“I-assess ang Iyong Pagkatuto 10: Ang Aklat ni Mormon; 1 Nephi–Moroni,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“I-assess ang Iyong Pagkatuto 10,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
I-assess ang Iyong Pagkatuto 10
Ang Aklat ni Mormon; 1 Nephi–Moroni
Ang pagninilay at pag-assess ng iyong espirituwal na natutuhan ay makatutulong sa iyo na mas mapalapit sa Tagapagligtas at mapalakas ang iyong pagbabalik-loob. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang suriin ang progreso at pag-unlad na naranasan mo sa iyong pag-aaral ng Aklat ni Mormon ngayong taon.
Ang iyong pag-aaral ng Aklat ni Mormon
Sa nakalipas na taon sa seminary, pinag-aralan mo ang Aklat ni Mormon: Isa Pang Tipan ni Jesucristo.
Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong ipaliwanag ang ilan sa mga natutuhan at nadama mo at suriin kung paano ka natulungan ng Aklat ni Mormon na mas magbalik-loob kay Jesucristo.
Ano ang nadarama mo tungkol sa Aklat ni Mormon?
Inanyayahan tayo ni Pangulong Russell M. Nelson na pag-isipan ang tatlong tanong na may kaugnayan sa Aklat ni Mormon:
Una, ano kaya ang magiging buhay ninyo kung wala ang Aklat ni Mormon? Pangalawa, ano ang hindi ninyo malalaman? At pangatlo, ano ang hindi mapapasainyo? (Russell M. Nelson, “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?,” Liahona, Nob. 2017, 61)
Ano ang nauunawaan mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?
Inilarawan ni Pangulong Russell M. Nelson ang isa sa mahahalagang ginagampanan ng Aklat ni Mormon:
May makapangyarihang nangyayari kapag hangad ng isang anak ng Diyos na malaman pa ang tungkol sa Kanya at sa Kanyang Pinakamamahal na Anak. Walang ibang lugar na itinuro ito nang mas malinaw at makapangyarihan kaysa sa Aklat ni Mormon. (Russell M. Nelson, “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?,” Liahona, Nob. 2017, 61)
Pag-isipan sandali ang natutuhan mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo nang pag-aralan mo ang Aklat ni Mormon sa taong ito. Maaari mong rebyuhin ang iyong mga banal na kasulatan at study journal para sa mga katotohanan tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na minarkahan o isinulat mo sa buong taon. Maglista ng tatlo o apat na katotohanan sa iyong study journal na pinakamakabuluhan sa iyo.
Maghanap ng kahit isang scripture passage na sumusuporta sa bawat katotohanang inilista mo sa iyong study journal. Isulat ang scripture reference sa tabi ng bawat katotohanan, at ipaliwanag kung paano mo magagamit ang scripture passage para ituro ang katotohanang iyon.
Kung kinakailangan, maaari mong rebyuhin ang ilan sa mga sumusunod na scripture passage:
Paano nakaimpluwensya ang Aklat ni Mormon sa iyong paraan ng pamumuhay?
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Propetang Joseph Smith (1805–44), at alamin ang itinuro niya tungkol sa kapangyarihan ng Aklat ni Mormon:
Sinabi ko sa mga kapatid na ang Aklat ni Mormon ang pinakatumpak sa anumang aklat sa mundo, at ang saligang bato ng ating relihiyon, at ang isang tao ay malalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin nito, nang higit kaysa sa pamamagitan ng alin mang aklat. (Pambungad sa Aklat ni Mormon; tingnan din sa History of the Church, 4:461)
Ang ibig sabihin ng “pagsunod sa mga tuntunin nito” ay ipamuhay ang mga alituntunin at turo na nakapaloob sa Aklat ni Mormon. Pagnilayan sandali kung paano naimpluwensyahan ang iyong mga iniisip, ugali, o kilos dahil sa natutuhan mo mula sa Aklat ni Mormon.