Seminary
3 Nephi 17: “Ako ay Nahahabag sa Inyo”


“3 Nephi 17: ‘Ako ay Nahahabag sa Inyo,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“3 Nephi 17,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

3 Nephi 17

“Ako ay Nahahabag sa Inyo”

pinagagaling ni Cristo ang isang babae

Mahaba na ang naging araw para sa maraming Nephita nang ibalita ng Tagapagligtas na panahon na para umalis Siya. Gayunpaman, ang mga luha at pananabik ng maraming tao na mananatili Siya nang mas matagal ay umantig sa Kanyang puso. Sa kagila-gilalas na pagpapakita ng habag, pinagaling Niya sila, nanalangin Siya kasama nila, at isa-isa Niyang binasbasan ang kanilang mga anak. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na madama ang pagkahabag ni Jesucristo para sa iyo.

Ang pananaw ng Tagapagligtas

Ipagpalagay na nakasama mo ang Tagapagligtas nang buong araw at sinabi Niya na oras na para umalis Siya.

Maaari mong panoorin ang “Naglingkod si Jesucristo at ang mga Anghel nang may Habag” mula sa time code na 0:12 hanggang 1:30, matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

11:58
  • Ano kaya ang mararamdaman mo sa sitwasyong ito?

Nitong nakaraang dalawang linggo, pinag-aralan mo ang mga ginawa at itinuro ng Tagapagligtas sa mga Nephita nang una Siyang magpakita sa kanila sa 3 Nephi 11–16. Isipin kung ano ang ginawa ni Jesucristo sa mga Nephita para ipakita ang Kanyang pagmamahal. Maaaring makatulong sa iyong makaalala ang pagrerebyu ng isinulat mo sa iyong study journal sa ilalim ng “Pag-aaral ng tungkol kay Jesucristo sa 3 Nephi.”

  • Paano ipinakita ng mga ginawa ng Tagapagligtas ang Kanyang pagmamahal sa mga Nephita?

Ngayon ay mas marami ka pang mababasa tungkol sa kung paano ipinakita ng Tagapagligtas ang Kanyang pagkahabag na puno ng pagmamahal sa mga Nephita. Habang nag-aaral ka, isipin kung ano ang itinuturo ng Kanyang mga ginawa tungkol sa Kanyang pagkatao. Bigyang-pansin ang nadarama mo tungkol sa Kanya.

Maaaring makatulong na malaman na lahat ng pangyayaring nakatala sa 3 Nephi 11–17 ay nangyari sa isang araw.

Basahin ang 3 Nephi 17:1–6, at alamin kung ano ang matututuhan mo tungkol kay Jesucristo mula sa Kanyang mga salita at ginawa.

  • Ano ang nalaman mo sa mga talatang ito?

Maaaring may natukoy kang katotohanan na tulad ng sumusunod: Si Jesucristo ay puspos ng pagkahabag sa akin. Maaari mong isulat ang katotohanang ito malapit sa talata 6.

Itinuro ni Elder Ulisses Soares ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Mahalagang pansinin na ang pagpapakita ni Jesus ng habag ay hindi paminsan-minsan o kinailangang ipakita batay sa listahan ng mga gawaing dapat tapusin kundi mga araw-araw na pagpapakita ng Kanyang dalisay na pagmamahal sa Diyos at sa Kanyang mga anak at ng Kanyang walang-maliw na hangaring tulungan sila. (Ulisses Soares, “Ang Walang-Maliw na Pagkahabag ng Tagapagligtas,” Liahona, Nob. 2021, 14)

  • Sa sarili mong mga salita, ano ang itinuturo ni Elder Soares tungkol sa pagkahabag ng Tagapagligtas?

Ang pagkahabag ng Tagapagligtas

Ipinapakita ng natitirang bahagi ng 3 Nephi 17 ang mahabaging katangian ng Tagapagligtas. Alalahanin na ang ginawa ni Jesucristo sa 3 Nephi 17 ay nangyari dahil nahiwatigan Niya ang mabubuting hangarin ng mga Nephita at talagang gusto Niyang makasama sila at pagpalain sila.

icon, recordPag-aralan nang mabuti ang bawat isa sa mga sumusunod na passage at isipin kung ano kaya ang pakiramdam kung naroon ka. Anyayahan ang Espiritu Santo na turuan ka habang nagbabasa at nagbubulay-bulay ka. Isulat ang mga naiisip at nadarama mo sa iyong study journal sa ilalim ng “Pag-aaral ng tungkol kay Jesucristo sa 3 Nephi.”

Upang matulungan ang mga estudyante na mailarawan sa isipan at madama ang Espiritu Santo na nagpapatotoo sa natutuhan nila sa 3 Nephi 17, maaari mong ipapanood ang video na “Naglingkod si Jesucristo at ang mga Anghel nang may Habag” mula sa time code na 1:30 hanggang 11:45.

Upang matulungan kang mailarawan sa isipan ang natutuhan mo sa 3 Nephi 17, maaari mong panoorin ang “Naglingkod si Jesucristo at ang mga Anghel nang may Habag” mula sa time code na 1:30 hanggang 11:45.

11:58
icon, isulat
  1. Sagutin ang kahit dalawa sa mga sumusunod na tanong:

    • Kung naroon ka, paano maiimpluwensyahan ng karanasang ito ang iyong ugnayan sa iyong Tagapagligtas na si Jesucristo?

    • Sa iyong palagay, paano nagpapakita ng pagkahabag si Jesucristo sa atin ngayon?

    • Ano ang nahihikayat kang gawin upang maipahayag ang iyong pagmamahal kay Jesucristo?