Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 20: Isaulo


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 20: Isaulo,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 20,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 20

Isaulo

dalagitang nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong isaulo ang mga doctrinal mastery reference at ang mahahalagang parirala ng mga ito at isaulo rin ang mga buong passage.

Matutularan natin ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan

ang Tagapagligtas
  • Ano ang ilang paraan na matutularan natin ang halimbawa ni Jesucristo?

Ang isang paraan na matutularan natin ang halimbawa ni Jesucristo ay sa pamamagitan ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan. Ginamit ng Tagapagligtas ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan upang mapaglabanan ang tukso (tingnan sa Mateo 4:1–11) at turuan ang iba (tingnan sa Lucas 24:27; 3 Nephi 22).

  • Ano ang ilang sitwasyon kung saan makatutulong ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan?

Habang isinasaulo mo ang mga doctrinal mastery scripture passage o mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, tandaan na tinutularan mo ang halimbawa ni Jesucristo.

Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni

Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Alma 7:11–13

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

Scripture Reference

Alma 34:9–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Scripture Reference

Alma 39:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

Scripture Reference

Alma 41:10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

Scripture Reference

Helaman 5:12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Scripture Reference

3 Nephi 11:10–11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

Scripture Reference

3 Nephi 12:48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

Scripture Reference

3 Nephi 27:20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

Scripture Reference

Eter 12:6

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

Scripture Reference

Eter 12:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Scripture Reference

Moroni 7:45–48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

Scripture Reference

Moroni 10:4–5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

Isipin ang sarili mong mga sitwasyon. Rebyuhin ang chart ng mga doctrinal mastery passage at pumili ng isa (o ilang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan) na sa palagay mo ay lubos na makatutulong sa iyo na maisaulo ngayon. Maaari mong gamitin ang isa sa mga sumusunod na paraan (o ang mga memorization feature sa Doctrinal Mastery app) para matulungan kang maisaulo ang passage (o mga parirala) na pinili mo.

  • Isulat ito: Mag-set ng timer nang tamang-tama lang (halimbawa, 30 segundo). Magsulat ng maraming passage hangga’t kaya mo nang hindi tumitingin sa mga banal na kasulatan o chart. I-set muli ang timer at magsulat pa. Ulitin ito hanggang sa maisulat mo ang buong scripture passage. Pagkatapos ay maaari mong subukang muli ang aktibidad para malaman kung maisusulat mo ito nang mas mabilis.

  • Mga unang titik: Isulat sa iyong study journal ang buong reference at passage na pinili mo. Sa tabi nito, isulat ang unang titik mula sa bawat salita. Basahin ang kumpletong passage nang ilang beses. Pagkatapos ay takpan ang passage at subukang gamitin lamang ang mga unang titik para ulitin ang reperensya at passage (tingnan ang buong passage kung kinakailangan). Gawin ito nang ilang beses hanggang sa maulit mo nang walang kopya ang passage.

  • Paisa-isang parirala: Una, hatiin ang reperensya at passage sa ilang mas maliliit na parirala. Pagkatapos ay isaulo ang unang parirala sa passage sa pamamagitan ng pag-uulit nito o pagsusulat nito nang ilang beses. Pagkatapos ay gawin din ito sa pangalawang parirala. Ulitin ang prosesong ito hanggang sa maisaulo mo ang buong reference at passage.

Pagrerebyu

icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod:

    Sumulat ng maikling liham sa iyong titser. Isama ang sumusunod:

    • Ang scripture passage o mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na sinikap mong isaulo at kung anong mga paraan sa pagsasaulo ang ginamit mo

    • Ang mga sitwasyong nararanasan mo ngayon o mararanasan mo sa hinaharap kung saan makatutulong ang pagsasaulo ng passage o mahahalagang parirala na ito

    • Ang mga saloobin mo sa kung paano makatutulong sa iyo ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan upang matularan ang halimbawa ni Jesucristo

Maghanap ng mga pagkakataong ulitin nang madalas ang naisaulong scripture reference at passage (o mahahalagang parirala).