Doktrina at mga Tipan 2021
Disyembre 12. Paano Ko Mahahanap ang mga Sagot sa Aking mga Tanong? Mga Saligan ng Pananampalataya at Mga Opisyal na Pahayag 1 at 2


“Disyembre 12. Paano Ko Mahahanap ang mga Sagot sa Aking mga Tanong? Mga Saligan ng Pananampalataya at Mga Opisyal na Pahayag 1 at 2,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021 (2020)

“Disyembre 12. Paano Ko Mahahanap ang mga Sagot sa Aking mga Tanong?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021

binatilyong nagsusulat sa whiteboard

Disyembre 12

Paano Ko Mahahanap ang mga Sagot sa Aking mga Tanong?

Mga Saligan ng Pananampalataya at Mga Opisyal na Pahayag 1 at 2

icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women. Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

  • Ang ating korum o klase. Ano ang naging mga aktibidad natin kamakailan? Matagumpay ba ang mga ito? Ano ang magandang nangyari, at paano natin mapagbubuti ang mga ito?

  • Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Sino ang nangangailangan ng ating paglilingkod? Paano natin sila matutulungan?

  • Ang ating buhay. Anong mga mithiin ang pinagsisikapang gawin ng bawat isa sa atin? Anong mga karanasan ang maibabahagi natin? Anong mga pagpapala ang natanggap natin?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o klase tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

icon ng ituro ang doktrina

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Normal lang na magkaroon ng mga tanong. Iniisip natin ang ating kinabukasan at ang mundong ating ginagalawan. May mga tanong din tayo tungkol sa Diyos at sa Kanyang plano para sa atin. Habang binabasa mo ang Mga Opisyal na Pahayag 1 at 2 sa linggong ito, pansinin kung ano ang ginawa ng mga propeta at apostol upang mahanap ang mga sagot sa kanilang mga tanong (ang outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay maaaring makatulong). Anong papel ang nagampanan ng paghahanap ng mga sagot sa mga tanong sa iyong pag-aaral ng ebanghelyo? Ano ang magagawa mo upang hikayatin ang mga miyembro ng iyong korum o klase na hanapin ang mga sagot sa kanilang mga tanong tungkol sa ebanghelyo sa matapat na paraan? Habang naghahanda kang magturo, isiping rebyuhin ang Doktrina at mga Tipan 6:14–15; 9:7–9 at “Acquiring Spiritual Knowledge” sa Doctrinal Mastery Core Document ([2018], 3–5).

mga dalagitang nakatingin sa tablet

Ang ating mga patotoo ay mapalalakas sa paghahanap natin ng mga sagot sa ating mga tanong sa matatapat na paraan.

Magkakasamang Matuto

Habang pinag-aaralan ng mga miyembro ng iyong korum o klase ang Mga Opisyal na Pahayag 1 at 2 sa linggong ito, maaaring nakatuklas sila ng mga alituntuning may kaugnayan sa pagtanggap ng mga sagot sa mga tanong tungkol sa ebanghelyo. Bigyan sila ng ilang minuto para rebyuhin ang mga pahayag at ibahagi ang natutuhan nila tungkol sa pagtanggap ng paghahayag. Ang sumusunod na mga aktibidad ay makatutulong sa mga tinuturuan mo na mas maunawaan kung paano hanapin ang mga sagot sa kanilang mga tanong tungkol sa ebanghelyo.

  • Itinuturo ng sumusunod na mga talata sa banal na kasulatan ang mga alituntunin tungkol sa pagtatanong at pagtanggap ng mga sagot: Mateo 7:7; Doktrina at mga Tipan 6:14–15; 9:7–9. Maaaring sama-samang basahin ng iyong korum o klase ang mga talatang ito at gumawa ng listahan sa pisara tungkol sa mga alituntuning natuklasan nila. Bakit hindi laging sinasagot kaagad o nang lubusan ng Ama sa Langit ang ating mga tanong? Paano tayo patuloy na magpapakita ng ating pananampalataya habang hinihintay natin ang mga sagot? (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 19:23; 78:18). Isiping magbahagi ng isang karanasan nang magkaroon ka ng isang tanong tungkol sa ebanghelyo at nakatanggap ng sagot. Hilingin sa mga miyembro ng korum o klase na magbahagi ng katulad na mga karanasan.

  • May maiisip bang mga tao sa mga banal na kasulatan ang mga miyembro ng iyong korum o klase na nagtanong ng mga bagay na humantong sa paghahayag? (Kung kinakailangan, maaari mong patingnan sa kanila ang mga talata sa mga banal na kasulatan sa ilalim ng “Suportang Resources.”) Maaaring basahin ng mga miyembro ng korum o klase ang tungkol sa mga taong ito sa mga banal na kasulatan at tukuyin kung ano ang mga itinanong nila, paano sila naghanap ng mga sagot, at ang mga sagot na natanggap nila. Ano ang matututuhan natin mula sa mga halimbawang ito? Paano natin maipamumuhay ang natututuhan natin habang naghahanap tayo ng mga sagot sa sarili nating mga tanong?

  • May mga mungkahi sa mensahe ni Elder W. Mark Bassett na “Para sa Ating Espirituwal na Pag-unlad at Pagkatuto” (Liahona, Nob. 2016, 52–54) kung paano maghanap ng mga sagot sa mga espirituwal na katanungan. Maaaring sama-samang basahin ng iyong korum o klase ang apat na talata ng kanyang mensahe simula sa “Upang maunawaan ang mga hiwaga ng Diyos.” Pagkatapos ay anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na basahin ang 1 Nephi 2:16, 19–20; 10:17–19; 11:1 at tukuyin kung ano ang ginawa ni Nephi para hanapin ang mga sagot sa kanyang mga tanong. Anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na isipin kung ano ang gagawin nila para sundan ang halimbawa ni Nephi kapag mayroon silang mga tanong tungkol sa ebanghelyo.

  • Ang kuwento sa Marcos 9:14–27 ay makatutulong sa mga miyembro ng korum o klase kapag nahihirapan sila dahil sa mga tanong o pagdududa. Bago magklase, anyayahan ang isang miyembro ng iyong korum o klase na pumasok na handang ibahagi ang kuwento. Pagkatapos, hatiin ang iyong korum o klase sa tatlong grupo, at atasan ang bawat grupo na pag-aralan ang isa sa tatlong obserbasyon na itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland tungkol sa kuwento sa kanyang mensaheng, “Panginoon, Nananampalataya Ako” (Liahona, Mayo 2013, 93–95). Paano natin maiaangkop ang obserbasyon ni Elder Holland kapag tayo o ang isang taong kilala natin ay may mga tanong o pagdududa tungkol sa ebanghelyo?

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Hinikayat ng Tagapagligtas ang Kanyang mga tinuruan na gamitin ang mga banal na kasulatan upang mahanap ang mga sagot sa sarili nilang mga tanong. Paano mapagpapala ang iyong mga tinuturuan habang pinag-aaralan nila kung paano hanapin ang mga sagot sa kanilang mga tanong?