“Doctrinal Mastery: Moroni 7:45–48—‘Ang Pag-ibig sa Kapwa-tao ay Dalisay na Pag-ibig ni Cristo,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Doctrinal Mastery: Moroni 7:45–48,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Doctrinal Mastery: Moroni 7:45–48
“Ang Pag-ibig sa Kapwa-tao ay Dalisay na Pag-ibig ni Cristo”
Sa iyong pag-aaral ng Moroni 7:44–48, natutuhan mo kung paano sikaping magkaroon ng pag-ibig sa kapwa-tao, ang dalisay na pag-ibig ni Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Moroni 7:45–48, maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa passage na ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.
Ipaliwanag at isaulo
Isipin ang sumusunod na sitwasyon upang matulungan kang magsanay na ipaliwanag ang banal na katangian ng pag-ibig sa kapwa-tao.
Isipin na habang tinatalakay ninyo ng iyong pamilya ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, habang pinag-uusapan ang kahulugan ng pag-ibig sa kapwa-tao, sinabi ng nakababata mong kapatid na lalaki na, “Hindi ba’t ang pag-ibig sa kapwa-tao ay paggawa lamang ng mabubuting bagay para sa mga tao?” Sinabi mo sa kapatid mo na ang pagiging mabait ay bahagi ng pag-ibig sa kapwa-tao ngunit marami ka pang natutuhan sa seminary tungkol dito.
-
Anong iba pang mga detalye tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao ang sasabihin mo sa iyong kapatid?
Gamitin ang sumusunod na ideya para makatulong sa iyo na maisaulo ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan. O pumili ng ibang pamamaraan na pinakamakatutulong sa iyo na magsaulo.
Pagsasanay ng pagsasabuhay
Upang matulungan kang rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, itama ang sumusunod na tatlong parirala at ipaliwanag ang ibig sabihin ng mga ito. Kung kailangan mo ng tulong, pag-aralan ang talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2023).
-
Sumuri nang may pananampalataya.
-
Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos.
-
Pag-aralan ang mga konsepto at tanong gamit ang mga sources na itinalaga ng Diyos.
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon:
-
Madaling mainis si Oscar sa kanyang mga nakababatang kapatid. Madalas nilang kulitin si Oscar na makipaglaro sa kanila o tulungan sila sa kanilang homework. Gusto lang ni Oscar na iwan siyang mag-isa ng kanyang mga kapatid para magawa niya ang gusto niya.
-
Nalaman ni Hae-Won na isang babae sa klase niya sa Young Women ang na nagpapakalat ng hindi maganda tungkol sa kanya. Nalilito at nasasaktan si Hae-Won dahil dito at hindi niya alam kung paano tutugon.
-
Gusto ni Kapo na maging sikat sa paaralan at tila walang takot sa harap ng kanyang mga kaibigan. Madalas niyang minamaliit ang iba nilang kaklase at kinukuha niya ang mga gamit ng mga ito nang hindi nagpapaalam.