Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 16: Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 16: Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 16,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 16

Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage

grupo ng masasayang kabataan

Ang matutuhang ipamuhay ang mga salita ng Panginoon sa mga banal na kasulatan ay magpapala sa iyo sa maraming paraan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maipamuhay ang mga katotohanan mula sa mga doctrinal mastery passage sa pangalawang bahagi ng Aklat ni Mormon.

Mga pagpapala ng pagsasabuhay ng mga banal na kasulatan

Sa sumusunod na pahayag, ibinahagi ni Pangulong Bonnie H. Cordon, Young Women General President, ang mga pagpapalang maaaring magmula sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Habang binabasa mo ang kanyang mga salita, pag-isipan ang pinakanapansin mo.

Kapag mas marami tayong binasang banal na kasulatan, lumilinaw ang ating isipan, lumalakas ang ating espiritu, nasasagot ang ating mga tanong, lalo tayong nagtitiwala sa Panginoon, at naitutuon natin ang ating buhay sa Kanya. (Bonnie H. Cordon, “Tumiwala Ka sa Panginoon at Huwag Kang Manalig sa Iyong Sariling Kaunawaan,” Liahona, Mayo 2017, 7)

  • Ano pang mga pagpapala ang matatanggap natin sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan?

Maaari nating maranasan ang ilan sa mga pagpapalang ito habang pinag-aaralan natin ang mga banal na kasulatan, ngunit maaari itong magpatuloy at madagdagan kapag ipinamuhay natin ang mga banal na kasulatan.

  • Ano ang ibig sabihin ng ipamuhay ang mga banal na kasulatan?

 ChurchofJesusChrist.org

1:0

Pagsasabuhay ng mga banal na kasulatan

Para sanayin ang pagsasabuhay ng mga banal na kasulatan, basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at pumili ng isa.

  1. Gusto ng isang binatilyo na magkaroon ng malakas na patotoo at mas mapalapit sa Panginoon.

  2. Nahihirapan ang isang dalagita dahil mayroon siyang masasamang gawi na hindi niya kayang daigin.

  3. Isang binatilyo ang nakadarama ng mababang pagpapahalaga sa sarili at nahihirapang madama ang pagmamahal ng Diyos para sa kanya.

Kung gugustuhin mo, maaari ka ring gumawa ng bagong sitwasyon na mas nauugnay sa iyong buhay o sa buhay ng mga kakilala mo.

icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod:

    Basahin ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa ibaba, at maghanap ng kahit isang bagay na sa palagay mo ay makatutulong sa tao sa sitwasyong pinili mo. Basahin ang buong passage, at gawin ang mga sumusunod:

    1. Tumukoy ng isang katotohanang itinuro sa passage na maaaring makatulong.

    2. Tumukoy ng isang paraan na maipapamuhay ng tao sa sitwasyon ang banal na kasulatan.

    3. Ipaliwanag ang mga pagpapalang maaari niyang maranasan kapag ipinamuhay niya ang banal na kasulatan sa gayong paraan.

    (Kung gusto mo, maaari mong ulitin ang pagsasanay na ito sa isa pang doctrinal mastery passage na maaaring makatulong sa sitwasyong pinili mo.)

Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Alma 7:11–13

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

Scripture Reference

Alma 34:9–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Scripture Reference

Alma 39:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

Scripture Reference

Alma 41:10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

Scripture Reference

Helaman 5:12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Scripture Reference

3 Nephi 11:10–11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

Scripture Reference

3 Nephi 12:48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

Scripture Reference

3 Nephi 27:20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

Scripture Reference

Eter 12:6

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

Scripture Reference

Eter 12:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Scripture Reference

Moroni 7:45–48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

Scripture Reference

Moroni 10:4–5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod:

    Balikan ang mga talata ng doctrinal mastery, at pumili ng isa na sa palagay mo ay magiging isang pagpapala sa iyo kapag ipinamuhay mo. Magdrowing ng simpleng larawan o isulat kung paano mo ipamumuhay ang banal na kasulatang iyon. Maaari mo ring isama ang isa o mahigit pang mga pagpapala na maaaring dumating dahil dito.

    Mangakong sundin ang pagsasabuhay na naisip mo.