Doktrina at mga Tipan 2021
Enero 24. Paano Ko Maihahanda ang Aking Sarili na Makibahagi sa “Kagila-gilalas na Gawain” ng Diyos? Doktrina at mga Tipan 3–5


“Enero 24. Paano Ko Maihahanda ang Aking Sarili na Makibahagi sa ‘Kagila-gilalas na Gawain’ ng Diyos? Dokrina at mga Tipan 3–5,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021 (2020)

“Enero 24. Paano Ko Maihahanda ang Aking Sarili na Makibahagi sa ‘Kagila-gilalas na Gawain’ ng Diyos?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021

mga dalagita at binatilyo sa harap ng templo

Enero 24

Paano Ko Maihahanda ang Aking Sarili na Makibahagi sa “Kagila-gilalas na Gawain” ng Diyos?

Doktrina at mga Tipan 3–5

icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women. Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

  • Ang ating korum o klase. Ano ang magagawa natin para magkaroon ng pagkakaisa ang mga miyembro ng korum o klase? Anong mga mithiin ang nanaisin nating pagtulung-tulungan na makamit?

  • Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ginagawa natin upang maibahagi ang ebanghelyo? Ano ang mga naging karanasan natin sa paggawa ng gawain sa templo at family history?

  • Ang ating buhay. Paano natin nakita ang impluwensya ng Panginoon sa ating buhay? Ano ang nagbigay-inspirasyon sa ating pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa linggong ito?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o klase tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

icon ng ituro ang doktrina

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Nang unang marinig ng naunang mga Banal ang mensahe ng ipinanumbalik na ebanghelyo, ginustong malaman ng marami kung ano ang maaari nilang gawin para makatulong sa gawain. Ang ama ni Propetang Joseph Smith na si Joseph Smith Sr. ay isa sa mga humiling na malaman ang kalooban ng Panginoon para sa kanya. Ang sagot ng Panginoon, na matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 4, ay nagbigay-inspirasyon na mula noon sa mga henerasyon ng mga tao na maglingkod nang buong “puso, kakayahan, pag-iisip at lakas” (talata 2). Naglilingkod man sa misyon o sa anumang tungkulin o responsibilidad sa Simbahan, magkakapareho ang mga kwalipikasyon para makapaglingkod: isang hangaring maglingkod sa Diyos na may kasamang pananampalataya, pag-asa, pag-ibig sa kapwa-tao, at pagmamahal (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 4:2–6). Paano mo matutulungan ang mga miyembro ng korum o klase na mapalakas ang kanilang hangaring maglingkod sa Panginoon at maghanda para sa darating na mga pagkakataong maglingkod?

Para maihanda ang iyong sarili na pamunuan ang mga miyembro ng korum at klase sa pag-aaral na ito, maaari mong basahin at pagnilayan ang isa o mahigit pa sa mga mensaheng matatagpuan sa “Suportang Resources.”

mga binatilyong bumibisita sa matandang lalaki

Ang pangangalaga sa mga nangangailangan ay bahagi ng gawain ng kaligtasan.

Magkakasamang Matuto

Ang mga miyembro ng korum o klase ay maaaring nabigyang-inspirasyon na paglingkuran ang Panginoon nang mas masigasig sa pagbasa sa Doktrina at mga Tipan 3–5 sa linggong ito. Para mahikayat silang ibahagi ang kanilang mga naiisip, maaari mo silang anyayahang isipin na kunwari ay nag-aaplay sila sa trabaho. Anong mga kwalipikasyon ang isusulat nila sa resume o babanggitin sa isang interbyu sa trabaho? Maaari nilang rebyuhin ang Doktrina at mga Tipan 4 at tukuyin ang mga kwalipikasyong hinihiling ng Panginoon sa mga nagnanais na makibahagi sa Kanyang gawain. Pumili ng isa o mahigit pa sa mga aktibidad sa ibaba upang matulungan ang mga tinuturuan mo na isipin kung ano ang magagawa nila upang mas lubos na makibahagi sa “kagila-gilalas” na gawain ng Diyos (Doktrina at mga Tipan 4:1).

  • Para matulungan ang mga tinuturuan mo na matutuhan kung paano sila makikibahagi sa pagpapabilis ng gawain ng kaligtasan, isulat sa pisara ang sumusunod na kahulugan ng gawain ng kaligtasan: Inaanyayahan ng Diyos ang lahat na lumapit kay Cristo at tumulong sa Kanyang gawain sa pamamagitan ng pamumuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo, pangangalaga sa mga nangangailangan, pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo, at pag-iisa sa mga pamilya sa kawalang-hanggan. Anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na talakayin kung paano sila matutulungan ng mga katangiang nakalista sa Doktrina at mga Tipan 4 na gawin ang bawat bahagi ng gawain ng kaligtasan. Hatiin ang mga kabataan sa mga grupo, at hayaang talakayin ng bawat grupo ang mga paraan na maaari silang magkaroon ng mga katangiang ito. Ano ang magagawa natin para gawing mas mahalagang bahagi ng ating buhay ang gawain ng kaligtasan?

  • Anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na rebyuhin ang isa sa mga mensaheng matatagpuan sa “Mga Suportang Resource,” na naghahanap ng isang siping maaari nilang ibahagi kung paano paglingkuran ang Panginoon nang buong katapatan sa mga katungkulan, tungkulin, o iba pang mga responsibilidad sa Simbahan. Hilingin sa kanila na ibahagi ang siping pinili nila at kung bakit ito makahulugan para sa kanila. Paano nila ipamumuhay ang natutuhan nila ngayon at sa hinaharap?

  • Ang ilang miyembro ng korum o klase ay maaaring naghahandang maglingkod bilang mga missionary. Maaari mong hilingin sa kanila na ibahagi kung paano sila naghahandang maglingkod. Para mahikayat sila sa kanilang mga pagsisikap, maaari mong ibahagi ang tanong na ayon kay Elder David A. Bednar ay madalas niyang matanggap: “Ano po ang magagawa ko para makapaghandang mabuti na maglingkod bilang full-time na misyonero?” (“Pagiging Misyonero,” Liahona, Nob. 2005, 45). Paano sasagutin ng mga miyembro ng korum o klase ang tanong na ito? Anong mga kabatiran ang ibinigay ni Elder Bednar? Maaari mong anyayahan ang isa o mahigit pang returned missionary na ibahagi kung ano ang kanilang ginawa upang makapaghanda para sa misyon at kung ano sana ang dapat na nagawa nila.

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Inanyayahan ng Tagapagligtas ang Kanyang mga disipulo na magpatotoo, at nang gawin nila iyon, inantig ng Espiritu ang kanilang puso. Habang nagtuturo ka tungkol sa pagsunod, halimbawa, anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na magbahagi ng kanilang patotoo tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa mga kautusan. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 1132.)