“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 8: Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 8,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 8
Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
Ang pagsasaulo sa mga scripture passage at sa itinuturo ng mga ito ay makatutulong sa iyo sa maraming paraan. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang maisaulo ang isa o mahigit pang scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa unang 12 doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon.
Mga larawan at alaala
Pag-aralan ang mga larawang ito at pag-isipan kung paano mo sasagutin ang sumusunod na tanong.
-
Ano ang ilang bagay na maaari nating matutuhan tungkol kay Jesucristo mula sa nakikita natin sa mga larawang ito?
Ang mga larawan ay makatutulong sa atin na maalala ang mahahalagang pangyayari o katotohanan. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong gumamit ng mga larawan upang matulungan kang maisaulo ang scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa isa o mahigit pang doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon.
Ang unang 12 doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon ay nakalista sa ibaba. Maaari mong markahan ang mga passage na ito at ang mahahalagang parirala ng mga ito.
Scripture Reference |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
---|---|
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kinakailangan kayong laging manalangin.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.” |