Seminary
Doctrinal Mastery: Moroni 10:4–5—“At sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espiritu Santo, Malalaman Ninyo ang Katotohanan ng Lahat ng Bagay”


“Doctrinal Mastery: Moroni 10:4–5—‘At sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espiritu Santo, Malalaman Ninyo ang Katotohanan ng Lahat ng Bagay,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Doctrinal Mastery: Moroni 10:4–5,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: Moroni 10:4–5

“Sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espiritu Santo, Malalaman Ninyo ang Katotohanan ng Lahat ng Bagay”

binatilyong nagdarasal

Sa iyong pag-aaral ng Moroni 10:1–7, nalaman mo na kung magtatanong tayo sa Diyos nang may matapat na puso, tunay na layunin, at pananampalataya kay Cristo, malalaman natin na ang Aklat ni Mormon ay totoo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Moroni 10:4–5, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa totoong buhay.

Isaulo at ipaliwanag

Isaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan na ito sa pamamagitan ng paisa-isang pagsasaulo ng mga sumusunod na segment. Pagkatapos gawin ito, subukang ulitin ang buong parirala at scripture reference nang walang kopya. Sanaying ulit-ulitin ang parirala at reference na ito nang maraming beses sa buong maghapon.

  • Moroni 10:4–5

  • “[Magtanong] nang may matapat na puso,

  • Na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo. …

  • At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo

  • Malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

icon, isulat
  1. Sagutin ang sumusunod na tanong.

    • Ano ang maaaring gawin ng isang tao upang magkaroon ng patotoo na ang Aklat ni Mormon ay totoo?

Pagsasanay ng pagsasabuhay

Maglaan ng ilang minuto upang rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral ng talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2023).

  • Aling alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ang pinakamakabuluhan sa iyo? Bakit?

Isiping naka-post ang sumusunod na sitwasyon sa bahaging “Mga Tanong at mga Sagot” ng magasing Para sa Lakas ng mga Kabataan. Para makakita ng halimbawa, tingnan ang bagong isyu sa ChurchofJesusChrist.org.

  • “Halos buong buhay ko ay miyembro na ako ng Simbahan. Sinisikap kong sundin ang mga kautusan, basahin ang aking mga banal na kasulatan, manalangin, at magsimba. Naririnig kong ibinabahagi ng ibang tao ang kanilang mga karanasan tungkol sa pagkaalam nila na totoo ang Aklat ni Mormon. Bakit hindi ako binibigyan ng Diyos ng gayon ding karanasan?”

icon, isulat
  1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

    • Aling alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ang una mong imumungkahing pag-isipan ng taong ito? Bakit?

    • Paano makatutulong ang doktrinang itinuro sa Moroni 10:4–5 para magamit mo ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa sitwasyong ito?

Ang mga sumusunod na tanong ay makatutulong sa iyo na pag-isipan kung paano makatutulong sa isang taong na nasa sitwasyong ito ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Aling mga salita o parirala sa Moroni 10:4–5 ang imumungkahi mong pag-aralan at unawain nang mas mabuti ng taong ito? Bakit?

  • Ano ang ilang sources na ibinigay ng Diyos na makatutulong sa taong ito na magkaroon ng personal na patotoo sa katotohanan ng Aklat ni Mormon?

Kumilos nang may pananampalataya

  • Paano kaya maipapamuhay ang ilan sa mga paanyaya ni Moroni mula sa Moroni 10:4–5 sa sitwasyong ito? Paano nauugnay ang mga ito sa pagkilos nang may pananampalataya?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Anong mga katotohanan tungkol sa Diyos, sa paraan ng pakikipag-ugnayan Niya sa Kanyang mga anak, at sa Kanyang pananaw ang makatutulong sa isang tao sa sitwasyong ito?

icon, isulat
  1. Sagutin ang sumusunod na tanong.

    • Paano mo magagamit ang doktrinang itinuro sa Moroni 10:4–5 para makatulong sa iba pang mga tanong na hindi nauugnay sa Aklat ni Mormon?