Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 21: Unawain at Ipaliwanag


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 21: Unawain at Ipaliwanag,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 21,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 21

Unawain at Ipaliwanag

binatilyong nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Ang isang layunin ng doctrinal mastery ay matulungan kang maunawaan ang mga katotohanan ng ebanghelyo ng Tagapagligtas at maipaliwanag ang mga ito gamit ang sarili mong mga salita. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon na palalimin ang iyong pag-unawa at magpaliwanag ng mga katotohanan mula sa isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery passage mula sa Aklat ni Mormon.

Pag-unawa sa mga banal na kasulatan

Tingnan ang mga sumusunod na larawan:

larawan ng batang manlalaro ng soccer sa tabi ng larawan ng bihasang manlalaro ng soccer
  • Ano ang kailangan para maging propesyonal ang isang batang manlalaro ng soccer?

  • Paano nauugnay ang prosesong ito sa kakayahan nating maunawaan ang mga banal na kasulatan?

Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Para masulat sa inyong puso ang ebanghelyo, dapat ninyong malaman kung ano ito at lubos itong unawain. Ibig sabihin, pag-aralan ninyo ito. Kapag sinabi kong “pag-aralan,” higit pa ito sa pagbabasa. (D. Todd Christofferson, “Kapag Ikaw ay Nagbalik-loob,” Liahona, Mayo 2004, 11)

  • Paano nadagdagan ang iyong pag-unawa sa ebanghelyo sa buong buhay mo? Paano nakatulong ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan?

  • Ano ang ilang pamamaraan sa pag-aaral na ginamit mo para mapalalim ang iyong pag-unawa sa isang scripture passage o paksa ng ebanghelyo?

Para makakita ng mga halimbawa ng mga pamamaraan sa pag-aaral, maaari mong panoorin ang “Advice for Studying the Scriptures” (2:06) mula kay Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol.

2:3

Bagama’t maaaring pamilyar ka sa ilan sa mga doctrinal mastery passage at sa doktrinang itinuturo ng mga ito, nais ng Tagapagligtas na patuloy na madagdagan ang iyong pag-unawa. Kailangan mong pagsikapan ito. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong magamit ang mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan na makatutulong sa iyo na mas maunawaan ang mga doctrinal mastery passage.

Mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan

Rebyuhin sandali ang bawat isa sa mga sumusunod na doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni

Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Alma 7:11–13

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

Scripture Reference

Alma 34:9–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Scripture Reference

Alma 39:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

Scripture Reference

Alma 41:10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

Scripture Reference

Helaman 5:12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Scripture Reference

3 Nephi 11:10–11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

Scripture Reference

3 Nephi 12:48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

Scripture Reference

3 Nephi 27:20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

Scripture Reference

Eter 12:6

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

Scripture Reference

Eter 12:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Scripture Reference

Moroni 7:45–48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

Scripture Reference

Moroni 10:4–5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

Pumili ng isa sa mga doctrinal mastery scripture passage sa chart na ito na gusto mong mas maunawaan pa. Pagkatapos ay gamitin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan upang matulungan kang mas maunawaan ang passage na iyon. Maghandang ipaliwanag sa iba ang pinili mong banal na kasulatan.

Gawin ang aktibidad A, B, o C.

Aktibidad A: Mag-cross reference

Gamitin ang mga footnote sa banal na kasulatan, ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan, o iba pang resources para maghanap ng mga karagdagang banal na kasulatan na makadaragdag sa iyong pag-unawa sa isang passage. Maaari mong isulat ang cross-reference sa iyong mga banal na kasulatan malapit sa doctrinal mastery passage o i-link ito sa iyong Gospel Library app. Isulat sa iyong study journal o sa Gospel Library app ang mga cross-reference na pinili mo at ang isang natutuhan mo tungkol sa doctrinal mastery passage mula sa pag-aaral sa ganitong paraan.

Aktibidad B: Bigyang-kahulugan ang mga salita at mga parirala

Maghanap ng mga salita sa doctrinal mastery passage na gusto mong maunawaan pa. Hanapin ang mga kahulugan ng mga salita o pariralang iyon sa makukuhang resources, tulad ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan, , o karaniwang diksyunaryo. Isulat sa iyong study journal, sa mga margin ng banal na kasulatan, o sa Gospel Library app ang mga kahulugang natuklasan mo, pati na ang anumang bagong natutuhan mo tungkol sa doctrinal mastery passage.

Aktibidad C: Pag-unawa sa konteksto at nilalaman

Para maunawaan ang konteksto at nilalaman ng isang scripture passage, maaari mong basahin ang heading ng kabanata at mga kaugnay na talata ng passage na pinag-aaralan mo. Hangaring maunawaan kung sino ang nagsasalita at bakit. Maghanap ng mga clue para maunawaan ang sitwasyon o konteksto sa mga talata at ang pangunahing mensahe na sinisikap iparating ng may-akda. Isulat kung ano ang mas nauunawaan mo tungkol sa passage dahil sa pagninilay mo.

Kung may oras pa, subukang gumamit ng ibang kasanayan sa isa sa iba pang mga passage.

icon, isulat
  1. Isulat ang sumusunod:

    • Ang doctrinal mastery passage na pinili mong pag-aralan

    • Ang kasanayan sa pag-aaral ng banal na kasulatan na ginamit mo

    • Isa o mahigit pang kaalaman na natamo mo tungkol sa iyong doctrinal mastery passage

    • Paano makakaiimpluwensya ang natutuhan mo sa iyong ugnayan o naunawaan tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo