“Doctrinal Mastery: Eter 12:27—Pagdaig sa Ating mga Kahinaan,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Doctrinal Mastery: Eter 12:27,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Doctrinal Mastery: Eter 12:27
Pagdaig sa Ating mga Kahinaan
Sa iyong pag-aaral ng Eter 12:23–27, natutuhan mo na kung tayo ay mapagpakumbaba at sasampalataya sa Panginoon, magagawa Niyang kalakasan ang ating mga kahinaan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Eter 12:27, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.
Ipaliwanag at isaulo
Nang hindi tinitingnan ang Eter 12:27, subukan kung mapupunan mo ang mga patlang sa pangungusap na ito batay sa mga turo ng Panginoon kay Moroni:
-
Kung ako ay , , at , ang mahihinang bagay ay gagawin ni Jesucristo na malalakas sa akin.
-
Ano sa palagay mo ang mahalagang maalala ng isang tao tungkol sa pangungusap na ito?
Para matulungan kang maisaulo ang reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan, rebyuhin ang mga ito nang ilang beses at pagkatapos ay subukang isulat ang mga ito nang walang kopya sa iyong study journal.
Eter 12:27: “Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”
Ikumpara ang isinulat mo mula sa natatandaan mo sa reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa itaas, at gawin ang anumang kinakailangang pagwawasto. Subukang isulat ang reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan nang tatlo o apat na beses o hanggang sa maisulat mo ang mga ito nang walang kopya.
Pagsasanay ng pagsasabuhay
Sikaping maalala ang tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, at isulat ang mga ito sa iyong study journal. Kung maaari, magsama ng maikling paliwanag para sa bawat alituntunin. Kung kinakailangan, rebyuhin ang mga alituntuning ito sa talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2023).
Halimbawa, kung pipili ka ng isang kahinaan o alalahanin tulad ng “Masyadong maraming oras ang ginugugol ng mga kabataan sa kanilang phone,” maaaring maging tulad ng sumusunod ang iyong journal entry:
Masyadong maraming oras ang ginugugol ng mga kabataan sa kanilang phone
Kumilos nang may Pananampalataya
-
Marahil ang mga taong may ganitong problema ay maaaring magdasal nang mas partikular para matulungan sa problemang ito. Bago manalangin, maaari nilang pag-isipan kung anong tulong ang maaaring kailangan nila para sa araw na iyon. Maaari pa nga silang magdasal bago nila gamitin ang kanilang phone.
-
Binigyan tayo ng Diyos ng teknolohiya upang pagpalain ang ating buhay at tulungan tayo at ang iba na mas mapalapit sa Kanya; paano natin ito magagamit sa ganitong paraan?
-
Eter 12:27: Paano natin maipapakita sa Panginoon na tayo ay mapagkumbaba, nagtitiwala sa Kanya, at nangangailangan ng Kanyang tulong na mapaigting pa ito?
Walang-hanggang Pananaw
-
Kung hindi ito madadaig ng isang tao, paano ito makakaapekto sa kanyang magiging pamilya o ugnayan, trabaho, kawalang-hanggan, at iba pa?
-
Ano ang alam ko tungkol sa Diyos at sa Kanyang mga pamantayan? Bakit mahalaga sa Kanya ang paggamit natin ng teknolohiya?
Sources na Itinalaga ng Diyos
-
Alam ko na nagsalita ang bishop ko tungkol dito, at naaalala ko na nagsalita siya tungkol sa mga bagay na ginawa niya. Tatanungin ko siya kung anong resources ang ginamit niya at ano ang nakatulong sa kanya.
Kapag natapos ka na, kumpletuhin muli ang nakaraang aktibidad. Sa pagkakataong ito ay magtuon sa isang partikular na kahinaan kung saan gusto mong matulungan ka. Hindi hihilingin sa iyo na ibahagi ito sa iba.