Doktrina at mga Tipan 2021
Enero 10. Bakit Mahalaga ang Unang Pangitain? Pambungad sa Doktrina at mga Tipan; Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26


“Enero 10. Bakit Mahalaga ang Unang Pangitain? Pambungad sa Doktrina at mga Tipan; Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021 (2020)

“Enero 10. Bakit Mahalaga ang Unang Pangitain?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021

Larawan
si Joseph Smith na nagdarasal

Nakakita Ako ng Liwanag, ni Jon McNaughton

Enero 10

Bakit Mahalaga ang Unang Pangitain?

Pambungad sa Doktrina at mga Tipan; Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26

Larawan
icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women. Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

  • Ang ating korum o klase. Sino ang nangangailangan ng ating tulong at mga panalangin? Ano ang magagawa natin para matulungan sila? Sino ang dapat nating anyayahan sa isang paparating na aktibidad?

  • Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Anong mga tungkulin na ang nagampanan natin? Anong mga tungkulin ang kailangan nating gawin? Paano natin naanyayahan ang iba na lumapit kay Cristo, at paano natin maaanyayahan ang iba ngayon?

  • Ang ating buhay. Anong mga karanasan kamakailan ang nagpalakas sa ating patotoo? Ano ang nangyayari sa ating buhay, at paano natin masusuportahan ang isa’t isa?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o klase tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

Larawan
icon ng ituro ang doktrina

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Bagama’t mahigit 200 taon na mula nang unang lumuhod si Joseph Smith para manalangin sa Sagradong Kakahuyan, ang sagot na natanggap niya ay malalim ang epekto sa ating buhay ngayon. Pagnilayan ang mga pagpapalang dumating na sa buhay mo dahil nagpakita ang Ama at ang Anak kay Joseph. Bakit mahalagang magkaroon ang iyong mga tinuturuan ng sarili nilang patotoo tungkol sa Unang Pangitain mula sa Espiritu Santo? Paano mo sila tutulungang gawin ito? Maaaring makatulong na rebyuhin mo ang mga mensahe mula sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2020, na gumunita sa ika-200 anibersaryo ng dakilang pangitaing ito.

Larawan
mga dalagita sa klase

Bawat kabataan ay makatatanggap ng personal na patotoo tungkol sa Unang Pangitain.

Magkakasamang Matuto

Dahil nasa kanyang kabataan si Joseph Smith sa panahon ng Unang Pangitain, maaaring makaugnay ang mga tinuturuan mo sa kanyang paghahanap sa katotohanan. Bigyan ang mga miyembro ng korum at klase ng ilang sandali para ibahagi ang kanilang mga ideya at impresyon tungkol sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26. Makatutulong sa kanila ang mga aktibidad sa ibaba na mapalakas ang kanilang patotoo na ang Diyos Ama at si Jesucristo ay nagpakita kay Joseph Smith.

  • Anong mga katotohanan ng ebanghelyo ang matututuhan natin mula sa karanasan ni Joseph Smith sa Sagradong Kakahuyan? Maaaring basahin ng mga miyembro ng korum o klase ang salaysay ni Joseph sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:7–20 at ibahagi ang mga katotohanang natuklasan nila. (Halimbawa, naririnig at sinasagot ng Diyos ang mga panalangin; si Satanas at ang kanyang kapangyarihan ay totoo, ngunit nakahihigit ang kapangyarihan ng Diyos; hindi pa tumitigil ang paghahayag.) Paano napagpala ng mga katotohanang ito ang ating buhay?

  • Maaari mo ring hilingin sa mga miyembro ng korum o klase na rebyuhin ang mga mensahe tungkol sa Unang Pangitain mula sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2020 (tingnan sa Liahona, Mayo 2020). Halimbawa, maaari nilang rebyuhin ang mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson na “Pakinggan Siya” (Liahona, Mayo 2020, 88–92). Anyayahan silang ibahagi ang natuklasan nila at ang kanilang damdamin tungkol sa Unang Pangitain.

  • Bawat isa sa mga Pangulo ng Simbahan ay nagpatotoo tungkol sa banal na misyon ni Propetang Joseph Smith. Ang mga miyembro ng korum o klase ay maaaring makinabang sa pagbasa sa kanilang mga patotoo sa isa sa mga manwal na Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan. (Karamihan sa mga manwal na ito ay naglalaman ng isang kabanata tungkol kay Propetang Joseph Smith.) Para sa listahan ng mga kabanatang ito, tingnan sa Gospel Topics, “First Vision,” topics.ChurchofJesusChrist.org.) Ilang araw bago magklase, maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng iyong korum o klase na pumili ng isa sa mga Pangulong ito at magbahagi ng isang pahayag nito na maaari nilang magamit sa pagtuturo sa isang tao tungkol sa Unang Pangitain.

  • Isiping anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na pag-aralan ang “Ang Panunumbalik ng Ebanghelyo ni Jesucristo sa pamamagitan ni Joseph Smith” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ([2019], 39–40) at magpraktis na turuan ang isa’t isa tungkol sa Unang Pangitain. Maaari mo silang hamunin na ibahagi ang karanasan ni Joseph Smith gamit ang ilan sa kanyang sariling mga salita, na matatagpuan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:16–17.

  • Alam ba ng mga tinuturuan mo na may iba-ibang salaysay tungkol sa Unang Pangitain? Bawat isa sa mga salaysay na ito ay naglalaan ng kakaibang mga detalye na nagbibigay ng mas kumpletong pagkaunawa tungkol sa nangyari sa Sagradong Kakahuyan. Maaari mo ring ibuod ang “Overview” section ng Gospel Topics essay na “First Vision Accounts” (topics.ChurchofJesusChrist.org). Pagkatapos ay maaari mo ring hilingin sa mga tinuturuan mo na rebyuhin ang mga buod ng apat na salaysay na nasa ilalim ng “Accounts of the First Vision.” Maaari din nilang basahin ang ilan sa mga totoong salaysay sa paggamit sa mga link na inilaan. Ano ang natuklasan nila na nagpapalakas sa kanilang patotoo tungkol sa Unang Pangitain? Maaari rin ninyong panoorin ang video na “Ask of God: Joseph Smith’s First Vision” (ChurchofJesusChrist.org), na naglalarawan sa Unang Pangitain sa pamamagitan ng paggamit ng mga detalye mula sa mga salaysay na ito. Bakit nakabubuti na magkaroon ng iba-ibang salaysay tungkol sa Unang Pangitain? Paano nakatutulong sa atin ang mga salaysay na ito na mas maunawaan ang Ama sa Langit at si Jesucristo?

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya.

Suportang Resources

  • Mateo 3:13–17; Mga Gawa 7:54–60; 3 Nephi 11:3–10 (Ipinakita ng Diyos Ama at ni Jesucristo ang Kanilang sarili sa mga tao sa lupa)

  • “What Do We Learn about the Nature of God from the First Vision?” mula sa “Face to Face Kasama sina Pangulong Eyring at Elder Holland” (pandaigdigang brodkast para sa kabataan, Mar. 4, 2017), FacetoFace.ChurchofJesusChrist.org

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Inanyayahan ng Tagapagligtas ang Kanyang mga alagad na magpatotoo tungkol sa katotohanan ng Kanyang mga turo. Nang gawin nila iyon, inantig ng Espiritu ang kanilang puso. Paano mo mahihikayat ang mga tinuturuan mo na magpatotoo? (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 11.)

Tingnan din ang “Prepare to Teach,” (video, ChurchofJesusChrist.org).

Print