Doktrina at mga Tipan 2021
Disyembre 26. Bakit Mahalaga ang mga Pamilya? “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”


“Disyembre 26. Bakit Mahalaga ang mga Pamilya? ‘Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021 (2020)

“Disyembre 26. Bakit Mahalaga ang mga Pamilya?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021

Larawan
binatilyong niyayakap

Disyembre 26

Bakit Mahalaga ang mga Pamilya?

Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo

Larawan
icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women. Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

  • Ang ating korum o klase. Sino ang bago sa ating ward, at paano natin maipadarama sa kanila na sila ay tanggap? Ano ang ginagawa natin para maging makabuluhan ang oras natin sa mga miting ng korum o klase?

  • Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ilan sa ating mga tungkulin at responsibilidad bilang mga kabataang lalaki at kabataang babae? Paano natin magagampanan ang mga ito nang mas mabuti?

  • Ang ating buhay. Ano ang ginagawa natin para maging higit na katulad ni Jesucristo at matanggap ang Kanyang kapangyarihan sa ating buhay? Ano ang ginagawa natin upang matulungan ang ating mga pamilya na lumapit sa Kanya?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o klase tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

Larawan
icon ng ituro ang doktrina

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Bawat pamilya ay naiiba, at walang pamilya na perpekto. Ngunit lahat tayo ay may perpektong mga Magulang sa Langit, na nagnanais na matanggap natin ang pagpapalang mabuhay nang maligaya bilang mga walang-hanggang pamilya. Para matulungan tayong makamtan ito, binigyang-inspirasyon ng Diyos ang mga propeta at apostol na ipahayag ang mga walang-hanggang katotohanan sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (ChurchofJesusChrist.org).

Habang naghahanda kang ituro ang kahalagahan ng mga pamilya, isipin kung bakit mahalaga sa iyo ang iyong pamilya. Anong papel ang nagampanan ni Jesucristo sa pagtulong sa iyong pamilya na maging maligaya? Habang naghahanda kang magturo, maaari mong pag-aralan ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (ChurchofJesusChrist.org), “Pamilya” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan ([2011], 14–15), at ang mensahe ni Elder D. Todd Christofferson na “Bakit Dapat Mag-asawa at Bumuo ng Pamilya” (Liahona, Mayo 2015, 50–53). Sa palagay mo, anong mga alituntunin mula sa mga resource na ito ang magiging lubos na makahulugan sa mga tinuturuan mo?

Larawan
pamilyang nagha-hiking

Ang mag-anak ang sentro ng plano ng Ama sa Langit para sa atin.

Magkakasamang Matuto

Para makapagsimula ng talakayan tungkol sa kahalagahan ng mga pamilya, maaari mong itanong sa korum o klase kung ano ang natutuhan nila tungkol sa kaligayahan sa buhay-pamilya habang binabasa nila ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” sa bahay. Ano ang natutuhan nila na maaaring makatulong sa kanila na patatagin ang kanilang pamilya? Pagkatapos ay pumili ng isa o mahigit pang mga aktibidad sa ibaba para mas maipaunawa sa mga miyembro ng korum o klase kung bakit mahalaga ang mga pamilya sa plano ng Ama sa Langit.

  • Ang mga talata sa mga banal na kasulatan sa “Suportang Resources” ay sumusuporta sa mga inspiradong katotohanan sa pagpapahayag tungkol sa pamilya. Marahil ay maaari mong ipabasa sa bawat miyembro ng korum o klase ang isa sa mga talatang ito at pagkatapos ay saliksikin ang pagpapahayag tungkol sa mag-anak upang makahanap ng isang talata na may kaugnayan sa kanyang talata. Maaaring ibahagi ng bawat miyembro ng korum o klase kung ano ang kanyang nalaman.

  • Ang pagsunod sa mga turo ni Jesucristo ay humahantong sa tunay at tumatagal na kaligayahan sa ating mga pamilya. Para maipaunawa ito sa mga miyembro ng korum o klase, maaari mong anyayahan ang bawat tao na pumili ng isang katangiang katulad ng kay Cristo (tingnan sa “Paano Ako Magkakaroon ng mga Katangiang Tulad ng Kay Cristo?” kabanata 6 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo [2019], 131–44) at pagkatapos ay maghanap ng isang talata sa banal na kasulatan o pahayag ng propeta na nagtuturo tungkol sa katangiang iyon. Habang ibinabahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang natuklasan nila, maaari nilang sagutin ang isa o mahigit pa sa sumusunod na mga tanong: Paano maaapektuhan ng mas lubos na pamumuhay ng katangiang ito ni Cristo ang aking pamilya? Ano ang natututuhan ko mula sa halimbawa ng Tagapagligtas kung paano ipamuhay ang katangiang ito sa aking pamilya?

  • Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson: “Pinatitindi ng kalaban ang kanyang pag-atake sa pananampalataya at sa atin at sa mga pamilya natin sa napakabilis na paraan” (“Pambungad na Mensahe,” Liahona, Nob. 2018, 7). Para matulungan ang mga miyembro ng korum o klase na mag-ingat laban sa mga pag-atakeng ito, maaari mo silang anyayahang ilista sa pisara ang ilang pag-uugali at asal na itinataguyod ni Satanas para pahinain ang mga pamilya. Bakit nakasasama sa mga pamilya ang mga bagay na ito? Pagkatapos ay maaaring saliksikin ng mga miyembro ng korum o klase ang ikapitong talata ng pagpapahayag tungkol sa mag-anak para sa mga pag-uugali at asal na makakokontra sa mga pag-atake ni Satanas. Paano tayo makahihingi ng tulong sa Tagapagligtas sa pagkakaroon ng mga pag-uugali at asal na ito? Ano ang matututuhan natin kung paano natin mapoprotektahan ang ating mga pamilya sa impluwensya ni Satanas?

Kumilos nang may Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Inanyayahan ng Tagapagligtas ang Kanyang mga disipulo na magpatotoo, at nang gawin nila ito, naantig ng Espiritu ang kanilang puso. Habang ikaw ay nagtuturo, anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa kahalagahan ng pamilya sa plano ng kaligtasan ng Diyos.

Print