“Helaman 11–12: Ang Cycle ng Kapalaluan,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Helaman 11–12,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Helaman 11–12
Ang Cycle ng Kapalaluan
Isa sa mga pattern sa buong Aklat ni Mormon ay nakakalimot ang mga tao sa Diyos at nagiging palalo kapag maayos ang lahat para sa kanila. Sa kabilang banda, ang mga tao ay madalas na magpakumbaba at bumaling sa Diyos kapag mahirap ang mga bagay-bagay. Napansin mo ba ang pattern na ito sa lipunan o sa iyong buhay? Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na makadama ng mas matinding hangarin na lalo pang magpakumbaba sa Diyos.
Mga Pattern
Tingnan ang mga sumusunod na numero. Sa loob ng 30 segundo, maghanap ng maraming numero hangga’t kaya mo ayon sa pagkakasunud-sunod, simula sa “1.”
-
Ilang numero ang nakita mo sa loob ng 30 segundo? May napansin ka bang pattern kung saan nakalagay ang mga numero?
May pattern sa mga numero sa chart. Kung magsisingit ka ng patayo at pahigang linya sa gitna ng chart para gumawa ng apat na magkakaparehong quadrant, makikita mo na ang mga numero ay sumusunod sa clockwise pattern, tulad ng ipinapakita ng arrow. Halimbawa, ang “1” ay nasa kaliwang quadrant sa itaas, ang “2” ay nasa kanan sa itaas, at iba pa.
Mag-ukol ng 30 pang segundo para ulitin ang hamon at makita ang kaibhang nagagawa ng pagsunod sa pattern.
-
Ano ang kahalagahan ng pagtukoy sa mga pattern na tulad nito?
Ang kakayahang makatukoy ng mga pattern ay isang kasanayan na makapagpapabuti sa iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Ang paggawa nito ay makatutulong sa iyo na mas maipamuhay ang nasa mga banal na kasulatan.
Sa lesson ngayon, matututuhan mo ang isang pattern na madalas tukuyin bilang cycle ng kapalaluan. Sa iyong pag-aaral, pag-isipan kung paano maaaring nangyayari ang pattern na iyon sa sarili mong buhay at kung ano ang magagawa mo para maiwasan ang kapalaluan at lalo pang magpakumbaba.
Ang cycle ng kapalaluan
Maaaring maalala mo na ang propeta si Nephi ay masigasig at hangad lamang na gawin ang kalooban ng Panginoon. Dahil dito, pinagkalooban siya ng Panginoon ng dakilang kapangyarihan at pinangakuan na “ang lahat ng bagay ay magagawa alinsunod sa [kanyang] salita” (Helaman 10:5). Ang mga pangyayaring naganap matapos ipagkaloob kay Nephi ang kapangyarihang ito ay makatutulong sa atin na makakita ng halimbawa ng cycle ng kapalaluan sa mga Nephita.
Basahin ang mga scripture passage sa diagram, simula sa Helaman 10:13–15. Maghanap ng mga salita o parirala na naglalarawan sa yugto ng cycle ng kapalaluan kung nasaan ang mga tao. Maaari mong markahan ang mga salita at pariralang iyon at isulat ang pangalan ng yugto sa mga margin ng iyong mga banal na kasulatan sa tabi ng mga kaugnay na talata.
-
Bakit makatutulong sa atin na malaman ang pattern na ito?
Isipin kung saan mo nakikita ang iyong sarili sa pattern na ito. Habang patuloy kang nag-aaral, isipin kung paano ka magiging mas mapagkumbaba at mas aasa sa Panginoon.
Matuto mula sa cycle ng kapalaluan
Matapos alisin ng Panginoon ang taggutom, umunlad ang mga tao. Gayunpaman, sa loob lamang ng ilang taon, ang mga tao ay muling naging palalo at nakaranas ng digmaan at paghihirap (tingnan sa Helaman 11:21–33). Sila ay napukaw na alalahanin ang Diyos ngunit agad silang naging palalo at masamang muli (tingnan sa Helaman 11:34–38).
Maaaring napansin mo sa iyong pag-aaral ng Aklat ni Mormon na may mga pagkakataon na tumigil ang propetang si Mormon sa kanyang pagbabahagi ng ilang salaysay upang tukuyin ang mga aral na matututuhan natin. Madalas siyang gumamit ng mga pariralang tulad ng “sa gayon nakikita natin” o “sa gayon natin mamamasdan.”
-
Batay sa napag-aralan ninyo tungkol sa mga Nephita sa Helaman 11, paano ninyo kukumpletuhin ang pahayag na ito: “At sa gayon natin mamamasdan …”?
Basahin ang Helaman 12:1–6, at alamin ang ilan sa mga konklusyon na ginawa ni Mormon matapos ibahagi ang salaysay na ito.
Ang isang katotohanan na makatutulong sa atin na manatili sa mas mabubuting bahagi ng cycle na ito ay kung pipiliin nating alalahanin ang Panginoon, magpakumbaba, at magsisi, maiiwasan natin ang kapalaluan at ang mga bunga nito.
Suriin ang iyong sarili
Isipin kung paano nauugnay sa iyo ang mga katotohanang napag-aralan mo ngayon. Ang sumusunod na self-assessment ay makatutulong dito. I-rate ang iyong pagsisikap sa mga sumusunod na aspeto sa scale na mula 1 hanggang 5, kung saan ang 1 ay “hindi kailanman” at ang 5 ay “palagi.”
-
Nakadarama at nagpapahayag ka ba ng pasasalamat sa Diyos at sa iba?
-
Naglalaan ka ba ng oras para sa Diyos araw-araw?
-
Pakiramdam mo ba ay resulta ng sarili mong mga pagsisikap ang iyong mga tagumpay?
-
Humihingi ka ba ng tulong at patnubay sa Diyos sa iyong buhay?
-
Pinakikitunguhan mo ba ang iba nang may kabaitan at paggalang?
-
Pinupulaan mo ba ang iba o hinuhusgahan mo ba sila nang masama?