Seminary
3 Nephi 18:15–39; 19:19–29: “Laging Manalangin”


“3 Nephi 18:15–39; 19:19–29: ‘Laging Manalangin,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“3 Nephi 18:15–39; 19:19–29,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

3 Nephi 18:15–39; 19:19–29

“Laging Manalangin”

si Jesuristo na nananalangin sa lupain ng Amerika

Maraming tao ang nagdarasal araw-araw. Ang ilang panalangin ay maaaring mas makabuluhan kaysa sa iba. Hindi lamang itinuro ni Jesucristo sa Kanyang mga tagasunod na “lagi kayong manalangin sa Ama” (3 Nephi 18:19), kundi ipinakita rin Niya sa kanila kung paano manalangin. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na masunod ang mga turo at halimbawa ni Jesucristo na laging manalangin at magkaroon ng mas makabuluhang mga panalangin.

Mga Halimbawa

Mag-isip ng isang talento, kasanayan, o katangian na gusto mong taglayin. Tukuyin ang mga taong kilala mo na may ganoong talento, kasanayan, o katangian. Gamit ang mga naisip mo, punan ang mga sumusunod na patlang sa ilang iba’t ibang paraan:

  • Kung gusto kong matutuhan ang tungkol sa , tutularan ko ang halimbawa ni dahil .

Ulitin ang aktibidad sa pamamagitan ng pagpunan sa unang patlang ng sumusunod na pangungusap ng isang bagay na gusto mong matutuhan mula sa Tagapagligtas at ilagay ang dahilan sa huling patlang.

  • Kung gusto kong matutuhan ang tungkol sa , tutularan ko ang halimbawa ni Jesucristo dahil .

Sa panahon ng Kanyang ministeryo sa lupain ng Amerika, tinuruan ng Tagapagligtas ang mga tao sa pamamagitan ng salita at halimbawa.

Basahin ang 3 Nephi 18:16, 24, at alamin ang isang halimbawa na ipinakita ni Jesus.

  • Ano ang nais ng Tagapagligtas na matutuhan ng mga tao mula sa Kanyang halimbawa?

Bago tingnan ang mga turo at halimbawa ng Tagapagligtas, suriin ang iyong mga personal na panalangin.

I-rate ang mga sumusunod gamit ang scale na mula 1 hanggang 5, kung saan ang 5 ang pinakamataas:

  • Nagnanalangin ako araw-araw.

  • Nakikipag-ugnayan ako at napapalapit ako sa Ama sa Langit kapag nagdarasal ako.

  • Nais kong mas maging taimtim ang aking mga personal na panalangin.

Habang patuloy mong pinag-aaralan ang 3 Nephi 18, hangarin ang inspirasyon ng Espiritu Santo para tulungan kang malaman kung ano ang magagawa mo para mas mapataimtim ang iyong mga personal na panalangin. Sundin ang mga turo at halimbawa ni Jesucristo habang sinisikap mong magpakabuti pa.

Ang mga turo ng Tagapagligtas tungkol sa panalangin

Basahin ang 3 Nephi 18:15, 18–23, at alamin kung ano ang itinuro ng Tagapagligtas tungkol sa panalangin. Maaari mo ring basahin ang tagubilin ng Tagapagligtas tungkol sa panalangin mula sa Kanyang sermon sa templo sa 3 Nephi 13:5–13.

icon, isulat
  1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

    • Alin sa mga turo ni Jesus tungkol sa panalangin ang sa palagay mo ay makatutulong nang lubos sa iyo? Bakit?

Ang halimbawa ng Tagapagligtas sa panalangin

Isipin kung ano ang mararamdaman mo kapag narinig mong ipinagdarasal ka ng Tagapagligtas. Ano sa palagay mo ang ipagdarasal Niya para sa iyo? Isipin kung ano ang maaaring madama mo at kung paano makakaapekto ang mga ito sa sarili mong mga panalangin.

Basahin ang dalawang sumusunod na passage mula sa 3 Nephi 19 at ang isa pang passage na pipiliin mo. Alamin kung ano ang matututuhan mo mula sa halimbawa ng Tagapagligtas sa panalangin.

Maaari mo ring panoorin ang video na “Naglingkod ang mga Disipulo at Nagdasal si Jesucristo para sa mga Tao” mula sa time code na 3:05 hanggang 7:18, na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, at sumabay sa pagbabasa ng mga talata sa 3 Nephi 19.

7:30
icon, isulat
  1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

    • Ano ang natutuhan mo tungkol sa panalangin mula sa halimbawa ng Tagapagligtas?

    • Ano ang natutuhan mo tungkol sa nadarama ng Tagapagligtas tungkol sa iyo?

    • Sa iyong palagay, paano makagagawa ng kaibhan sa iyong mga panalangin ang tularan ang Kanyang halimbawa?

Ang ating mga personal na panalangin

Pumili ng kahit isa sa mga turo ng Tagapagligtas o isang bagay na ipinakita Niya sa panalangin na maaari mong isama sa iyong mga personal na panalangin. Gumawa ng isang paalala at simulang gawin ito ngayon. Habang ginagawa mo ito, pansinin kung paano ito nakatutulong para maging mas makabuluhan ang iyong mga panalangin at kung paano nito naiimpluwensyahan ang iyong ugnayan sa Ama sa Langit.

icon, recordMaaari mong idagdag ang ilan sa natutuhan mo ngayon sa iyong journal entry na “Pag-aaral ng tungkol kay Jesucristo sa 3 Nephi.”