“Nobyembre 28. Paano Tumulong si Joseph Smith na Isakatuparan ang Plano ng Ama sa Langit? Doktrina at mga Tipan 135–136,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021 (2020)
“Nobyembre 28. Paano Tumulong si Joseph Smith na Isakatuparan ang Plano ng Ama sa Langit?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021
Nobyembre 28
Paano Tumulong si Joseph Smith na Isakatuparan ang Plano ng Ama sa Langit?
Sama-samang Magpayuhan
Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto
Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women. Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):
-
Ang ating korum o klase. Ano ang magagawa natin para magkaroon ng pagkakaisa ang mga miyembro ng korum o klase? Anong mga mithiin ang nanaisin nating pagtulung-tulungang makamit?
-
Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ginagawa natin upang maibahagi ang ebanghelyo? Ano ang mga naging karanasan natin sa paggawa ng gawain sa templo at family history?
-
Ang ating buhay. Paano natin nakita ang impluwensya ng Panginoon sa ating buhay? Ano ang nagbigay-inspirasyon sa ating pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa linggong ito?
Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:
-
Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.
-
Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o klase tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.
Ituro ang Doktrina
Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto
Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili
“Si Joseph Smith, ang Propeta at Tagakita ng Panginoon, ay nakagawa nang higit pa, maliban lamang kay Jesus, para sa kaligtasan ng mga tao sa daigdig na ito, kaysa sa sinumang tao na kailanman ay nabuhay rito” (Doktrina at mga Tipan 135:3). Ito ay isang matapang na pahayag tungkol sa papel ni Joseph Smith. Naisip mo na ba kung ano ang kahulugan ng pahayag na ito sa iyong buhay? Paano maiiba ang buhay mo kung hindi naipanumbalik ang ebanghelyo ni Jesucristo? Ano ang magagawa mo para matulungan ang mga miyembro ng iyong korum o klase na palakasin ang kanilang patotoo tungkol sa misyon ni Joseph Smith?
Habang naghahanda kang magturo, bukod pa sa pag-aaral ng Doktrina at mga tipan 135, isiping rebyuhin ang mensahe ni Pangulong M. Russell Ballard na “Hindi Ba Tayo Magpapatuloy sa Isang Napakadakilang Adhikain?” (Liahona, Mayo 2020, 8–11) at ang mensahe ni Elder Neil L. Andersen na “Joseph Smith” (Liahona, Nob. 2014, 28–31).
Magkakasamang Matuto
Para makapagsimula ng talakayan kung paano nakatulong si Joseph Smith na isakatuparan ang plano ng Ama sa Langit, maaari kang magsimula sa pagrebyu sa natutuhan ng mga miyembro ng korum o klase tungkol sa Propeta mula sa pagbabasa ng Doktrina at mga Tipan 135 sa linggong ito. Halimbawa, maaari silang gumawa ng listahan ng mga katotohanan na alam nila tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo dahil kay Joseph Smith. Bakit mahalaga ang bawat isa sa mga katotohanang ito sa plano ng Ama sa Langit? Ang sumusunod na mga aktibidad ay mas magpapaunawa sa iyong korum o klase sa papel ni Joseph Smith sa plano ng kaligtasan.
-
Para matulungan ang mga miyembro ng korum o klase na maghandang ipaunawa sa iba ang kahalagahan ni Propetang Joseph, maaari nilang basahin ang “Ang Panunumbalik ng Ebanghelyo ni Jesucristo sa Pamamagitan ni Joseph Smith” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ([2019], 39–40). Sa paggawa nang magkakapares o sa maliliit na grupo, maaari nilang matukoy ang mga punto na mukhang mahalagang ibahagi sa iba. Pagkatapos ay maaari nilang praktisin ang pagbabahagi ng karanasan ni Joseph Smith sa isa’t isa sa sarili nilang mga salita. Hilingin sa kanila na isipin kung ano ang maaari nilang gawin para maibahagi ang mensahe ng Pagpapanumbalik. Marahil ay may maiisip silang isang partikular na tao na mababahagian nila ng mensaheng ito. Maaaring handa rin silang magbahagi ng mga karanasan kung kailan naipaalam nila sa isang tao ang tungkol kay Joseph Smith.
-
Hilingin sa mga miyembro ng korum o klase na isipin kunwari na sinasabi ng isa sa kanilang mga kaibigan sa Simbahan na, “Hindi ako sigurado na mayroon akong patotoo tungkol kay Joseph Smith. Paano mo nalaman na siya ay isang propeta?” Paano tayo sasagot? Ano ang natututuhan natin mula sa sariling karanasan ni Joseph Smith sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:8–19 kung paano tayo magkakaroon o paano natin palalakasin ang ating patotoo? Hilingin sa mga miyembro ng korum o klase na gumawa ng listahan ng mga paraan na mapapalakas nila ang kanilang patotoo tungkol kay Propetang Joseph Smith at pumili ang bawat isa ng isang bagay na gusto nilang gawin sa linggong ito.
-
Para mas maipaunawa sa mga miyembro ng korum o klase ang gawain ng Diyos na naisakatuparan sa pamamagitan ni Joseph Smith, maaari mo silang anyayahang basahin ang mga pahina 48–53 ng Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Gordon B. Hinckley (2016). Maaari silang pumili ng isa o dalawa sa mga doktrina at gawi na ipinakita sa resources na ito na talagang makabuluhan para sa kanila. Maaari nilang ipaliwanag kung bakit sila nagpapasalamat na ipinanumbalik ng Panginoon ang mga bagay na ito sa pamamagitan ni Joseph Smith. Maaari din silang matuwang sumulat ng isang maikling liham na nagpapakita ng kanilang pasasalamat kung paano sila natulungan ng gawain ni Joseph Smith na mas mapalapit sa Tagapagligtas. Maaari din nilang pagnilayan kung ano ang magagawa nila upang mas lubos na mapakinabangan ang mga pagpapalang nagawang ibigay ng Panginoon sa pamamagitan ni Joseph Smith.
Kumilos nang May Pananampalataya
Hikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya.
Suportang Resources
-
Doktrina at mga Tipan 35:17–18 (Sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith, ipinanumbalik ng Panginoon ang kabuuan ng ebanghelyo)
-
Russell M. Nelson, “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?” Liahona, Nob. 2017, 60–63
-
“Teachings of Joseph Smith: The Nature of God,” “Ministry of Joseph Smith: The Book of Mormon,” “Ministry of Joseph Smith: The Organization of the Church,” “Ministry of Joseph Smith: The Restoration of Priesthood Authority,” “Ministry of Joseph Smith: Temples” (mga video), ChurchofJesusChrist.org