tungkol kay Jesucristo at sa nadarama Niya tungkol sa lahat ng tao?

  • Ano ang ipinauunawa sa inyo ng mga ito tungkol sa tungkuling ginagampanan ninyo sa pagtulong na tipunin ang Israel?

Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa propesiya ni Isaias at sa pahayag ni Pangulong Nelson mula sa naunang bahagi ng lesson ay bilang mga miyembro ng ipinanumbalik na Simbahan ng Tagapagligtas, responsibilidad nating makibahagi sa Panginoon sa pagtitipon ng Israel sa mga huling araw.

  • Ano ang ipinauunawa sa inyo ng katotohanang ito tungkol sa nadarama ng Panginoon tungkol sa inyo?

  • Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa Tagapagligtas na nagpapaibayo ng inyong hangaring magtipon sa Kanya? Paano madaragdagan ng pagbabahagi nito sa iba ang kanilang hangaring magtipon sa Tagapagligtas?

Gumawa ng planong tulungan ang Panginoon na tipunin ang Israel

Inilarawan ni Pangulong Nelson kung ano ang magagawa natin upang makatulong sa pagtitipon ng Israel:

Sa tuwing gumagawa tayo ng kahit ano na makatutulong sa kahit sino—sa magkabilang panig ng tabing—para gawin at tuparin ang kanilang mga tipan sa Diyos, tumutulong tayo na tipunin ang Israel. (Russell M. Nelson, “Hayaang Manaig ang Diyos,” Liahona, Nob. 2020, 92–93)

  • Habang nasasaisip ang pahayag ni Pangulong Nelson, ano ang ilang partikular na bagay na magagawa mo upang makibahagi sa Panginoon sa pagtulong sa iba na lumapit sa Kanya?

  • Ano ang mga naranasan mo sa pagtulong sa iba na magtipon o mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Isipin kung paano mo magagawang mas lubos na makibahagi sa Panginoon sa pagtitipon ng Israel.

Kung kailangan mo ng tulong sa pag-iisip ng mga ideya, maaari mong pag-aralan ang isa o mahigit pa sa sumusunod na resources.

  1. Ibinahagi ni Russell M. Nelson ang mga ideyang iminungkahi ng mga kabataan ng Simbahan kung paano sila makatutulong sa pagtitipon ng Israel. Panoorin ang “Pag-asa ng Israel” mula sa timecode na 40:29–43:38, na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org.

    2:3
  2. share.churchofjesuschrist.org

  3. 3:22
icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod:

    Gumawa ng plano ng pagkilos para sa magagawa mo upang maanyayahan ang iba na magtipon sa Tagapagligtas, o sa madaling salita, upang lumapit kay Cristo sa pamamagitan ng paggawa at pagtupad ng mga tipan sa Kanya. Tiyaking isama ang mga partikular na hakbang na maaari mong gawin. Tutulungan ka nitong kumilos nang may pananampalataya. Ang isang paraan kung paano mo ito magagawa ay kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap:

    • Sa katapusan ng araw, ako ay

    • Sa buong linggong ito, ako ay