Seminary
Eter 3: “Labis na Pananampalataya”


“Eter 3: ‘Labis na Pananampalataya,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Eter 3,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Eter 3

“Labis na Pananampalataya”

nakita ng kapatid ni Jared ang daliri ng Panginoon

Napag-isipan mo na ba talaga ang pagbabagong magagawa ng pananampalataya kay Jesucristo sa ating buhay? Ang isang magandang halimbawa ay ang kapatid ni Jared, na dumulog sa Panginoon na may plano na lutasin ang kanyang mga problema at mapagpakumbabang nanalangin nang may “labis na pananampalataya” (Eter 3:9) na “ang tabing ay naalis sa [kanyang] mga mata” (Eter 3:6) at nakita at nakausap niya ang Panginoon. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang manampalataya nang may pagpapakumbaba kay Jesucristo.

Paano mo ipinapakita ang iyong pananampalataya?

Gumawa ng listahan ng tatlong taong hinahangaan mo sa kasaysayan ng Simbahan o sa mga banal na kasulatan.

  • Ano ang ilang paraan na nagpakita ang mga taong ito ng pananampalataya kay Jesucristo?

  • Paano mo masasabi kung nananampalataya ka kay Jesucristo sa iyong buhay?

  • Bakit mo gustong manampalataya?

Upang matulungan kang mapag-isipan ang sarili mong pananampalataya kay Jesucristo, isulat kung gaano katotoo ang mga sumusunod na pahayag sa scale na 1–5 (1 = hindi kailanman; 2 = kung minsan; 3 = madalas; 4 = halos palagi; 5 = palagi):

  • Naniniwala ako kay Jesucristo at tinatanggap ko Siya bilang aking Tagapagligtas.

  • Sa pagdarasal nang taimtim sa Ama sa Langit, hinihiling ko na tulungan ako ng Diyos at ni Jesucristo sa aking mga problema at nagtitiwala ako sa Kanilang patnubay at tulong.

  • Kumikilos ako at nagtitiwala na tutulungan ako ng Panginoon.

Habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito, hangaring matuto pa tungkol sa kung paano ka mapagpakumbabang mananampalataya kay Jesucristo at kung bakit gusto mong gawin ito.

Pagpapakita ng Pananampalataya

Sa nakaraang lesson, nalaman mo na iniutos ng Panginoon sa kapatid ni Jared na gumawa ng mga gabara at tawirin ang karagatan patungo sa lupang pangako; gayunman, walang ilaw ang mga gabara. Sinabi ng Panginoon sa kapatid ni Jared na magmungkahi ng solusyon (tingnan sa Eter 2:23). Nang kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo ang kapatid ni Jared, tumulong ang Panginoon na lutasin ang kanyang problema at pinagpala siya sa mga paraang higit pa sa hiniling niya.

Ang Pananampalataya ng Kapatid ni Jared

Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)—“Eter 3: ‘Labis na Pananampalataya’”

Basahin ang mga talata sa ilalim ng bawat isa sa mga sumusunod na larawan at isulat kung ano ang ginawa o sinabi ng kapatid ni Jared para magpakita ng pananampalataya. (Upang maunawaan ang Eter 3:2–3, mahalagang maunawaan na dahil sa Pagkahulog nina Adan at Eva, nabubuhay tayo sa mundo kung saan pisikal na nahiwalay tayo sa Diyos at lahat tayo ay nagkakasala at espirituwal na inihihiwalay ang ating sarili sa Diyos.)

Eter 3:1

ang kapatid ni Jared na umaakyat ng bundok

Eter 3:2–5

ang kapatid ni Jared na nananalangin sa isang bundok

Eter 3:6–10

nakita ng kapatid ni Jared ang daliri ng Panginoon

Eter 3:11–16, 19–20

ang kapatid ni Jared na nakikipag-usap sa Panginoon
icon, isulat
  1. Sagutin ang sumusunod na tanong:

    • Ano ang natutuhan mo mula sa karanasan ng kapatid ni Jared?

Ang isang alituntunin na matututuhan natin ay kapag mapagpakumbaba tayong sumampalataya sa Panginoon, mas mapapalapit tayo sa Kanya.

icon, isulat
  1. Upang matulungan ka na mas maunawaan ang pananampalataya ng kapatid ni Jared, gawin ang dalawa sa sumusunod na mga aktibidad:

    1. Ang kapatid ni Jared ay “tumunaw mula sa isang malaking bato ng labing-anim na maliliit na bato,” dinala ang mga ito sa “itaas ng bundok, at muling nagsumamo sa Panginoon” (Eter 3:1). Isulat kung bakit sa palagay mo ay mahalagang bahagi ng ating pananampalataya sa Panginoon ang pagiging handa mong kumilos at gawin ang ating makakaya para malutas ang problema.

    2. Habang nananalangin ang kapatid ni Jared, binanggit niya ang “kanyang kahinaan sa harapan [ng Diyos]” (Eter 3:2) at mapagpakumbabang humingi ng tulong. Isulat kung paano makakaapekto sa ating mga panalangin at pananampalataya sa Kanya ang pag-unawa sa ating sariling kahinaan at lubos na pag-asa sa Panginoon.

    3. Nang hilingin ng kapatid ni Jared sa Panginoon na hipuin ang mga bato upang kuminang ang mga ito, pinatotohanan niya, “Nalalaman ko, O Panginoon, na taglay ninyo ang lahat ng kapangyarihan, at magagawa ang anumang naisin ninyo para sa kapakanan ng tao” (Eter 3:4). Isulat kung paano mo nalaman o maaaring malaman na may kapangyarihan ang Panginoon na tulungan tayo sa ating mga problema. Maaari mong isama kung paano makakaapekto ang kaalamang iyan sa ating pananampalataya sa Kanya.

    4. Nangako ang kapatid ni Jared na maniniwala siya sa mga salitang sasabihin ng Panginoon sa hinaharap (tingnan sa Eter 3:11–12). Isulat kung bakit sa palagay mo ay napakalaki ng tiwala ng kapatid ni Jared sa Panginoon kaya pumayag siya rito.

Paglapit sa Panginoon

  • Ano ang iba’t ibang paraan na pinagpala ng Panginoon ang kapatid ni Jared dahil sa kanyang pananampalataya?

  • Sa paanong paraan mas napalapit ang kapatid ni Jared sa Panginoon sa pamamagitan ng karanasang ito?

Makatutulong na markahan ang mga salita ng Panginoon sa kapatid ni Jared: “Natubos ka na sa pagkahulog; anupa’t naibalik ka sa aking harapan” (Eter 3:13). Kapag sumasampalataya tayo sa Panginoon sa kabila ng ating mga problema, matatanggap din natin ang Kanyang tulong sa ating walang-hanggang mithiin na madaig ang ating pagkawalay sa Kanya at makabalik sa piling Niya.

Panoorin o basahin ang isa sa mga sumusunod na halimbawa ng mga kabataan na sumasampalataya.

  • Panoorin ang “Faith and the Goal” (4:40). Ikinuwento ng isang batang propesyonal na soccer player kung paano siya sumasampalataya sa Panginoon.

    4:39
  • Panoorin ang “Rebuilding My Faith When I Felt Lost” (6:25). Matapos bumalik nang maaga mula sa misyon, muling pinatatag ng isang binata ang kanyang pananampalataya kay Jesucristo.

    0:0
  • Basahin ang salaysay tungkol kay Jan Roothoff, isang batang lalaki sa Netherlands na humiling sa propetang si Joseph F. Smith na pagalingin ang kanyang sakit sa mata (Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 3, Magiting, Marangal, at Malaya, 1893–1955 [2022], 151–54).

icon, isulat
  1. Sagutin ang sumusunod na tanong:

    • Ano ang mga naranasan mo o ng kakilala mo na nakapagpalakas sa iyong pananampalataya kay Jesucristo?

    Tapusin ang klase sa pagsulat ng isang paraan na gusto mong mas sumampalataya kay Jesucristo at bakit. Ang sumusunod ay ilang pangkalahatang ideya na makatutulong sa iyo na makumpleto ang aktibidad na ito. Kakailanganin mong magdagdag ng mga detalye na naaangkop sa iyo.

    • Gawin ang isang partikular na bagay para lutasin ang isang problema at hingin ang tulong ng Panginoon.

    • Gawing layunin ang manalangin nang mas mapagkumbaba at magtiwala sa Panginoon.

    • Aktibong gumawa ng isang bagay para mas mapalapit ka sa Panginoon.

Maghanap ng mga paraan na mas maglalapit sa iyo sa Panginoon habang kumikilos ka nang may pananampalataya.