Seminary
Moroni 10:1–7: Pagtanggap ng Sarili Mong Patotoo sa Aklat ni Mormon


“Moroni 10:1–7: Pagtanggap ng Sarili Mong Patotoo sa Aklat ni Mormon,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Moroni 10:1–7,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Moroni 10:1–7

Pagtanggap ng Sarili Mong Patotoo sa Aklat ni Mormon

kabataang nagbabasa ng Aklat ni Mormon

Nakadama ka na ba ng mga impresyon o damdamin mula sa Espiritu na totoo ang Aklat ni Mormon? Kung gayon, anong mga karanasan at gawa ang nakatulong sa iyo na matamo ito? Sa ilan sa kanyang mga huling isinulat, binigyang-diin ni Moroni na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng katotohanan. Sa pamamagitan ng Diyos, makatatanggap tayo ng personal na patotoo sa katotohanan ng Aklat ni Mormon, sa katotohanan ni Jesucristo, at sa “katotohanan ng lahat ng bagay” “sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo” (Moroni 10:5). Makatutulong sa iyo ang lesson na ito na malaman para sa iyong sarili na ang Aklat ni Mormon ay totoo.

Patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon

Isipin kung alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakanakaugnay ka nang simulan mong pag-aralan ang Aklat ni Mormon:

  • Hindi ako sigurado kung alam kong totoo ang Aklat ni Mormon.

  • Nagtitiwala ako sa iba na nagsabi sa akin na totoo ang Aklat ni Mormon.

  • Nakatanggap ako ng mga impresyon mula sa Espiritu Santo na totoo ang Aklat ni Mormon.

Pagnilayan ang iyong patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon ngayon. Sa iyong pag-aaral, isipin ang mga susunod na hakbang na nais ng Panginoon na gawin mo upang matamo, mapalalim, o mapatibay ang iyong patotoo.

Ang payo ni Moroni

Matapos isulat ang ilan sa mga turo ng kanyang ama, itinuro ni Moroni kung paano malalaman ng sinuman para sa kanilang sarili na totoo ang Aklat ni Mormon.

Basahin ang Moroni 10:3–5 at markahan ang sinabi ni Moroni tungkol sa kung paano natin malalaman ang katotohanan ng Aklat ni Mormon. Maaari mo ring panoorin ang video na “Inaanyayahan ni Moroni ang Lahat ng Tao na Lumapit kay Cristo” mula sa time code na 4:39 hanggang 5:32, na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

8:37

icon ng doctrinal mastery Ang Moroni 10:4–5 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong markahan ang mga doctrinal mastery passage sa partikular na paraan upang madali mong mahanap ang mga ito. Magkakaroon ka ng pagkakataon sa susunod na lesson na magsanay na gamitin ang doktrinang itinuturo sa passage na ito sa isang tanong o sitwasyon.

icon, isulat
  1. Sagutin ang mga tanong sa ilalim ng dalawa sa mga sumusunod na tatlong heading.

Basahin ang Aklat ni Mormon

Inilarawan ni Pangulong Russell M. Nelson ang ilan sa mga pagpapalang matatanggap natin sa pamamagitan ng pag-aaral ng Aklat ni Mormon. Isipin kung paano mo naranasan ang mga pagpapalang ito nang pag-aralan mo ito.

Ipinangangako ko na sa mapanalanging pag-aaral ng Aklat ni Mormon araw-araw, makagagawa kayo ng mas maiinam na desisyon—sa araw-araw. Ipinangangako ko na habang pinagninilayan ninyo ang inyong pinag-aaralan, ang mga durungawan ng langit ay mabubuksan, at tatanggap kayo ng mga sagot sa inyong sariling mga tanong at patnubay sa inyong buhay. (Russell M. Nelson, “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?,” Liahona, Nob. 2017, 62–63)

  • Naranasan mo na ba ang alinman sa mga pagpapalang ipinangako ni Pangulong Nelson sa mga taong nag-aaral ng Aklat ni Mormon?

Ang pagtukoy sa mga pagpapalang nagmumula sa pagbabasa ng Aklat ni Mormon ay makapagpapatunay na ito ay totoo at nagmumula ito sa Diyos.

Pagnilayan ang awa ng Panginoon

  • Ano ang ilang halimbawa sa banal na kasulatan na kung saan tumanggap ang mga tao ng awa ng Panginoon? Maaari mong hanapin ang ilan, tulad ni Nephi (2 Nephi 4:20–25), Nakababatang Alma (Alma 36:17–21), o ang mga Nephita na pinagaling ng Tagapagligtas sa Kanyang pagdalaw (3 Nephi 17:6–9).

  • Ano ang ilang halimbawa ng awa ng Panginoon sa iyong buhay o sa buhay ng isang taong kilala mo?

  • Sa iyong palagay, bakit makatutulong sa iyo ang pagninilay sa awa ng Panginoon para makatanggap ka ng patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon sa pamamagitan ng Espiritu Santo?

Magtanong sa Diyos nang may matapat na puso, tunay na layunin, at pananampalataya kay Cristo

  • Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng magtanong sa Diyos nang may matapat na puso? Nang may tunay na layunin? Nang may pananampalataya kay Jesucristo (Moroni 10:4)? Kung kailangan mo ng tulong para masagot ito, basahin ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:10–17, at alamin kung paano nanalangin ang batang Joseph Smith nang may matapat na puso, tunay na layunin, at pananampalataya kay Cristo. (Paalala: Ang pariralang tunay na layunin ay nangangahulugan na kapag nakatanggap ka ng sagot sa iyong mga panalangin, taos-puso kang kikilos ayon sa paghahayag na natanggap mo.)

  • Paano makatutulong ang paggawa nito para makatanggap tayo ng patotoo sa Aklat ni Mormon sa pamamagitan ng Espiritu Santo?

Ang aking personal na patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon

Ibinahagi ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan ang kanyang karanasan sa pagpapamuhay ng pangako ni Moroni. Basahin ang sumusunod na pahayag o panoorin ang video na “Isang Buhay na Patotoo” mula sa time code na 13:51 hanggang 14:31, na mapapanood sa ChurchofJesusChrist.org.

2:3

Umaasa akong napatunayan na ninyong lahat sa inyong sarili ang pangakong iyan o na gagawin ninyo ito kaagad. Ang sagot ay maaaring hindi dumating nang minsanan at sa napakalakas na espirituwal na karanasan. Sa akin tahimik muna itong dumating. Ngunit lumalakas ito sa tuwing babasahin at ipagdarasal ko ang Aklat ni Mormon.

Hindi ako umaasa sa mga nangyari na. Upang maging tiyak ang aking buhay na patotoo hinggil sa Aklat ni Mormon, madalas kong [tanggapin] ang pangako ni Moroni. Hindi ko iniisip na ang biyaya ng patotoo ay patuloy na lang na nasa akin. (Henry B. Eyring, “Isang Buhay na Patotoo,” Liahona, Mayo 2011, 127)

icon, isulat
  1. Sagutin ang kahit dalawa sa mga sumusunod na tanong:

    • Paano naaangkop sa atin ang mga salita ni Pangulong Eyring kahit ilang beses nating binabasa ang Aklat ni Mormon?

    • Sa paanong paraan patototohanan sa atin ng Espiritu Santo ang katotohanan ng Aklat ni Mormon?

    • Paano mapapalakas ng patotoo sa Aklat ni Mormon ang iyong kaugnayan at patotoo sa Ama sa Langit at sa Kanyang Anak na si Jesucristo?

Isulat sa iyong study journal kung ano ang magagawa mo para maipamuhay ang mga alituntuning itinuro sa Moroni 10:3–5. Isipin kung paano mo patuloy na pag-aaralan ang Aklat ni Mormon, pagninilayan ang awa ng Panginoon, at hihingi ng patotoo sa Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Saan at kailan mo gagawin ang mga bagay na ito? Paano maaaring sagutin ng Panginoon ang iyong mga panalangin?