Seminary
2 Nephi 9:1–26: “Isang Walang Hanggang Pagbabayad-sala”


“2 Nephi 9:1–26: ‘Isang Walang Hanggang Pagbabayad-sala,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“2 Nephi 9:1–26,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

2 Nephi 9:1–26

“Isang Walang Hanggang Pagbabayad-sala”

He Lives [Siya’y Buhay], ni Simon Dewey

Itinuro ni Jacob sa mga Nephita ang tungkol sa mga kalagayan ng buong sangkatauhan dahil sa Pagkahulog nina Adan at Eva. Nagpatotoo siya na tanging sa pamamagitan lamang ni Jesucristo at ng Kanyang nakatutubos na kapangyarihan madaraig ng sangkatauhan ang espirituwal at pisikal na kamatayan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mas mapahalagahan ang tungkulin ni Jesucristo sa pagtulong sa atin na madaig ang kasalanan at kamatayan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Isang mahirap na sitwasyon

Isipin kung paano mo tutugunan ang mga sumusunod na sitwasyon:

Noong Agosto 5, 2010, 33 minerong Chilean ang nakulong nang gumuho ang malaking bato sa loob ng minahan. Nakulong sila sa isang maliit at ligtas na lugar at sa mga butas ng minahan sa ilalim ng guho, na 2,300 talampakan (700 m) ang lalim sa ilalim ng lupa.

Mukhang malabo ang sitwasyon. Nawalay sila sa tahanan at pamilya nang halos kalahating milya ng di-matinag na malaking bato sa ibabaw, at kakaunti ang suplay nila ng pagkain at tubig. Bagama’t may mga kagamitan at kaalaman sila, dahil hindi matatag ang minahan hindi nila mailigtas ang kanilang sarili. Ang tanging pag-asa nila ay matagpuan sila at masagip. (Connie Goulding, “Paghahangad na Masagip,” Liahona, Hunyo 2015, 63)

  • Kung ikaw ang nasa sitwasyong ito, ano kaya ang naisip o nadama mo?

  • Ano ang ilang bagay kung saan kailangan nating masagip na hindi natin kakayaning daigin nang mag-isa?

Dahil sa Pagkahulog nina Adan at Eva, lahat ay daranas ng kamatayang pisikal at espirituwal. Ang kamatayang espirituwal ay tumutukoy sa pagkawalay sa Diyos na nararanasan natin dahil sa kasalanan.

Basahin ang 2 Nephi 9:10, at alamin kung ano ang inihambing ni Jacob sa pisikal at espirituwal na kamatayan.

  • Sa iyong palagay, bakit inilarawan ni Jacob ang kamatayan (kamatayan ng katawan) at impiyerno (kamatayan ng espiritu na bunga ng kasalanang hindi napagsisihan), bilang “kakila-kilabot na halimaw”?

Isipin kung ano ang mangyayari sa buhay kung hindi tayo maililigtas mula sa pisikal at espirituwal na kamatayan. Isipin kung paano mo maaaring iparating sa isang tao na kailangan natin ng isang Manunubos na sasagip sa atin mula sa pisikal at espirituwal na kamatayan. Habang patuloy kang nag-aaral, pagnilayan ang nadarama mo kay Jesucristo, na tumutulong sa atin na madaig ang mga kalagayang ito sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala.

Itinuro ni Jacob ang tungkol sa tungkulin ng Tagapagligtas sa pagliligtas sa atin mula sa kasalanan at kamatayan

icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod na aktibidad sa pag-aaral

Gumawa ng chart na may mga sumusunod na heading sa iyong study journal. Pag-aralan ang mga talatang nakalista sa bawat column at itala ang iyong mga ideya sa iyong chart. Patuloy na magdagdag ng mga ideya sa iyong chart sa buong lesson.

Kung walang Tagapagligtas … (2 Nephi 9:7–9)

Dahil may Tagapagligtas … (2 Nephi 9:10–13)

Maaari mong idagdag ang iba mo pang mga ideya sa iyong chart.

2:15

Why We Need a Savior

What would life be like without a Savior? There would be no joy, no forgiveness, no hope for the future. This Christmas, learn more about the hope, peace and happiness our Savior Jesus Christ can bring into our lives at christmas.mormon.org.

  • Ano ang naisip o nadama ninyo tungkol kay Jesucristo habang pinag-aaralan ninyo ang mga talatang ito?

Ang isang katotohanan na nagbubuod sa mga turo ni Jacob sa mga talatang napag-aralan mo ay sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, tinutulungan tayo ni Jesucristo na madaig ang kasalanan at kamatayan.

  • Paano makakaapekto sa iyong buhay ang pag-unawa sa katotohanang ito?

  • Kailan naging pinakamakabuluhan sa iyo ang kaalaman tungkol sa tagumpay ni Jesucristo laban sa kasalanan at kamatayan?

Pagpiling tanggapin ang pagsagip

Alalahanin ang salaysay tungkol sa mga minerong Chilean mula sa umpisa ng lesson. Habang pinag-aaralan mo ang tungkol sa natitirang bahagi ng kanilang kuwento, isipin ang mga pagkakatulad ng kanilang karanasan at ng pagsagip sa atin mula sa pisikal at espirituwal na kamatayan.

Mahigit dalawang linggo matapos makulong ang mga minero, nakahanap ng paraan ang mga tagasagip upang mabigyan sila ng pagkain, tubig, at mga suplay. Halos dalawang buwan kalaunan, sa wakas ay nakagawa na ang mga tagasagip ng sapat na daanang may sapat na laki upang makapagbaba ng isang maliit na kapsula na maaaring magligtas sa mga minero nang paisa-isa. Bawat minero ay sumakay sa kapsula at [kusang ipinasiya na sumunod sa] plano ng pagsagip at sa mga tagasagip upang mailigtas. Matapos makulong nang 69 na araw, bawat isa sa mga minero ay nasagip (tingnan sa Connie Goulding, “Paghahangad na Masagip,” Liahona, Hunyo 2015, 63–65).

  • Anong mga pagkakatulad ang nakikita ninyo sa kuwentong ito at sa Tagapagligtas na nagliligtas sa atin mula sa kasalanan at kamatayan?

  • Ano ang iisipin ninyo kung tumanggi ang isa sa mga nakulong na minero na pumasok sa kapsula na pangsagip? Bakit?

Bagama’t ang kaligtasan mula sa pisikal na kamatayan ay isang kaloob na inihahandog ng Tagapagligtas sa buong sangkatauhan, ang kaligtasan natin mula sa kamatayang espirituwal ay nakabatay rin sa ating mga hangarin at ginagawa.

Basahin ang 2 Nephi 9:21–24 at alamin ang mga pagpiling dapat nating gawin upang mailigtas tayo ng Tagapagligtas mula sa kamatayang espirituwal. Isiping itala ang mga karagdagang kaalaman na matututuhan mo tungkol sa Tagapagligtas sa pangalawang column ng iyong chart.

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa dapat nating gawin upang mailigtas tayo ng Tagapagligtas mula sa kamatayang espirituwal?

  • Sa iyong palagay, bakit tayo ay “di maaaring maligtas sa kaharian ng Diyos” kung hindi natin gagawin ang mga bagay na ito?

Pag-isipan sandali ang natutuhan mo ngayon tungkol kay Jesucristo at sa nagawa Niya para sa iyo. Maaari mong itala ang anumang ideya o impresyon mo o isama ang iyong pasasalamat sa ating mapagmahal na Tagapagligtas.