“Setyembre 26. Bakit Mahalaga na Nasa Lupa Ngayon ang mga Susi ng Priesthood? Doktrina at mga Tipan 106–108,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021 (2020)
“Setyembre 26. Bakit Mahalaga na Nasa Lupa Ngayon ang mga Susi ng Priesthood?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021
Setyembre 26
Bakit Mahalaga na Nasa Lupa Ngayon ang mga Susi ng Priesthood?
Sama-samang Magpayuhan
Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto
Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women. Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):
-
Ang ating korum o klase. Ano ang magagawa natin para magkaroon ng pagkakaisa ang mga miyembro ng korum o klase? Anong mga mithiin ang nanaisin nating pagtulung-tulungan na makamit?
-
Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ginagawa natin upang maibahagi ang ebanghelyo? Ano ang mga naging karanasan natin sa paggawa ng gawain sa templo at family history?
-
Ang ating buhay. Paano natin nakita ang impluwensya ng Panginoon sa ating buhay? Ano ang nagbigay-inspirasyon sa ating pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa linggong ito?
Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:
-
Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.
-
Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o klase tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.
Ituro ang Doktrina
Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto
Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili
Ang “mga susi ng priesthood,” pagtuturo ni Elder Gary E. Stevenson, “ang magbibigay-daan para matanggap ang mga pagpapala, kaloob, at kapangyarihan ng kalangitan para sa [atin]” (“Nasaan ang mga Susi at Awtoridad ng Priesthood?” Liahona, Mayo 2016, 32). Hawak ni Jesucristo ang lahat ng susi ng priesthood, at pinahintulutan Niya ang mga sugo ng langit na ipagkaloob ang mga susi ng priesthood kay Joseph Smith. Ngayon ay hawak ng mga miyembro ng Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol ang mga susi ring iyon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 90:3–4, 6; 107:35; 132:7). Ang mga susing ito ang awtoridad na ibinigay ng Diyos sa mga lider ng priesthood upang pamahalaan ang paggamit ng Kanyang priesthood sa mundo.
Habang binabasa mo ang Doktrina at mga Tipan 107 sa linggong ito, isipin kung paano ka mapagpapala ng Diyos at ang mga tinuturuan mo sa pamamagitan ng Kanyang priesthood. Ano ang nakikita mo sa bahaging ito na mahalagang malaman ng mga miyembro ng korum o klase? Habang naghahanda kang magturo, maaari mong rebyuhin ang mensahe ni Elder Gary E. Stevenson na nabanggit sa itaas at ang “Mga Susi ng Priesthood” sa Tapat sa Pananampalataya ([2004], 202–203).
Magkakasamang Matuto
Ang Doktrina at mga Tipan 107 ay makatutulong sa pagsagot sa tanong na “Anong mga pagpapala ang natatanggap natin sa pamamagitan ng priesthood at ng paglilingkod ng mga lider ng priesthood?” Maaari sigurong maghanap ng ilang kasagutan ang mga miyembro ng korum o klase sa mga talata 18–23, 85–89. Para mas maipaunawa sa kanila kung paano pinagpapala ng priesthood at ng mga lider ng priesthood ang ating buhay, gamitin ang isa o mahigit pa sa sumusunod na mga aktibidad.
-
Maaari mong simulan ang isang talakayan tungkol sa mga susi ng priesthood sa pag-anyaya sa isang miyembro ng korum o klase na pumasok na handang ibahagi ang kuwento ng pagbisita ni Pangulong Spencer W. Kimball sa isang Simbahan sa Denmark, na ikinuwento ni Pangulong Boyd K. Packer sa kanyang mensaheng “Ang Labindalawa” (Liahona, Mayo 2008, 83–87). Maaari mo ring hilingin sa iyong korum o klase na sama-sama nilang basahin ang bahaging “Mga Susi ng Priesthood” sa Tapat sa Pananampalataya (mga pahina 202–3). Bigyan sila ng oras na magturuan nang magkakapares kung ano ang mga susi ng priesthood, batay sa natutuhan nila. Anong mga pagpapala ang dumating na sa atin sa pamamagitan ng paglilingkod ng mga mayhawak ng mga susi ng priesthood?
-
Maaari mong ibahagi ang kuwento ni Elder Gary E. Stevenson tungkol sa pagkawala ng kanyang mga susi mula sa unang anim na talata ng kanyang mensaheng “Nasaan ang mga Susi at Awtoridad ng Priesthood?” (o ipalabas ang video na “Where Are the Keys?” [ChurchofJesusChrist.org]). Maaari kang magpakita ng mga susi at anyayahan ang iyong korum o klase na ibahagi kung paano nakatulad ng mga susi ng priesthood ang mga susing iyon. Maaaring rebyuhin at talakayin ng mga tinuturuan mo ang mga talatang binanggit ni Elder Stevenson (Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–72; Doktrina at mga Tipan 110:11–16), na naglalarawan sa pagkakaloob ng mga susi ng priesthood sa lupa. Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na pumili ng isa sa sumusunod na mga talata at ibahagi sa isang pangungusap ang buod ng natutuhan nila tungkol sa mga kapangyarihan at pagpapalang natatanggap natin sa pamamagitan ng mga susi ng priesthood: Mateo 16:18–19; Doktrina at mga Tipan 27:12; 65:2; 84:19–20. Bakit mahalaga na nasa lupa ngayon ang mga susi ng priesthood?
14:6 -
Maaari mong bigyan ng isang susing papel ang bawat miyembro ng iyong korum o klase at atasan ang bawat tao na basahin ang bahagi II, III, IV, o V ng mensahe ni Pangulong Dallin H. Oaks na, “Ang mga Susi at Awtoridad ng Priesthood” (Liahona, Mayo 2014, 49–52). Anyayahan silang isulat sa susi ang natutuhan nila tungkol sa priesthood at pagkatapos ay ibahagi ang kanilang isinulat. Paano iniimpluwensyahan ng mga katotohanang ito ang ating nadarama tungkol sa mga lider ng ating korum o klase at sa mga tungkuling tinatanggap natin mula sa kanila?
Kumilos nang May Pananampalataya
Hikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya.
Suportang Resources
-
Russell M. Nelson, “Mga Espirituwal na Kayamanan,” Liahona, Nob. 2019, 76–79.
-
“Priesthood Keys [Mga Susi ng Priesthood],” sa General Handbook: Serving in The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints [Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw], 3.4.1