Seminary
3 Nephi 20–22: “Aking Titipuning Sama-sama ang Aking mga Tao”


“3 Nephi 20–22: ‘Aking Titipuning Sama-sama ang Aking mga Tao,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“3 Nephi 20–22,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

3 Nephi 20–22

“Aking Titipuning Sama-sama ang Aking mga Tao”

Si Jesucristo na nakaunat ang mga bisig

May naiisip ka bang isang pagkakataon sa iyong buhay kung saan nakatulong na may kasama kang ibang tao? Sa iyong palagay, bakit paulit-ulit na itinagubilin ng Panginoon sa Kanyang mga tao na magtipon sa pisikal at espirituwal na paraan? Sa panahon ng ministeryo ng Tagapagligtas sa mga Nephita, ipinahayag Niya na aalalahanin ng Ama sa Langit ang Kanyang tipan na tipunin ang nakalat na Israel. Inihayag Niya ang mga palatandaan upang tulungan tayong malaman kapag nagsimula na ang pagtitipon sa mga huling araw. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na makibahagi sa pagtitipon ng Israel.

Pagkakatipon

Isipin sandali ang mga sitwasyon kung saan nadama mo o ng mga kakilala mo ang kalungkutan, kawalan ng kaligtasan, o pakiramdam na hindi kabilang.

  • Paano maaaring makatulong ang pagiging bahagi ng isang grupo sa mga alalahaning ito?

  • Ano ang magiging mga kalamangan kapag nasa grupo ka na kasama ang Panginoon at ang mga sumusunod sa Kanya?

Isipin ang mga sumusunod na pahayag. I-rate kung gaano naaangkop sa iyo ang mga pahayag na ito, gamit ang “kadalasan,” “kung minsan,” o “bihira.”

  • Pakiramdam ko ay may ugnayan ako sa Panginoon at pinoprotektahan, tinutubos, at minamahal Niya ako.

  • Nauunawaan ko ang mga paraan na inaanyayahan ako ng Panginoon na lumapit sa Kanya at tanggapin ang mga pagpapalang ito.

  • Sinisikap kong tulungan ang iba na matipon sa Panginoon at makadama ng kaligtasan at pagiging kabilang.

Habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito, mag-isip ng mga paraan na hinahangad ng Panginoon na ligtas na matipon ka at ang iba pa sa Kanya at sa Kanyang Simbahan. Isipin kung paano mo matutulungan ang Panginoon sa Kanyang sagradong gawain ng pagtitipon.

“Aking titipunin”

Sa ikalawang araw ng pagdalaw ng Tagapagligtas sa lupain ng Amerika, matapos ipagdasal at pagpalain ng Tagapagligtas ang mga tao, mahimala Niyang pinangasiwaan ang sakramento sa kanila. Pagkatapos ay nagpropesiya Siya tungkol sa Kanyang mga pinagtipanang tao sa mga huling araw. Upang maunawaan ang Kanyang mga propesiya, mahalagang tandaan ang sumusunod:

  • Ipinangako noon ng Panginoon kay Abraham at sa kanyang mga inapo, kabilang na si Jacob (na nagngangalan ding Israel), na makakamtan nila ang lahat ng pagpapala ng ebanghelyo at ng priesthood (tingnan sa Abraham 2:6–11).

  • Ang mga inapo ng Israel, kabilang ang mga Nephita, ay ikinalat sa iba’t ibang dako ng mundo. Nangako ang Panginoon na titipunin silang muli upang matanggap ang mga pagpapala ng ebanghelyo.

  • Ang sinumang sasapi sa Simbahan na hindi literal na mga inapo ni Israel ay aampunin sa Israel at matatanggap ang lahat ng pagpapala ring iyon.

Basahin ang 3 Nephi 20:11–13, 18, 22, at alamin ang ipinangako ng Panginoon na gagawin Niya. Maaaring makatulong na malaman ang sumusunod:

  • Ano ang natuklasan mo?

Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa mga talatang ito ay tutuparin ng Diyos ang Kanyang tipan na tipunin ang sambahayan ni Israel sa mga huling araw.

Para matulungan kang makita kung paano na nasimulan ng Panginoon na tuparin ang tipang ito, sagutin ang mga sumusunod:

  • Ano ang ilang paraan na dinadala tayo ng Panginoon “sa kaalaman ng Panginoon … na siyang tumubos [sa atin]”? (3 Nephi 20:13).

  • Bagama’t ang mga propesiya tungkol sa Bagong Jerusalem ay matutupad sa Milenyo, paanong “ang kapangyarihan ng langit ay mapapasagitna [nila]” na mga sumusunod sa Tagapagligtas ngayon? (3 Nephi 20:22). Sa anong mga paraan “mapapasagitna” natin ang Panginoon? (3 Nephi 20:22).

  • Paano tayo matutulungan ng mga pagpapalang ito sa ating buhay (pati na kapag nadarama tayo ng kalungkutan, kawalan ng kaligtasan, o pakiramdam na hindi tayo kabilang)?

Mga palatandaan ng pagtitipon sa mga huling araw

Nangako ang Panginoon ng mga palatandaan sa ating panahon upang ipahiwatig na sinisimulan na Niyang tipunin ang Kanyang mga tao.

icon, isulat
  1. Matapos itugma ang mga sumusunod na reperensya sa mga tamang paliwanag ng mga ito, sagutin ang tanong sa ibaba.

    Matatagpuan ang mga sagot sa katapusan ng lesson.

  1. 3 Nephi 20:25–27

  1. Ang “dakila at kagila-gilalas na gawa,” o ang Pagpapanumbalik ng Simbahan ni Cristo sa pamamagitan ng Kanyang tagapaglingkod na si Joseph Smith, ay palatandaan ng pagtitipon.

  1. 3 Nephi 21:1–2, 7

  1. Ang paglabas ng Aklat ni Mormon, “ang mga bagay na ito na [ipinahayag ng Panginoon],” ay palatandaan na tinitipon ng Panginoon ang sambahayan ni Israel.

  1. 3 Nephi 21:9–11

  1. Sa pamamagitan ng mga nakipagtipan sa Panginoon, “lahat ng magkakamag-anak sa lupa ay pagpapalain.”

  • Sa palagay mo, bakit gusto ng Panginoon na malaman natin ang mga palatandaan ng Kanyang pagtitipon?

Paano ka natipon?

icon, isulat
  1. Sagutin ang sumusunod:

    • Paano nakatulong sa iyo ang isa sa mga sumusunod para matipon ka sa Panginoon at matamasa ang mga pagpapalang ibinibigay Niya?

      • Mga miyembro ng Simbahan na tumutupad sa kanilang mga tipan

      • Ang Aklat ni Mormon

      • Ang Simbahan

“Lahat ng magkakamag-anak sa lupa ay pagpapalain”

Bilang mga pinagtipanang miyembro ng Simbahan, responsibilidad nating tulungan ang “lahat ng magkakamag-anak sa lupa [na mapagpala]” sa pamamagitan ng ebanghelyo ni Jesucristo (3 Nephi 20:27). Ang sumusunod na mga aktibidad ay makatutulong sa iyo na pag-isipan kung paano tutulungan ang Panginoon sa Kanyang pagtitipon.

icon, isulat
  1. Gawin ang isa sa mga sumusunod:

    1. Magbasa nang ilang minuto sa Aklat ni Mormon, at hanapin ang mga talata o parirala na tumutulong sa iyo na lumapit sa Panginoon, madama ang Kanyang pagmamahal, at matamo ang mga pagpapalang ibinibigay Niya. Isulat ang mga reperensya o mahahalagang parirala sa iyong study journal. Mag-isip ng mga paraan na maaari mong ibahagi sa iba ang mga talatang ito.

    2. Ihanda kung ano ang maaari mong sabihin o isulat para maibahagi ang Aklat ni Mormon sa isang tao. Isama ang nadarama mo tungkol sa aklat at kung paano sa iyong palagay makatutulong ito sa kanila na mas mapalapit sa Tagapagligtas.

    3. Ihanda kung ano ang maaari mong sabihin para anyayahan ang isang tao na magsimba o dumalo sa aktibidad sa simbahan kasama mo. Isama ang mga ideya mo tungkol sa kung paano ito makatutulong sa kanila, lalo na kung paano ito makatutulong sa kanila na mas mapalapit sa Panginoon.

Habang nag-aaral ka ngayong linggo, mapanalanging pumili ng isang paraan na makatutulong ka sa pagtitipon ng Israel. Ilalahad ang iba pang mga ideya sa mga lesson sa hinaharap. Hingin ang patnubay ng Panginoon para malaman kung alin ang pinakamainam na magagawa mo.

Mga sagot sa aktibidad: 1-c, 2-b, 3-a