Seminary
Moroni 6: Pakikibahagi at Paglilingkod sa Simbahan ng Panginoon


“Moroni 6: Pakikibahagi at Paglilingkod sa Simbahan ng Panginoon,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Moroni 6,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Moroni 6

Pakikibahagi at Paglilingkod sa Simbahan ng Panginoon

dalagitang nagsasalita sa sacrament meeting

Bilang mga nabinyagang miyembro ng Simbahan ni Cristo, may mga pagkakataon tayong makibahagi at maglingkod sa iba’t ibang paraan. Sa Moroni 6, ipinagpatuloy ni Moroni ang kanyang mga tagubilin upang tumulong sa pagpapalakas at pagpapatatag ng Simbahan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na magsikap na paglingkuran ang iba at sundin ang Tagapagligtas bilang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Mga Miyembro ng Simbahan ni Cristo

kongregasyon ng ward na kumakanta sa sacrament meeting

icon, isulatSa iyong study journal o sa hiwalay na papel, gumuhit ng isang linya para hatiin ang pahina sa kalahati. Sa isang kalahati, magdrowing ng pigura ng isang tao, na kumakatawan sa isang miyembro ng Simbahan ng Tagapagligtas. Lakihan ang pigura para makapagsulat ka sa loob nito. Sa loob ng larawan na idinrowing mo, sumulat ng dalawa o tatlong bagay na ginawa mo o inaasahan mong gagawin mo upang makapaghanda para sa binyag sa Simbahan. Maaari mong patuloy na dagdagan ang listahan sa iyong drowing sa buong lesson.

Sa Moroni 6, ipinagpatuloy ni Moroni ang kanyang mga turo tungkol sa pagpapatatag ng Simbahan at pagpapalakas sa mga miyembro nito. Sa kabanatang ito, nalaman natin ang ilan sa ating mga tungkulin at oportunidad sa pagtupad sa gawain ng Panginoon sa Kanyang Simbahan.

Basahin ang Moroni 6:1–3, at alamin ang itinuro ni Moroni kung paano maipapakita ng isang tao na handa siyang mabinyagan sa Simbahan ni Cristo. Idagdag sa listahan sa loob ng iyong larawan ang nalaman mo.

  • Sa iyong palagay, paano inihahanda ng mga kilos at pag-uugaling ito ang isang tao para sa binyag?

Itinuro ni Moroni na kapag nabinyagan tayo, tayo ay “na[pa]pabilang sa mga tao ng simbahan ni Cristo” (Moroni 6:4). Tayo ay nagiging kabilang sa isang organisasyon ng simbahan na nilayong palakasin at patatagin tayo bilang mga disipulo ni Jesucristo. Habang patuloy mong pinag-aaralan ang Moroni 6, isipin kung paano mo mapaglilingkuran at mapapalakas ang iba bilang isang nabinyagang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Mga oportunidad at responsibilidad

Sa paligid ng larawan na idinrowing mo kanina, isulat ang ilan sa mga pangangailangan, inaasam, o ninanais ng mga miyembro ng Simbahan.

Sa kabilang kalahati ng iyong papel o journal page, isulat ang sumusunod na hindi kumpletong katotohanan: Bilang mga miyembro ng Simbahan ng Tagapagligtas, matutulungan at mapapalakas natin ang isa’t isa kapag …

Pag-aralan ang Moroni 6:4–9, at alamin ang maraming paraan na maaari mong kumpletuhin ang pahayag. Isulat ang iyong listahan ng iba’t ibang pahayag sa iyong papel. Maaaring makatulong na malaman na ang ibig sabihin ng pangalagaan ay suportahan o hikayatin ang pag-unlad.

Sa maraming katotohanan na nasa mga talatang ito, maaaring nakita mo ang isa sa mga ito: Bilang mga miyembro ng Simbahan ng Tagapagligtas, matutulungan at mapapalakas natin ang isa’t isa kapag …

  • espirituwal na pinangalagaan natin ang isa’t isa sa pamamagitan ng mabuting salita ng Diyos (talata 4).

  • espirituwal na pinalakas natin ang isa’t isa (talata 5).

  • nagturo at nanalangin tayo alinsunod sa kapangyarihan ng Espiritu Santo (talata 9).

icon, isulat
  1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

    • Alin kaya sa mga gawaing ito ang mas madali para sa iyo? Alin kaya ang mahirap? Bakit?

    • Paano kaya maaaring isagawa ang mga gawaing ito sa iyong klase o korum?

    • Paano makatutulong sa iyong mga pangangailangan ang pagkilos ayon sa mga katotohanang ito?

Pagbibigay at pagtanggap

Ipinahayag ni Pangulong Bonnie L. Oscarson, dating Young Women General President:

12:6

Hindi lang tayo basta tumatanggap at kumukuha sa ibinibigay ng simbahan; kailangan tayong magbigay at tumulong. Mga kabataang lalaki at babae, sa susunod na nasa [aktibidad ng mga kabataan] kayo, sa halip na kunin ang inyong phone at tingnan ang ginagawa ng inyong mga kaibigan, tumigil kayo at tumingin sa inyong paligid at tanungin ang inyong sarili, “Sino ang nangangailangan sa akin ngayon?” Maaaring maging susi kayo sa pagtulong at pag-impluwensya sa buhay ng isang kabataan o sa pagpapalakas ng loob ng isang kaibigan na tahimik na nagdurusa.

Hilingin sa inyong Ama sa Langit na ipakita sa inyo ang mga nangangailangan ng tulong ninyo at ipabatid sa inyo kung paano ninyo sila pinakamainam na mapaglilingkuran. Alalahanin na madalas ay isa-isang pinaglilingkuran ng Tagapagligtas ang mga tao. (Bonnie L. Oscarson, “Ang mga Pangangailangan na Nasa Ating Harapan,” Liahona, Nob. 2017, 26)

  1. Sagutin ang dalawa sa mga sumusunod na tanong:

    • Ano sa palagay mo ang mahalagang matandaan mula sa payo ni Sister Oscarson, at bakit?

    • Kailan mo nakitang isinagawa ang mga katotohanang itinuro ni Moroni? Anong kaibhan ang nagawa ng pagsasagawa ng mga katotohanang ito sa buhay ng iba?

    • Paano makatutulong sa iyo ang pagsunod sa payo ni Moroni na maging higit na katulad ng Tagapagligtas?

Para sa halimbawa ng isang dalagita na sinunod ang payo ni Moroni, panoorin ang “Mga Matang Makakakita” mula sa time code na 4:55 hanggang 6:55 sa ChurchofJesusChrist.org.

9:44

Ang mga susunod kong hakbang

Maglaan ng ilang sandali na pag-isipan ang tungkol sa natutuhan at nadama mo ngayon. Pagkatapos ay isipin ang pagpasok mo sa susunod ninyong miting o aktibidad sa Simbahan. Ano sa palagay mo ang ipagagawa sa iyo ng Tagapagligtas? Maaari kang magsulat sa iyong study journal para matulungan kang maalala ang patnubay na natanggap mo.

Maaari ka ring manalangin at humingi ng tulong sa Ama sa Langit para malaman kung sino ang nangangailangan ng iyong pansin at tulong. Anyayahan Siya na tulungan kang malaman kung ano ang magagawa mo para mapangalagaan ang iba pang miyembro ng Simbahan tulad ng gagawin ng Tagapagligtas.