Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 25: Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 25: Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 25,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 25

Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage

grupo ng mga kabataan na naglalaro sa labas

Sa Simbahan, inaanyayahan tayong umunlad tulad ng ginawa ng Tagapagligtas—sa aspetong espirituwal, panlipunan, pisikal, at intelektuwal. Ang pagtatakda ng mga mithiin ay makatutulong sa iyo na umunlad. Ang mga banal na kasulatan ay ibinigay ng Ama sa Langit para tulungan kang maging katulad ni Jesucristo sa mga paraang ito. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon na sanayin ang pagsasabuhay ng mga doctrinal mastery passage sa iyong mga mithiin na maging katulad ng Tagapagligtas.

Umunlad tulad ng ginawa ni Jesucristo

Logo ng programang Mga Bata at Kabataan

Sa Lucas 2:52, mababasa natin na lumago si Jesucristo “sa karunungan, sa pangangatawan, at naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.” Nais ng ating Ama sa Langit na umunlad o lumago tayo tulad ng ginawa ng Tagapagligtas sa lahat ng aspetong ito. Hiniling sa atin ng mga lider ng Simbahan na magtakda ng mga mithiin na tutulong sa atin na umunlad sa aspetong espirituwal, panlipunan, pisikal, at intelektuwal.

Isipin ang mga mithiing itinakda mo o gusto mong itakda.

  • Ano ang ilang tagumpay na naranasan mo?

  • Ano ang ilang hamon na naranasan mo habang sinisikap mong makamit ang mga mithiing ito?

Tungkol sa mga mithiing ito, itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

Sa halip na bigyan kayo ng maraming partikular na gagawin, … inaanyayahan namin kayo na isangguni sa Panginoon kung paano kayo uunlad sa balanseng paraan. Magiging makabuluhan at masaya ito, ngunit kakailanganin din dito ang pagsisikap na mula sa inyo. Kakailanganin ninyong maghangad ng personal na paghahayag. Kakailanganin ninyong magpasiya para sa sarili ninyo kung paano ito gagawin. Kung minsan maaaring ipahiwatig sa inyo ng Espiritu na gumawa ng mahihirap na bagay. Palagay ko nakahanda kayo sa hamong ito. Magagawa ninyo ang mahihirap na bagay. (Russell M. Nelson, “Special Children and Youth Broadcast Featuring President M. Russell Ballard” [pambungad sa bagong inisyatibong Mga Bata at Kabataan, Set. 29, 2019], broadcasts.ChurchofJesusChrist.org)

  • Ano ang naiisip mo tungkol sa payo ni Pangulong Nelson?

Sa iyong pag-aaral ngayon, magagamit mo ang mga doctrinal mastery passage sa iyong mga mithiin upang maging higit na katulad ng Tagapagligtas sa aspetong espirituwal, panlipunan, pisikal, o intelektuwal.

Makatutulong ang mga doctrinal mastery passage

  1. Gamitin ang mga sumusunod na doctrinal mastery passage para masagot ang kahit dalawa o mahigit pa sa mga tanong sa ibaba:

Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni

Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Alma 7:11–13

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

Scripture Reference

Alma 34:9–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Scripture Reference

Alma 39:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

Scripture Reference

Alma 41:10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

Scripture Reference

Helaman 5:12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Scripture Reference

3 Nephi 11:10–11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

Scripture Reference

3 Nephi 12:48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

Scripture Reference

3 Nephi 27:20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

Scripture Reference

Eter 12:6

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

Scripture Reference

Eter 12:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Scripture Reference

Moroni 7:45–48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

Scripture Reference

Moroni 10:4–5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

  • Aling mga doctrinal mastery passage ang makatutulong sa iyo para makamit mo ang iyong mithiin? Paano?

  • Aling mga doctrinal mastery passage ang makatutulong sa iyo na lumago o umunlad “sa karunungan, sa pangangatawan, at naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao” tulad ng ginawa ng Tagapagligtas?

  • Paano makatutulong sa iyo ang isa o mahigit pang doctrinal mastery passage para maipamuhay mo ang isa o mahigit pang alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman?