“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 5: Isaulo ang mga Reperensyang Banal na Kasulatan at Mahahalagang Parirala,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 5,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 5
Isaulo ang mga Reperensyang Banal na Kasulatan at Mahahalagang Parirala
Ang pag-alala sa mga scripture passage at sa itinuturo ng mga ito ay makatutulong sa iyo sa maraming paraan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala para sa mga doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon.
Pag-alaala
-
Ano ang isang bagay na sa palagay mo ay lagi mong maaalala? Bakit?
Itinuro ni Elder Gerrit W. Gong ng Korum ng Labindalawang Apostol na “inaanyayahan tayo ng Tagapagligtas na lagi Siyang alalahanin tulad ng pag-alaala Niya sa atin” (“Lagi Siyang Aalalahanin,” Liahona, Mayo 2016, 110).
-
Bakit kaya nais ng Ama sa Langit na lagi nating aalalahanin ang Kanyang Anak?
-
Ano ang ilang paraan na naaalala mo si Jesucristo sa bawat araw?
-
Paano naging pagpapala sa iyong buhay ang pag-alaala sa Tagapagligtas at sa lahat ng ginawa Niya?
Ang isang mahalagang paraan kung paano mo maaalala si Jesucristo ay isaulo ang Kanyang mga turo sa mga banal na kasulatan. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong isaulo ang ilan sa mga doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na nasa sumusunod na chart. Habang isinasaulo mo ito, isipin kung paano makatutulong sa iyo ang mga reperensya at mahahalagang pariralang ito na mas maalala si Jesucristo sa bawat araw.
Maaari mong markahan ang mga scripture passage na ito kasama ng mahahalagang parirala ng mga ito kung hindi mo pa ito nagagawa.
Paghaluin at pagtugmain
Reperensyang Banal na Kasulatan |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
---|---|
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kinakailangan kayong laging manalangin.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.” |
Tumukoy ng apat na scripture passage na sa palagay mo ay pinakamakatutulong sa iyo na maalala si Jesucristo ngayon sa iyong buhay, at isipin kung bakit ganoon ang pakiramdam mo. Pagkatapos ay gawin ang sumusunod na aktibidad. Maaari kang gumawa ng katulad na aktibidad gamit ang Doctrinal Mastery mobile app.
-
Gupitin ang isang papel sa apat na piraso na magkakapareho ang laki. Para sa bawat doctrinal mastery passage na pinili mo, gawin ang mga sumusunod:
-
Isulat ang reperensyang banal na kasulatan at ang kaugnay nitong mahalagang parirala sa isang piraso ng papel.
-
Gupitin ang mahalagang parirala, at ihiwalay ito sa reperensya, tulad sa halimbawa sa ibaba (pagputol sa simbolong “/”):
2 Nephi 26:33 / “Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”
-
-
Kapag mayroon kang isang set ng apat na reperensya at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, pagsama-samahin ang mga papel at paghalu-haluin ang lahat ng ito.
-
Subukang itugma ang bawat reperensyang banal na kasulatan sa mahalagang parirala nito nang hindi tumitingin sa anumang bagay na makatutulong sa iyo. Maaari mo itong gawin nang dalawa o tatlong beses. Maaari mong orasan ang iyong sarili at subukang bilisan sa bawat pagkakataon.
-
Gawin pang mas mahirap sa pamamagitan ng pagputol ng mga parirala tulad sa mga halimbawa sa ibaba:
2 Nephi 28:30 / Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao / ng taludtod sa taludtod, / ng tuntunin sa tuntunin.”
2 Nephi 32:3 / “Magpakabusog kayo / sa mga salita ni Cristo; / sapagkat masdan, / ang mga salita ni Cristo / ang magsasabi sa inyo / ng lahat ng bagay / na dapat ninyong gawin.”
-
Paghalu-haluin ang mga salita at numero, at pagkatapos ay subukang ayusin ang mga ito nang tama. Maaari mong piliing paghalu-haluin ang lahat ng reperensya at parirala nang magkakasama, o maaari mong gawin ito nang paisa-isang scripture passage. Maaari mo itong gawin nang dalawa o tatlong beses. Maaari mong orasan ang iyong sarili at subukang bilisan sa bawat pagkakataon.
-
Kung marami ka pang oras, pumili ng ilan pang doctrinal mastery passage at ulitin ang proseso.