“Moroni 8: ‘Ang Maliliit na Bata ay Buhay kay Cristo,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Moroni 8,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Moroni 8
“Ang Maliliit na Bata ay Buhay kay Cristo”
Sa kanyang mga isinulat, ibinahagi ni propetang Moroni ang isang liham na isinulat sa kanya ng kanyang amang si Mormon tungkol sa pagbibinyag sa maliliit na bata. Ang mga isinulat ni Mormon tungkol sa paksa ay nagmula sa paghahayag na natanggap niya mula kay Jesucristo. Ang paghahayag ay nagpapakita ng kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas at kung paano ito nakakaapekto sa maliliit na bata. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang mas maunawaan kung bakit hindi kailangang binyagan ang maliliit na bata at kung ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Paano ka tutugon?
Basahin ang sumusunod na kuwento na ibinahagi ni Pangulong Boyd K. Packer (1924–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol sa kanyang mensaheng “Papatnubayan Sila ng Munting Bata” sa ChurchofJesusChrist.org. Kunwari ay isa ka sa mga missionary na nasa sitwasyon.
May dalawang misyonerong naglingkod sa kabundukan ng katimugang Estados Unidos. Isang araw, mula sa tuktok ng isang burol, nakakita sila ng mga taong nagtitipon sa kapatagan sa ibaba. Madalang magkaroon ng maraming matuturuan ang mga misyonero, kaya’t bumaba sila sa kapatagan.
Nalunod ang isang batang lalaki, at idaraos ang libing. Ipinasundo ng kanyang mga magulang ang ministro upang “basbasan” ang kanilang anak. Nanatili sa likuran ang mga misyonero samantalang hinaharap ng palakad-lakad na ministro ang nagdadalamhating ama at ina at sinimulan ang kanyang sermon. Kung umasa ang mga magulang na makatanggap ng pag-alo mula sa lalaking ito na nakaabito, masisiphayo sila.
Pinagalitan niya ang mga magulang sa hindi pagpapabinyag sa bata. Ipinagpaliban nila ito sa kung anong dahilan, at ngayon ay huli na ang lahat. Tuwiran niyang sinabi sa kanila na ang kanilang anak ay napunta sa impiyerno. Sila ang may kasalanan. Sila ang sisisihin sa kanyang walang katapusang kaparusahan.
Nang matapos ang sermon at natabunan na ang puntod, nilapitan ng mga elder ang nagdadalamhating mga magulang. “Kami po ay mga lingkod ng Panginoon,” ang sabi nila sa ina, “at naparito kami para maghatid ng mensahe sa inyo.” (Boyd K. Packer, “Papatnubayan Sila ng Munting Bata,” Liahona, Mayo 2012, 7)
I-rate ang sagot mo sa sumusunod na tanong sa scale na 1 hanggang 4, gamit ang (1) wala talagang kumpiyansa, (2) medyo may kumpiyansa, (3) may kumpiyansa, at (4) talagang may kumpiyansa.
-
Gaano ka kakumpiyansa kapag tinuruan at inalo mo ang mga nagdadalamhating magulang na ito at tinulungan mo sila na madama ang pagmamahal ng Panginoon?
Habang pinag-aaralan mo ang Moroni 8, isipin kung paano mo matutulungan ang mga magulang na ito na mas maunawaan ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo kaugnay ng maliliit na bata. Sa katapusan ng lesson, hihilingin sa iyo na gumawa ng tugon sa sitwasyong ito. Pag-isipan din kung paano makatutulong sa iyo ang mga katotohanan mula sa Moroni 8 na mas maunawaan ang kabutihan at awa ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
Ang maliliit na bata ay buo
Hindi nagtagal, matapos tawagin sa ministeryo ni Jesucristo, nakatanggap si Moroni ng liham mula sa kanyang amang si Mormon. Sumulat si Mormon sa kanyang “minamahal na anak” (Moroni 8:2) na “lagi [niya itong] naaalala sa [kanyang] mga panalangin” (Moroni 8:3). Pinayuhan niya si Moroni tungkol sa mga pagtatala ng mga Nephita tungkol sa pagbibinyag sa maliliit na bata. Kalaunan sa kanyang buhay, idinagdag ni Moroni ang liham na ito sa kanyang isinulat sa mga laminang ginto.
Basahin ang Moroni 8:4–8, at alamin ang reaksyon ni Mormon nang marinig niya ang tungkol sa pagtatalo.
Bakit hindi kailangang binyagan ang maliliit na bata |
Ang natutuhan natin tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo |
---|---|
Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa mga talatang ito ay na ang maliliit na bata ay buo sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.
Ang paggamit ng mga talababa o footnote ay isang kapaki-pakinabang na tool sa pag-aaral ng banal na kasulatan. Pansinin ang footnote c sa tabi ng salitang “buo” sa talata 8.
Basahin ang kahit isa sa mga sumusunod na talata mula sa footnote, at alamin kung bakit ang maliliit na bata ay buo:
-
Ano ang ibig sabihin sa Moroni 8:8 na “ang maliliit na bata ay buo”?
Hindi kailangang binyagan ang maliliit na bata
Nagbigay si Mormon ng mga karagdagang kaalaman na makatutulong sa atin na malaman pa ang tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo mula sa doktrinang ito tungkol sa mga bata. Basahin ang mga sumusunod na talata, at maghanap ng mahahalagang bagay na maidaragdag mo sa dalawang column ng iyong chart.
Tingnan sandali ang mga katotohanang isinulat mo sa pangalawang column ng chart. Pag-isipan ang sumusunod na tanong:
-
Paano makatutulong sa ating buhay ngayon ang pag-unawa sa mga katotohanang ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?
Isiping muli ang kuwento tungkol sa dalawang missionary sa simula ng lesson.